Usong-uso sa Maynila ang negosyong Buy One Take One Burger. Patok na patok ito sa mga estudyanteng nagmemerienda pagkatapos ng klase, mga nag-oopisinang nais mag-uwi ng pasalubong, pati na rin iyong mga naghahanap ng trabaho pantawid sa gutom sa maghapong paghahanap ng trabaho. Kaya naman kung nais mong magsimula ng negosyong Burger Stand at wala kang malaking puhunan para makapag-franchise ng isang kilalang burger stand- ito ang mga importanteng detalye sa pagsisimula ng negosyong burger stand.
Lokasyon
Kung walang sapat na puhunan para umupa ng puwesto ay
pwedeng-pwede mo naman itong simulan sa bahay. Tanging baranggay permit ang
iyong kailangan para makapagsimula.
Kung may sapat na puhunan ay umupa sa puwestong matao gaya
ng tabi ng paaralan, simbahan o terminal.
Mas mabenta naman ito sa oras ng meryenda hanggang sa
mag-umaga na. Ang iba kasi sa atin ay naghahanap ng pang-midnight snack na
hindi masyadong mabigat sa tiyan.
Ang food cart na may sukat na 4X20 at may disenyo na ay
nagkakahalaga ng 6000-7000 piso. Ang presyo ay dumedepende sa sukat, material
at structure.
Importante rin na may sariling pangalan ang inyong food cart
at signage.
Materials
Para sa mga kagamitan ito ang iyong mga kakailanganin:
Ordinaryong burger griller na nagkakahalaga ng 2,500-3,500
pesos
LPG Gas na nagkakahalaga ng 620 na puwedeng tumagal ng 15-20
days.
Para sa mga raw material, ito naman ang kailangan:
12 pcs Bread-burger 32 piso
6 pcs Foot Long 22 piso
8 pcs Burger patties 23 piso
8 pcs Ham 25 piso
14 pcs Footlong 130 piso
1 gallon ng mayonnaise 125 piso
1 Tray ng itlog 120 piso
1 gallon ng catsup 45 piso
1 litro ng oil 110 piso – na pwedeng gamitin ng hanggang
tatlong araw.
Mga karagdagang tips para sa pagsisimula ng negosyong burger
stand:
- 1-frozen palagi ang patties, footlong at ham
- Piliin ang tinapay na bago at malambot
- Huwag ng gamitin ang cooking oil kung sa tingin mo ay hindi na ito malinis para makaluto ng pagkain
- Mas makaiigi o makatitipid kung hahanap ka ng supplier mo. Siguraduhin lamang na mayroon kang tamang lalagyan para hindi maluma o masira ang iyong mga raw material.
- At syempre tulad ng ibang negosyong may kinalaman sa pagkain ay panatilihin itong malinis.
Source: businessdiary
Comments
Post a Comment