Skip to main content

Posts

Showing posts from 2013

Murang Heat Press T-shirt Printing Sa Cavite

Ito ay isang anunsyo mula sa Monster Prints Cavite  Contact No. 09052064765 Fanpage: Monster Prints Branch 2 Twitter: monsterprintsb2 Pick Up Site: Anabu Doyets Imus Meet Up Points: Cavite Malls Also Ship Thru LBC Isang homebased shop sa Cavite ang nag-ooffer ng kanilang murang heat press and print services para sa inyong t-shirt na kadalasan ay kailangan kapag may reunion, okasyon, company event at iba pa. Murang Heat Press T-shirt Printing Sa Cavite  PRESYO NG PATATAK A4 Size/ 1 PRESS + Light or Dark Shirt: 170 pesos - bulk orders of 100 above 180 pesos - bulk orders lower than 100 190 pesos - bulk orders of 50 200 pesos each - pares ng damit ( ideal para makatipid ang magkasintahan sa couple shirt) 250 pesos each - single order Ang Heat Press Printing ay isang uri ng paraan upang madaling mailipat ang imahe sa isang garment tulad ng t-shirt. Hindi na kinakailangan pa ng mano-manong silkscreen para maka-imprenta ng damit. Ang kailangan lang ay is...

Mga Pagkaing Lunas Sa NAUSEA

Mahirap din ang pagkakaroon ng NAUSEA . Madalas kang makaramdam na para bang ikaw ay nasusuka kapag nakakakita ka ng pagkain. Iyan tuloy ang dahilan kung minsan kaya wala kang gana sa pagkain. Hindi naman magandang umiwas na lang sa pagkain sa tuwing makakaramdam ng ganito dahil makakaapekto naman ito ng labis sa iyong kalusugan. Maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng Nausea . Pwedeng sanhi ito ng gastritis, acidity, pagdadalang-tao o pananakit ng tiyan. Kapag ikaw ay dumaranas ng Nausea ay parang laging gusto mong sumuka na lang pagkatapos mong kumain. Kung ikaw ay nakararamdam nito ay dapat na maging mapili ka sa iyong mga kinakain. Ito ang mga pagkaing pwedeng makatulong sa'yo upang mawala o lunasan ang iyong nausea. Mansanas. Ang prutas na ito ay mayaman sa fiber na siyang lunas sa nausea. Masustansya ang prutas na ito at hindi nakakasira ng tiyan. Luya . Kung nakakaramdamam ka ng pagsusuka, maigi ang pag-ngata ng luya. Mayroon kasi itong aroma at lasa na m...

Mga Pagkaing Sanhi Ng MIGRAINE

Madalas ba ang pananakit ng iyong ulo o nakakaranas ng migraine. Hindi ka naman nag-iisa sapagkat marami sa atin ang nakakaranas ng ganitong sitwasyon Ilan sa mga maaaring sanhi ng pananakit ng ulo ang sinusitis, pagod o stress, pati na ang mental tension. Pero alam ninyo bang may ilang pagkain o uri ng diet din na pwedeng maging sanhi nito? Isa sa mga ikinokonsidera na sanhi ng migraine o headache ay ang biglang pagbabago sa diyeta lalo't kung ito ay mababa sa carbo -  sa madaling sabi, ito ay kung tawagin ay crash dieting. Sapagkat ang carbohydrate ang siyang ating fuel para sa ating utak. Pwede ring maging sanhi ng sakit ng ulo ang low blood sugar level. Kaya't 'yung labis na pagpapaliban na kumaen sa tamang oras o pati na 'yung pakunti-kunting pag-inom ng tubig ay maaaring maging sanhi rin ng migraine o pananakit ng ulo. Mga alcoholic drink. Sanhi din ito ng sakit ng ulo sapagkat ang mga alcohol ay naglalaman ng mga kemikal na siyang nagpapababa sa ating ...

