May mga toxins mula sa ating mga kinain ang hindi madaling maalis sa ating katawan kaya nga’t kinakailangan natin ng detoxification para hindi hindi kumalat o dumami ang mga lason na ito sa ating katawan.
Bukod sa pagpa-fasting, ang pagkonsumo ng mga
masusustansyang pagkain o natura foods ay nakatutulong para ma-detoxify ang
ating katawan. May mga pagkain na naghahatid ng benepisyo sa ating katawan
upang ito’y malinis mula sa mga lason sa natural na paraan. Bukod sa pagkain,
may mga inumin ding nakatutulong na maalis ang ating body toxins.
Pwede mong isama sa iyong pagda-diet ang mga pagkain at
inumin na ito para makatulong sa paglilinis ng iyong katawan mula sa mga toxins
na nananatili pa rito.
Ang watercress ay madalas na isama sa vegetable salad.
Mayroon itong natural na diuretic properties at malaking tulong sa pagsugpo ng
mga free radicals sa cells ng ating katawan. Liver cleanser din ito sapagkat
mayroon itong tulong upang madagdagan ang ating energy enzyme.
Ang lemonada ay magandang pagkunan ng Vitamin C at ito ay
siyang nagsisilbing mabisang antioxidant., tulong upang ma-detoxify ang ating
katawan pati na rin sa pagsusunog ng taba. Ang pag-inom ng tubig na may halong
lemonada sa umaga ay may tulong sa ating panunaw.
Ang mga sariwang prutas syempre pa ay malaking tulong sa
detoxification sapagkat naglalaman ang mga ito ng bitamina, antioxidant at
fiber.
Ang isang sariwang repolyo ay nakatutulong upang linisin ang
ating puso .
Ang luya at bawang naman ay nakapag-aalis ng free radicals
sa ating katawan at may buting dulot din sa depensa ng ating katawan mula sa
iba’t ibang karamdaman.
At green tea na natural na pantulong sa detoxification sa
ating katawan sapagkat ito ay naglalaman ng catechins at flavanoids na nagpapaigi
sa aktibidad ng ating atay at pagdami sa produksiyon ng detoxification enzymes.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment