Dahil sa tag-ulan na naman po at kaliwa't kanan ang baha, marami sa atin ang nagkakasakit, kasama na rito ang diarrhea o pagtatae lalo na sa mga bata. Ito ay ang pagdumi ng 3 beses o mahigit pa sa loob ng isang araw at ang dumi ay kapansin-pansin na matubig. Ito ay maaaring dahil sa 'di tamang pagsunod sa kalinisan, impektadong pagkain at pag-inom ng maruming tubig. Dahil sa rami ng bilang ng pagdumi at halos tubig ang dumi, maaari itong mauwi sa pagkatuyo o pagkawala ng maraming likido sa katawan. Tips on How to Prevent Diarrhea Ano ang mga palatandaan ng pagkatuyo? Ang pasyente ay nangangalumata, panunuyo ng bibig, labis na pagkauhaw, paglubog ng bumbunan ng sanggol, lagnat, malimit na pagsusuka, walng luha sa pag-iyak ng bata, biglang pagbaba ng timbang, mabagal na pagbalik ng balat sa normal kapag pinisil, mabilis at mahinang pulso, kakaunti ang ihi o kaya ay hindi umiihi. Paano maiiwasan ang dehydration o pagkatuyo? Sa unang palatandaan pa lamang ng diarrh...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc