Iba-iba man ang mga babae sa mundo, mayroon pa rin silang iisang sentimyento pagdating sa kanilang facial skin at sa pag-aaalaga nito. Sa kabuuan, ang mga babae sa buong mundo ay ninanais na magkaroon ng isang makinis na mukha kaya’t gagawin nila ang lahat para mapanatili ang ganda at sigla nito.
Tatlong hakbang lang naman ang mahalaga sa pag-aalaga ng kutis
sa mukha:paglilinis, pag-mo-moisturize at pag-protekta. Ito ang ilang tips para
makatulong sa pag-aalaga ng inyong kutis:
Ang paglilinis ng
dumi nito ay nakatutulong para makahinga ang balat. Ayon sa mga dermatologist
mainam ang paglilinis ng mukha dalawang beses sa isang araw gamit ang mga
cleanser na hiyang sa inyong kutis.
Mayroong kutis na oily, dry sensitibo at
normal kaya maging maingat sa pagpili ng cleanser na hiyang sa inyong mukha.
Maigi ang cleanser dahil tinatanggal nito ang anumang dumi sa mukha na dulot ng
polusyon.
Para mapanatiling bata at malambot ang kutis sa mukha, ay
kinakailangan mo itong i-moisturize. Pinananatili ng moisturizer ang buhay at
sigla n gating balat. Kaya rin nitong itago ang mga imperfection ng iyong
kutis, pagiging tuyot at nakapagpapaganda rin ng tone at texture.
At ang huli, protektahan mo ang iyong balat laban sa sikat
ng araw. Ang matagal sa pagkabilad ng mukha sa araw ay nagdudulot ng pigmentation,
pagkasunog ng balat, pagtanda ng balat, hindi pantay na skin tone at
pagka-itim. Gumamit ng UVA and UVB protection.
Bukod sa mga nabanggi,maigi rin ang pagkain ng masusustansyang
gulay at prutas para sa pag-aalaga ng inyong kutis.
Source: medicmagic
Comments
Post a Comment