Tips Sa May An-An (TINEA FLAVA)

Hindi nga namang magandang tignan ang mga patsi-patsing puti sa ating balat, sa likod man o sa iba pang parte ng katawan o sa ating mukha. Tinea flava ang tawag natin dito o mas kilala sa sa layman's term na an-an. Ito ay dala ng fungus na Malasseria Furfur. walang katotohanan na ang mga nagkakroon ay ang marurumi  lamang sa katawan, kahit sino ay pwedeng tubuuan ng an-an. Dalawang klase ng an-an, 'yung isa ay puti ang kulay na madalas na makita sa mga taong medyo maitim ang balat at an an na kulay brown at hype pigmented patches ang tawag dito na madalas naman makita sa mga taong medyo maputi ang balat. Ginagamot ang an-an  ng pag inom ng anti fungal tablet klasepikadong ketoconazole. Ang pag inom dito ay isang beses isang raw pagkatapos maligo sa loob ng dalawang linggo. Nakakatulong din ang selenium sulfide solution na ipinaphid sa apektadong lugar sa gabi matapos maligo at magpatuyo  ng katawan at babanlawan kinaumagahan. Maaring gamitin ito dalawang beses is...

Tips Para Hindi Mabundat ( Flat Tummy Tips)

--> Maraming tao ang nagkakaroon ng tsansa na mapakain ng marami ng higit sa pangkaraniwang kinokonsumo sa pagkatuwa minsan sa rami ng nakahaing pagkain sa mesa na nauuwi sa pagsakit ng tiyan. Gayunman isang eksperto ang nagmalasakit at nagbigay ng hakbang upang maiwasan ang pagkabundat na kinabibilangan ng mga sumusunod: Uminom ng tubig. Mas mainam na piliin ang may bahagyang init ng tubig sa  halip na lumagok ng malamig na soda at mainam ding limitahan ang sarili sa pag-inom ng juice. Ang tubig ang pinakamainam na sandata upang mailabas sa katawan ang anumang pagkain. Makakatulong din ang tsaa para sa detoxifying.  Maglakad-lakad. Ang dahan-dahan ngunit tamang distansya ng paglalakad ay makakatulong upang pagpawisan o maibsan ang kung anumang hindi magandang mararamdaman sa katawan. Hindi kinakailangan ng matinding ehersisyo, sa halip ay i-enjoy ang paglalakad na hindi namamalayang makatutulong ito laban sa banta ng pagkabundat.  Kumain ng prutas at gu...

Tips Pangontra Kabag o GASTRITIS

Ito ang mga pagkaing pangontra sa kabag o GASTRITIS. Suha. Mataas sa water content ang prutas na ito. Binubuo ito ng 90% ng tubig. Ito rin ay mayaman sa fat burning enzymes. Lettuce at Spinach. Ang berdeng dahon ng naturang mga gulay ay nagbibigay ng malusog na doses ng fiber,bitamina, at mineral na nakatutulong din sa banta ng acid indigestion, constipation, at urinary tract infections. Peppermint at luya. Isa pang mabisang pangontra kabag ang mga ito. Ang mga ito ay pawang carminative herbs na nakatutulong upang mabawasan ang banta ng gas sa katawan na mas ma-eenjoy sa pag-inom ng tsaa. Ang peppermint at luya ay nakatutulong sa daloy ng tubig sa ating katawan. Sili. Ang maanghang na herbs na ito ay nakatutulong upang mabawasan ang banta ng mataas na presyon ng dugo, stroke, at sakit sa puso. Ang maanghang na lasa ng sili ay nagpapabilis sa metabolismo maging ng pagpapawis at mismong pag-iwas sa kabag. Brocolli at Cauliflower. Ang naturang gulay ay tinatawag na c...

Tips Sa Paggawa Ng Herbal Cough Candy

Mula sa mga pinaghalong sangkap ng langis mula sa luya ( Zinigiber Officinale Rosc), kalamansi ( Citrus Microcarpa Bunge) at tamarind extracts ( Tamarindus indica Linn) ay makakagawa ng isang candy na formulated para maging mabisang preventive measure sa ubo. Ito ang ilang sangkap ng cough candy yari sa mga herbal extracts na ito,  na pinag-aralang gawin ng mga tagapagsaliksik ng ITDI. 8 g ng asukal 90 g ng glucose 1 g NH4Cl 0.05 g color 0.10 g menthol 2.5 grams powdered sugar 25 ml sugar 10 ml kalamansi juice 10 ml tamarind nectar 0.15 ml ginger oil 0.15 ml Ginger Oil 0.15 ml kalamansi oil 2.5 g magnesia powder Ito naman ang paraan kung paano ang paggawa ng cough candy mula sa mga sangkap na herbal extracts: Haluin ang mga sangkap sa isang kawaling nakasalang sa apoy hanggang sa ma-dissolved; asukal, glucose, tubig, kalamansi juice, tamarind nectar, at food color. Hayaang kumulo at takpang maigi. Pakuluan hanggang 140C. Pagkatapos ay idagdag na ang NH4...

