Skip to main content

Posts

Showing posts from February, 2011

Cellphone: Masamang Epekto Ng Pagbababad Dito

Ang pagtetelebabad umano ng 50 minuto sa paggamit ng cellphone ay sapat na para mabago ang brain cell activity sa isang parte ng utak na malapit sa antenna o sa tenga. for illustration only Maging ang dahilan ng peligro ay hindi pa malinaw, ang mga siyentipiko mula sa National Institute of Health ay nagsabi na ang pag-aaral ay may kaugnanyan sa pagitan ng paggamit ng cellphone at brain cancer. " What we showed is glucose metabolism increases in the brain in people who were exposed to a cellphone in the area closet to the antenna" ani Dr. Nora Volkow ng NIH kung saan ang pag-aaral ay na-published sa Journal of the American Medical Association. Ang pag-aaral ay para sa pagsusuri kung paanong ang utak ay nag re-react sa electromagnetic fields na sanhi ng wireless phone signals. Ani Volkow, nasorpresa siya na ang mahinang electromagnetic mula sa cellphones ay maaaring makaapekto sa aktibidad ng utak pero ang findings ay hindi nabigay-linaw kung ang cellphones ay...

Home Tips: Panahon na Dapat Nang Idispatsa Ang Gamit

Kailan masasabing dapat nang idispatsa ang mga gamit gaya ng mga sumusunod: for illustration only Pabango . Sinasabing nagsisimulang mawala ang pinakamabisang amoy ng anumang pabango matapos ang anim na buwan na paggamit dahil ito sa tinatawag na pagbabago sa fragrance molecules na nawawala dahil sa exposure sa init at hangin. Magagawang mas patagalin ang buhay ng pabango kapag inilalagak ito sa loob ng fridge. Ang malamig na temperature ay nakapagpapanatiling sariwa ng amoy nito kahit lumipas na ang taon. Mainam din kung hindi lamang sa pulso, kamay at leeg ipipisit ang pabango kundi maging sa siko at likod ng tuhod -- na tinatayang higit na maraming moisture. for illustration only Espongha . Mas maganda kung magre-retiro na ang gamit na espongha makalipas ang dalawang linggo. Kapag tumagal pa ang serbisyo nito, marami pang bakterya ang makukuha rito. Gayunman, magagawang patagalin ang buhay ng espongha mula sa pagbabad sa mainit na tubig o paglagak sa loob ng mic...

Tips: Mabisang Pangontra Sa Breast At Prostate Cancer

Magic Beans? Nagagawang sumuko sa buhay ng ilan sa atin gawa ng sobrang hirap at negatibong pananaw na nag-iisa sila pagdating sa laban nila sa buhay. Isa sa nakawawalang pag-asa ay ang mga hindi maipaliwanag na sakit na nararamdaman ng mga pasyente  ng malulubhang karamdaman. Nariyang sadyain na nilang hindi kumain o uminom ng gamot na dapat ay regular nilang iniimon dahil sa pakiramdam nilang wala naman itong epekto para maisalba o dagdagan ang kanilang buhay. Mayroon din na masyadong nakararamdam na nagiging pabigat o perhuwisyo sila sa kanilang pamilya kaya nais na nilang wakasan ang kanilang paghihirap. Dahil diyan, masasabi natin na iba-iba ang kapasidad at maging pananaw ng tao pagdating sa buhay marahil base na rin sa pananalig sa Diyos at pagpapahalaga sa buhay ng mga ito. Natural naman kasi na ang lahat ay papunta rin sa kani-kanilang katapusan na higit na mahalaga lamang ay kung paano nila nagawa o gawing makabuluhan ang biyayang ito habang tayo ay nabubuhay. P...

Chinese New Year: Mga Pagkaing May Swerte

Ang mga pagkain na isinisilbi tuwing Chinese New Year ay may hatid na simbolo na tulad ng mga Tsino ay pinaniniwalaan na ang pagkain ay direktang nakakaapekto sa kanyang kapalaran sa papasok na taon. for illustration only Ang mesa ay puno ng pagkain upang matiyak ang kasaganahan sa Bagong Taon. Ang mga pagkain at sangkap ay pinili upang maghatid ng suwerte, paghaba ng buhay at kaligayahan. Kung minsan, ang uri ng pagkain ay may magandang kahulugan. Heto ang ilang paborito ng mga Tsino na inihahain sa mesa sa pagpasok ng Chinese New Year upang makahatak ng swerte. Treasure Chicken ( Pat Po Kwe ) . Ito ang pagkain na inihahain ang buong manok na sinisimbolo ng magandang pagsasama at pagkakasundo ng buong pamilya. Habang ang bibe ay nagsasaad ng katapatan kaya naman mas pangunahing handa ang buong manok. Tinatangalan ng buto ang manok at papalamanan ng malagkit na kanin o machang, tuyong scalops, tinadtad na Chinese Ham, tuyong hipon, lotus seeds at iba pang pampalasa. Ang mal...

Blood Pressure: Paano Maging Normal?

Gusto mo bang bumaba ang iyong blood pressure o bp? Lumalabas sa pag-aaral na ang pagkonsumo ng walnuts ay nakatutulong upang bumaba ang mataas na presyon ng dugo ng isang tao. for illustration only Gayundin, ang omega-3 fatty acids na matatagpuan sa walnuts ay responsable sa pagpapababa ng stress sa katawan ng isang tao kaya't maayos na namamantina ang blood pressure ng sinuman. Samantala, mainam na ikonsulta sa doktor ang nararanasang highblood pressure bago pa man kumonsumo ng anumang over-the-counter ( OTC) cold products. Hindi rin ito mainam para sa mga taong mayroong diabetes, glaucoma o enlarge prostate. Ang produkto ay tinatayang nagtataglay ng decongestant, tulad ng pseudoephendrine at phenylephrine na nakatutulong upang maibsan ang sipon sa pamamagitan ng pagpapatama sa kondisyon ng blood vessels. Mainam na ikonsulta sa doktor ang naturang usapin para sa ibayong kaalaman Mula sa Bulgar No Problem ni Ms. Myra

Healthy Fruits: Prutas Na Mabilis Na Pampagaling Ng Sugat

Hindi lamang sa masarap na lasa na makukuha sa pinya nakakukuha ng benipisyo ang bawat taong mahilig dito kundi ang bromelain  na matatagpuan sa stem at juice ng naturang prutas ay nakatutulong upang maibsan ang tinatawag na acute injuries tulad ng aksidenteng pagkakahiwa at pasa at nagbubunsod upang madali itong gumaling. for illustration only Nakapagpapabuti ito sa sirkulasyon sa napinsalang bahagi sa pamamagitan ng pagpigil sa produksyon ng prostaglandins . Gayunman, ang bromelain ay nakapagpapanipis sa dugo kung saan higit na mainam ang pakikipag-usap sa doktor kung nais ikonsidera ang tinatawag na pineapple pill . Mula sa artikulo: No Problem ni Ms. Myra ng Bulgar: Prutas na Mabilis Na Pampagaling Ng Sugat