Nabasa mo ang tungkol sa sakit na U.T.I ( Urinary Tract Infection). Ngayon naman ito ang mga ilan sa natural na lunas at maaari mong subukan para sa sakit na ito:
- Ang tulong ng baking soda. Paghaluin ang 1/2 tsp na baking soda sa 8 ounce na basong tubig. Ang pag-inom nito ay nakakatulong para sa mga unang sintomas ng uti. Ang presensya ng baking soda sa katawan ay nakakadagdag sa acid-based balance ng acidic urine.
- Uminom ng maraming tubig. Maigi ang pag-inom ng maraming tubig sapagkat nililinis nito ang ating katawan sa pamamagitan ng pag-dilute at pag-flushout ng mga hindi kanais-nais na substansya sa loob nito.
- Pag-inom ng cranberry juice. Mahusay ito sa panlaban ng impeksyon, pinipigilan nito ang pagkapit ng mga bakterya sa cell na malapit sa daluyan ng ihi. Mas maigi ang fresh cranberry juice para sa bladder infection kaysa sa bottled cranberry juice. Pero kung walang makitang mabiling sariwang prutas na cranberry ay piliin ang mga bottled cranberry juice na mababa sa sugar at additives.
- Nakakatulong din ang aromatherapy bilang natural na lunas sa sintomas ng uti. Magpahid ng langis na gawa sa tea tree,sandalwood,frankincense, bergamot at juniper. Ang pinaghalo-halong sangkap ng langis na ito kapag minasahe sa lokasyon ng pantog ay nakababawas sa malalang sintomas ng uti hindi man mismo ang impeksyon. Gawin ito tatlo hanggang apat na beses sa isang araw hanggang sa humupa ang mga sintomas.
- Kumain ng mga prutas na sariwa sa Vitamin C ( mga citric fruits). Ang Vitamin C ay nakakatulong sa pag-prevent ng bacterial growth sa ating pantog at sa urinary tract. Kumain din ng mga pagkain na mayaman sa mineral at iba pang supplement. Mapapanatili mo rin ang alkaline content sa iyong ihi sa pag-inom ng gatas, pagkain ng prutas at gulay.
Ito nga ang ilan sa mga epektibo at natural na lunas na maaari mong subukan para sa sakit na UTI ngunit mas maigi pa rin ang pagkonsulta sa doktor kung ikaw ay nakararanas na ng mga sintomas ng sakit na ito.
Comments
Post a Comment