4 Na Alternatibo Sa ENERGY DRINK

Sino ba sa atin ang hindi pa nakakatikim ng energy drink . Madalas pa nga'y gawing habit na ng mga Pinoy ang uminom nito para magkaroon ng stamina. Ang energy drink ay madalas na inumin pagkatapos na mag-ehersisyo. Ang iba nama'y umiinom nito bago sila magtrabaho bilang pampagana at pampapaliksi sapagkat ito ang mga benepisyong pinaniniwalaan nilang hatid ng inumin na ito. Pero alam ninyo bang may negatibong dulot din ang pag-inom ng energy drink sa ating kalusugan? Marami ng mga pag-aaral ang nagpatunay sa mga masamang hatid nito sa ating sistema. Ilan sa mga ito ay ang ss. ayon sa ulat ng LiveScience. Heat problem Panganib na ikaw ay makunan ( para sa mga nagbubuntis) Panganib na baka mas malulong sa pag-inom din ng alcohol. Panganib na baka malulong sa droga Impaired Cognition Kitang-kita sa mga paliwanag na ito na may masamang dulot talaga ang pag-inom ng Energy Drink. Kung kaya naman, kung nais mong magkaroon ng sigla sa iyong araw-araw na gawain ay su...

Tips Sa Pagluluto Ng Chop Suey

Isa sa mga paboritong lutong gulay ang Chop Suey . Heto kung paano ito lutuin. Mga Sangkap 1/2 tasang atay ng manok (hiniwang manipis na malapad) 1 1/2 tasa karne ng baboy (hiniwang maliit) 3 kutsarang manitika 3 butil ng bawang (dinikdik) 1 sibuyas (tinadtad) 1 kilong gulay na pang chopsuey (nabinili sa palengke na nakahanda na) 1 kutsarang oyster sauce Paraan ng Pagluluto Igisa ang baboy hanggang sa bumango, isunod ang bawang, sibuyas, gulay, atay, at oyster sauce. Haluin mabuti. Haluin ang cornstarch at ihalo sa niluluto. Ahunin kapag naging, malapot na at malinaw ang sabaw. source: Mga Luto Ni Nanay

Eggs Oats Peanut Atbp. - Mga Pagkaing Pampagana Sa KAMA

Ikaw? Nais mo bang ganahan sa kama? Para sa mas enjoy na pagsisiping ng mag-asawa. Kumain ng mga masusustansyang pagkain na ito na tiyak na mga pampagana sa romansahan ng mga magkatipan. Eggs. Ang itlog ay simbolo ng fertility, mataas ito sa B Vitamins na nakatutulong upang mapababa ang stress level ng isang tao kasabay naman ng pagtaas ng kanyang libido. Oats. Ang oats ay mayaman sa tinatawag na L-arginine, amino acid na maiko-convert sa nitric oxide. Peanuts. Ang magnesium na makukuha sa almonds ay nakapagpapaiwas sa banta ng depresyon at stress na kapwa seryosong dahilan ng kawalan ng interes sa pakikipagtalik. Nakapagpapabuti rin ito sa level ng tinatawag na libido-boosting testosterone. Asparagus. Ang masarap na gulay na ito ay mayaman sa Vitamin E na mainam para sa pagkakaroon ng sapat na sex hormones. Sili. Maging ng iba pang uri ng peppers ay tinatayang nakapagpapakawala ng mga feel good endorphins. Chicken. Maging ng pabo at baka na pumoprotekta sa dop...

