Skip to main content

Tips Para Umasenso Ang Iyong Catering



Sa ngayon, malaki na ang kompetisyon pagdating sa catering business. Kaya naman bilang may-ari ng ganitong klaseng negosyo ay dapat lawakan mo ang iyong isip sa mga bagong konsepto. Bakit hindi mo subukan ang Theme Catering – baka ito na ang paraan para umasenso ang iyong negosyo.

Ordinaryo na sa mga caterer ang paghahanda ng menu at pag-seserve ng mga pagkain para sa kanilang kliyente. Pero ang konsepto ng theme catering ay iba, sapagkat mula sa pagkaing lulutuin, paghahanda, pagseserve sa mga kakain ay sakop nito pati ang dekorasyon, musika na gagamitin para sa okasyon at anumang paghahanda na kinakailangan sa event.

Maraming theme ang pwede mong subukang i-offer sa iyong mga kliyente tulad ng Spanish town fiesta, Hawaiian luau party, o isang Moroccan theme wedding party.

Sa ganitong uri ng catering kinakailangan mong makipagtulungan din sa party planner ng event na iyong pagsisilbihan.

Sa pagkain madalas at paborito ng mga kliyente sa Pinas ang lutong pinoy, American, Chinese, Japanese, French,Italian, at Thai.

Napakaganda ng konseptong theme catering at tiyak na may laban ka na sa iyong mga ka-competisyon kapag lalo mong mapapagbuti ang konseptong ito.

Sa kabilang banda, hindi rin ganun kadali ang theme catering. Una na sa mga kahaharapin mo ay ang kamahalan ng mga sangkap ng pagkain dahil ang ilan dito ay kailangan mo pang i-import sa abroad na kakailanganin sa theme party at regular catering. Isa pang suliranin na kahaharapin mo ay ang man power. 

May mga pagkakataon na iyong magagaling at masisipag mong waiter at food service workers ay umaalis ng bansa para magtrabaho o mag-travel.

Para sa mga buwang matumal ang benta ay pwede mong babaan ang iyong singil o bigyan ng discount ang iyong mga suki at bagong kliyente.

Marami mang kinakaharap ang mga negosyanteng caterer ay isa pa rin sa mga itinuturing na matatag na negosyo ang catering. At kung susubukan mo ang konsepto ng theme catering ay mas ma-eenganyo ang iyong mga kliyenteng tumikim ng iyong pagkain at serbisyo.
Source: entrepreneur ph magazine


Comments

  1. Great tips! thanks for sharing. I just want to share this Manila Catering for more ideas.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Dust Removal: Tips Para Maalis Ang Mga Alikabok Sa Bahay

Problema mo ba ang mga alikabok sa iyong bahay? Huwag nang mag-alala katoto sapagkat heto na ang ilan sa mga paraan upang hindi bahayan ng alikabok ang bahay mo. 1. Kailangan mo ng isang magandang pamunas. Mas maiging gumamit ng mga micro fiber cloth kaysa sa mga feather duster . Mas nakakakuha kasi ito ng mga alikabok na talaga namang nakapagpapaalis ng dumi. Mas matagal din ang panahon na tinatagal nito kaysa sa huli. 2. Sa itaas ka muna magsimulang maglinis. Mas maparaan at hindi ubos oras kung magsisimula kang mag-alis ng alikabok sa itaas na bahagi ng kahit anong gamit mo sa bahay tulad ng lampara,cabinet,bintana atbp. Hindi na magiging paulit-ulit pa ang pag-imis mo kung ganito ang paraan mo dahil wala nang malalaglag pa na alikabok mula sa itaas pababa. 3. Gumamit ka ng dryer sheets kung magpupunas ka sa loob na bahagi ng washing machine , sa ganitong paraan matatangal mo lahat ng dumi na naiwan mo mula sa iyong paglalabada. 4. Para sa iyong mga furniture , mas ...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...