Nais mo bang maging isang mahusay na atleta. Pangarap mo ba na minsan ay makasali sa Olympics? Hindi masamang mangarap, lalo’t punumpuno ka ng dedikasyon para maabot ito. Kaya’t kung nais mong maabot ang pangarap mong maging magaling na Atleta, heto ang ilan sa tips namin para sa inyo:
Alamin ang rules ng iyong napiling sport at physical
requirements.
Mag-hire ng coach o personal trainer kung kailangan ong
maabot ang layunin para mabilis na gumanda ang porma. Malalaman mo ng eksakto
ang kailangan mo para magtagumpay sa sport at matulungan kang maabot ito.
Praktisin ang kailangang skills hanggang ma-master ang
tamang hakbang at porma. Pag-aralan ang kailangang skills hanggang ma-master ang
tamang hakbang at porma. Pag-aralan ang estratehiya na kailangan para magwagi
Mangako na maging dedicated. Kailangan ng maraming tulog at
pahinga. Kumain ng masustansya at gawing prayoridad ang training. Isama ang mga
kaibigan sa work out para mamotiba ka. Dapat ay magyayakag sa iyo para bumangon
nang maaga at kailangang maitulak kang palaging mag-training.
Dagdagan ang bilis sa mga drill upang umibayo ang tibay
tulad ng klasikong wind sprints (ang pagtakbo ng maigsing distansiya na mabilis
nang pabalik-balik sa basketball court.
Patatagin ang stamina at endurance para mamantina ang
physical fitness. Subukan ang aerobics, long distance running at interval
training sessions.
Pag-aralan ang laban ng ibang atleta, lalo na iyong mahuhusay
na sa naturang sport. Saliksikin ang kanilang raining routines, eating habits,
laks at inspirasyon at diskubrehin ang bagong mga elemento para maidagdag sa
iyong workout at lifestyle.
Kumonsulta sa doktor at kumuha ng kumpletong physical examination
bago sumabak sa anumang kailangang exercise regimen.
Source: Bulgar credits to Nympha Miano Ang
Comments
Post a Comment