Mga Kaalaman Tungkol Sa CONJUNCTIVITIS

Conjunctivitis ang tawag kapag naimpeksyon ang tinatawag nating Bulbar at Palpebral Conjunctiva at dahil dito, namamaga at namumula ang maliliit na superpisyal na ugat sa mata. Pwedeng virus, bacteria at allergy o granuloma ang sanhi ng sore eyes. Ang sintomas ay iba-iba rin. Sa bacterial conjunctivitis, makararamdam ng pangangati o pag-iinit sa mata at parang may buhangin. Kapansin-pansin din ang pamumula at pamumutla ng mata. Ito ay nagtatagal ng hanggang 2 linggo. Mabisa ang chlorampenicol eyedrops o chlorampenicol eye ointment. Sa viral conjunctivitis, mapapansin ang higit na pagluluha kaysa pagmumuta ng mata. Rito ay may lumalabas na subconjunctival hemorrhage ( mapulang-mapula ang mata dahil sa namuong pagdurugo sa mata) at may sakit na kulani sa harap ng tainga. Sinasabing walang tiyak na gamot para dito na pwedeng  maglagay ng cold compress o uminom ng decongestant at kusa itong mawawala sa loob ng 1-2 linggo. Mas mainam na ipakita mo ito sa isang eye doctor para...

Healthy Foods Para Sa Girls

Ito ang ilan sa healthy foods para sa mga babae . Nakakabawas ng stress, nakakabawas ng timbang at iba pa. Dark Chocolate para makaiwas sa stress . Lumabas sa pag-aaral na ang kalahating onsa ng dark chocolate na may 200 calories ay nakapagpapalayo sa banta ng stress hormone cortisol sa katawan. Ang cortisol ay nagdudulot ng pansamantalang pagtaas ng presyon ng dugo kung saan ang madalas na pagtaas nito ay nagbubunsod sa depresyon, obesity, sakit sa puso at marami pang iba. Mushrooms kontra cancer . Lumabas sa isang pag-aaral na ang mga girls na regular na kumokunsumo ng mushrooms ay 64% malayo sa banta ng breast cancer. Ayon sa mga eksperto, ang mushroom ay nakababawas sa epekto ng tinatawag na aromatase, protina na nakatutulong upang makapag-produce ng estrogen na siyang pangunahing dahilan ng breast cancer. Sardinas laban sa sakit sa puso . Ang maliliit ngunit malinamnam na isdang ito ay mainam na pagkunan ng Omega 3 acids na nakababawas sa banta ng implamasyon na posibl...

Tips Para Maging Reseller Ng Couple Shirts At Personalized Items

Ang artikulong ito ay hatid sa inyo ng Monster Prints - A Print Shop in Imus, Cavite Ikaw ba ay nagbabalak na mag-negosyo pero wala kang malaking puhunan? Bakit hindi mo subukang maging Reseller ng Couple Shirts at Personalized Items ? Ang pagiging Reseller ay madali lamang gawin. Hindi mo rin kailangan ng pwesto o malaking kapital para makapagsimula. Ang RESELLER PROGRAM ay hindi na bago sa Pilipinas, kung minsan ay naihahambing din ito sa Direct Selling. Paano ba maging isang Reseller?  Una siyempre ay kailangang humanap ka ng produkto o serbisyo na sa tingin mo ay hindi ka mahihirapang ialok o ibenta. Pwede itong damit o mga giveaways, pwedeng gadgets o pagkain. Depende, kung ano ang hilig mo. Mahirap naman kasing magbenta ng mga produktong hindi naman saklaw ng interes mo hindi ba? Ngayon, sa tingin ko kaya ka narito sa blog na ito ay dahil nais mong maging Reseller ng Couple Shirts at Personalized Items. Hindi ako pwedeng magkamali at hindi ka rin naman nagkamali...

Malaking Tiyan - Dahilan Ng Mataas Na CANCER RISKS

Alam na ng lahat na ang pagiging overweight o sobra sa timbang ay hindi maganda sa kalusugan. At ayon sa bagong pagsusuri, na ang pagkakaroon ng excess fat sa bandang tiyan ay magdudulot pati ng iba pang sakit na mapanganib, ang  cancer at ang sakit sa puso. Ipina-CT SCAN ng mga researchers ang mga abdominal fat ng tatlong-libong Amerikano na nasa edad 50 hanggang 70. Sa pag-aaral na ito ay nasuring mayroong 90 kaso ng sakit sa puso, 141 kaso ng cancer, at 71 kaso ng mga namatay na. Kaya naman ayon sa kanilang konklusuyon, sinasabing ang pagkakaroon ng malaking tiyan ay pwedeng maging dahilan ng pagkamatay ng isang tao sa sakit na cancer at heart disease. Kaya naman bago pa lumaki ang iyong tiyan ay subukan ng magpapayat o i-maintain ang normal na weight. Ito ang ilang tips para hindi ka magkaroon ng excess belly fats: Kumain ng mga prutas tulad ng melon, pinya, mansanas, kiwi atbp. Ito ang ipamalit mo sa meryendang iyong nakasanayan na tulad ng pagkain ng mga walang sust...

