Kailan masasabing dapat nang idispatsa ang mga gamit gaya ng mga sumusunod:
for illustration only |
Pabango. Sinasabing nagsisimulang mawala ang pinakamabisang amoy ng anumang pabango matapos ang anim na buwan na paggamit dahil ito sa tinatawag na pagbabago sa fragrance molecules na nawawala dahil sa exposure sa init at hangin. Magagawang mas patagalin ang buhay ng pabango kapag inilalagak ito sa loob ng fridge. Ang malamig na temperature ay nakapagpapanatiling sariwa ng amoy nito kahit lumipas na ang taon. Mainam din kung hindi lamang sa pulso, kamay at leeg ipipisit ang pabango kundi maging sa siko at likod ng tuhod -- na tinatayang higit na maraming moisture.
for illustration only |
Espongha. Mas maganda kung magre-retiro na ang gamit na espongha makalipas ang dalawang linggo. Kapag tumagal pa ang serbisyo nito, marami pang bakterya ang makukuha rito. Gayunman, magagawang patagalin ang buhay ng espongha mula sa pagbabad sa mainit na tubig o paglagak sa loob ng microwave sa loob ng dalawa hanggang tatlong minuto sa tuwing lilipas ang dalawang araw. Ang gawaing ito ay nakapagtataboy sa mikrobyo at bakterya kung saan higit itong tatagal. Mainam din ang pagpili ng lemon flavor sa gamit na dishwashing paste.
for illustration only |
Harina. Huwag nang gamitin ang harina kung mahigit isang taon na ito. Matapos ang ganitong panahon, na de degrade na ang oil nito at tuluyang nasisira. Gayunman, mas magtatagal ang buhay nito kung ililipat ang harina mula sa bag patungo sa container na may takip at ilagak sa loob ng fridge. Ayon sa eksperto, ang malamig na temperatura ay nakapagpapalayo sa moisture at nakapagpapaiwas sa oil sa mabilis nitong pagkasira.
mula sa pahayagang bulgar no problem ni Ms Myra
mula sa pahayagang bulgar no problem ni Ms Myra
Comments
Post a Comment