Tips Sa Pagluluto Ng CHICKEN CALDERETA

Ito ang mga sangkap at paraan sa pagluluto ng Chicken Caldereta . Handa ka na ba? Sangkap: 1 malaking manok ( hiniwa serving pieces) 1 tasa suka + 1 tasa toyo 4 butil bawang (dinikdik) 1 kutsarita ground pepper 1 kutsarita rock salt 2 sibuyas ( hiniwa) 2 tasa tomato sauce 2 lata liver spread 2 malaking patatas ( hiniwa sa apat, ipinirito) 1 maliit na lata red pimientos ( hiniwa) 2 siling labuyo ( tinadtad) 1/2 tasa ginadgad na keso mantika (pamprito) Paraan Sa Pagluluto: Paghaluin ang manok, suka, toyo, bawang, paminta at asin. Ibabad ng 4 na oras. Ilagay muna sa refrigerator ang ibinabad na mga sangkap bago iluto sa hapon. Patuluin ang mga piraso ng manok at iprito hanggang sa pumula, itabi. Igisa ang sibuyas at ihalo ang pinagbabaran. Idagdag ang tomato sauce, liver spread, keso, siling labuyo at iba pang sangkap. Pakuluan ng 15 minuto kasama ang pritong manok hanggang lumambot. source: mga luto ni nanay image source: bubblews.com

Tips Para Malaman Ang Senyales Ng THROAT CANCER

May mga uri ng cancer na mahirap tukuyin. Kung minsan, natutuklasan mo na lang ito kapag nasa malalang estado na. Isa na dito ang throat cancer . Maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng throat cancer. Ilan nga sa mga ito ang labis na paninigarilyo at pagtotobako. Ayon sa Boldsky , ito ang ilan sa mga senyales ng throat cancer: Nahihirapan sa paglunok. Ito ang isa sa mga maagang sensyales ng throat cancer. Ang cancer ang siyang nagiging sanhi sa tumor sa lalamunan. At kung mayroon kang ganito sa lalamunan ay mahihirapan ka sa paglunok ng iyong mga kinakain. Nakakaramdam ka ba na parang may " rough surface" sa iyong lalamunan? 'Yung tipong hindi mo kayang baliwalain kasi ang hirap. Kung mayroon kang throat cancer, palagian mo itong mararanasan.  Nagkakaroon ng pagbabago sa iyong boses lalo't kung ang cancer ay lumalagi sa iyong vocal cords. Agad na magpa-konsulta sa iyong doktor kapag mayroon ng pagbabago sa tunog ng iyong boses. Senyales din kapag manakit...

Tips Kung Paano Ginagawa Ang JAPANESE DIET

Hindi naman linggid sa ating lahat na isa ang mga haponesa na may magagandang kutis at hubog ng katawan. Pero hindi naman ganun kadali nila ito nagawa. Sadyang mayroon lang silang trick kung paano ito gawin. Ito ang tips kung paano ginagawa ang Japanese Diet base sa Slim Secrets of Japanese People, ulat ng Nine MSN. Ibase ang iyong diet sa pagkain ng isda, soy, kanin, gulay at prutas. Ibig sabihin hindi naman puro fats ang makikita sa mga healthy food na yan. Ang mga japanese ay madalang kumain ng karne. Kung kaya naman nananitiling slim ang kanilang pangangatawan. Mas madalas din kumain ang mga japanese sa mga maliliit na mangkok. Tulad nila, kung gusto mong pumayat dapat na small portions lang ang pagkain mo. Hindi ka madaling tataba kung paunti-unti lang ang kain mo. Dapat na mabagal lang din ang pagkain at i-enjoy mo ito. Light lang din ang mga pagkain ng mga Japanese. Sa pagluluto ay gumagamit sila ng Canola oil na isang uri ng light oil. Ang paraan din ng kanilang paglul...

Tips Sa Pagluluto Ng Chicken Lollipop

Nais mo bang magluto ng chicken lollipop? Heto ang mga rekado at tips kung paano ito lutuin.   Ang mga sangkap na kailangan natin ay: 1 kilong pakpak ng manok 1 pakete ng mama sita's bbq marinade 2 pirasong itlog na binati 1  1/4 tasa ng all purpose flour 1 tasa ng bread crumbs mantika pang prito Paraan ng pagluluto: Hiwain ang mga pakpak sa kasu-kasuan at kayurin ang karne hanggang magpormang lollipop.  Ibabad ang karne sa Mama Sita's BBQ marinade sa buong magdamag Pagulungin sa harina at itabi ng sampung minuto. Pagkaraan ng sampung minuto. Ilubog sa itlog at pagulungin sa bread crumbs at bayaan ng 15 minutos. Iprito ng lubog sa mantika Ihain ng mainit. Hayan, may masarap na chicken lollipop ka na. Tiyak na magugustuhan 'yang pambaon ng iyong asawa sa opisina o 'di kaya ng mga chikiting mo sa eskwela.  source: Mga Luto ni Nanay ni Arbe Jan Serafin image source: eatat99.com

Peanut Beans Potato Cheese At Corn - Masama 'Pag Sobra

Ayon sa isang eksperto ang diet ng tao sa kasalukuyang panahon ay punum-puno ng refined foods, trans fats at sugar na siyang ugat ng tinatawag na Degenerative Diseases tulad ng obesity, cancer, sakit sa puso, Parkinson's, Alzheimer, depresyon at infertility. Pinakamainam na sandata ay ang malaman ang kalidad ng mga pagkaing kinokonsumo upang makaiwas sa naturang mga sakit. Walang masama kung ikokonsidera ang tinatawag na diet ng mga sinaunang tao na kinabibilangan ng mga sumusunod: Mani at pati na ang peanut butter. Ang peanuts ay mani ngunit kabahagi rin ito ng pamilya ng mga legume. Naniniwala ang mga sinaunang tao na ang component ng legumes na tinatawag na phytate ay tinatayang "anti-nutrient", na hindi maayos na nagpapatunaw ng pagkain sa loob ng katawan, kundi maging sa kabuuan ng digestion at iba pang bitamina at mineral. Beans. Katulad ng mani, ang beans ay isa ring legumes na punum-puno ng fiber at protina. Ang beans ay iniiwasan ng mga sinaunang t...

Tips Para Makaiwas Sa HEPATITIS A

Ang karaniwang sanhi ng Hepatitis A ay ang maruming tubig at pagkain. Kapag ang nagprepara ng inumin o pagkain ay impektado ng Hepatitis A, pwede ka ring mahawa nito. Kapag impektado na ng HEPA A, maaari ring mahawa ang iba pang kasamahan sa bahay at katrabaho kaya ipinapayo rin ang pagbukod ng plato, kutsara't, tinidor at baso. Ang Hepa A ay gumagaling din makalipas ang dalawang linggo, 'di tulad ng Hepatitis B  na may posibilidad na maging carrier. Ibig sabihin ng carrier, ay posibleng wala kang sintomas ng Hepa B subalit ang dugo mo ay positibo pa rin dito. Kung nagkaroon ka ng Hepa A. Magkakaroon ka na ng immunity sa Hepa A Virus. Ibig sabihin ay hindi ka na ulit magkakaroon nito subalit pwede ka pa ring magkaroon ng Hepatitis B, C, D at E. Totoong walang tiyak na gamot para dito dahil virus ang sanhi ng sakit na Hepa A at B kaya walang antibiotics para dito. Ang gamot na ibinigay sa iyo ng doktor ay bitamina lamang para sa atay. TIPS PARA MAKAIWAS SA SAKIT NA HE...

Tips Para Hindi Boring Ang Rainy Days

Kapag rainy season, tinatamad tayong magkikilos o lumabas. Ang iba, hate na hate ang tag-ulan...paano kasi hindi makagala o makaalis man lang ng bahay dahil sa baha. Ano nga bang pwede pang gawin umuulan. Ito ang ilang Tips para hindi naman boring ang rainy days. Subukang magluto. Marami kang bagay na maaari mong lutuin mula sa biscuits, cakes, buns, cookies hanggang sa mga ulam na tiyak kagigiliwan ng buong pamilya. Humanap ng cookbook at simulan ito. Maggantsilyo. Girly masyado ito kung titignan pero maaari din itong gawin ng mga lalaki. Marami kang maaaring magantsilyo tulad ng finger puppets, blankets, sock puppets etc. Subalit tiyak na kakailanganin mo ang tulong mula sa taong marunong gumawa nito. Magbasa ng libro. Maraming magagandang nobela riyan at ang iba rito ay tiyak na naroon lamang sa inyong bookshelf. Ang pagbabasa ay isang paraan ng pag-a-adventure na hindi na nangangailangan pang lumabas ka ng iyong tahanan.  Magsulat ng istorya. Maraming paraan para ...

Tips Kapag May Baha ( Flash Floods )

Ang pagbaha ay maaaring mag-develop sa loob ng ilang oras kaya maaari ka pang makapaghanda. Subalit, minuto lang ang kailangan ng flash floods na maaaring makasira ng inyong tahanan o kumuha ng buhay. Heto ang ilang tips para makapaghanda kapag may baha. Alamin kung ang lupang kinatitirikan ng inyong bahay o pinagtatrabahuan ay bahain. Antabayanan ang mga impormasyong makukuha sa radyo. Magkaroon ng emergency supply kit at itago ito sa lugar na madaling makuha ng bawat myembro ng pamilya.  Gumawa ng evacuation procedure kasama ang buong pamilya. Gumawa rin ng communication plan kung sakaling dumating kayo sa puntong kailangan ninyong maghiwa-hiwalay sa kasagsagan ng evacuation. Alamin kung saan kayo maaaring magpunta kung kailangan ninyong marating ang mataas na lugar sa pamamagitan ng paglalakad.  Kung may sasakyan ka, tiyaking mayroon kang sapat na gasolina. Gagamitin ninyo ito sa paglikas. Mag-expect na sa panahong ito ay mabigat ang trapiko. Mga Dapat Gaw...

Tips Sa Pagluluto Ng Pork Hamonado with Pineapple

Para makatikim ang buong pamilya ng isang masarap na Pork Hamonado with Pineapple. Narito ang mga sangkap na iyong kailangan at kung paano ito lutuin. Mga Sangkap 1/2 kilo pige ( hiwain ng manipis na malapad) 1/2 tasa asukal 2 kutsarita asin 1 guhit taba ng baboy ( hiwain 4 pahaba) 3 itlog binati at ipritong malapad 1 tasa pineapple juice 1 guhit atay ng baboy ( hiniwang pahaba) Paraan ng Pagluluto Paghaluin ang asukal at asin at ipunas sa baboy. Ilatag ang baboy, ilatag sa ibabaw ng baboy ang itlog. Ilagay sa gitna ang taba at atay, irolyo at talian ng leteng. Ibabad magdamag sa pineapple juice. Kinabukasan pakuluan sa pinagbabaran sa mahinang apoy. Alisin ang tali at hiwain 1 1/2" ang kapal bago ihain. source: Mga Luto Ni Nanay image source: bilogangbuwanniluna.blogspot.com

Tips Sa Pagluluto Ng Nilagang Spare Ribs

Nais mo ba na magluto ng Nilagang Spare Ribs. Mas magana kasing kumain ng kanin kapag mayroong masarap at malinamnam na sabaw, hindi ba? O heto ang paraan kung paano ito lutuin. Ang mga sangkap na kailangan ay: 1 Kilo pork spare ribs 1 Sibuyas na katamtaman 1 piraso patatas malaki( hiwang pakuwadrado) 1/4 Kilo Repolyo 10 piraso Baguio beans 5 tasa ng tubig 1 kutsarita ng asin 1/4 kutsarita ng pamintang buo 1/4 kutsarita ng vetsin Paraan ng Pagluluto: Ilagay sa isang kaserola ang tubig, asin, spare ribs, sibuyas at paminta Kapag medyo malambot na ang karne, ihulog ang patatas Pagkaraan ng 3 minuto. Idagdag ang Baguio beans. Isunod ang repolyo at vetsin source: Mga Luto ni Nanay  image source: dindinstars.com

Tips Sa Pagluluto Ng Pork Tocino

Para sa mga ginang na nais gawin itong home-made food business. Ito ang paraan sa pagluluto ng Pork Tocino. Mga sangkap 1 kilo pork kasim ( hiniwang manipis) 2 kutsara pink powder 1 tasa asukal na segunda Paraan ng Pagluluto Pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap at panatilihin ng magdamag. Iprito sa mahinang apoy at kainin na may sawsawang suka o hiniwang kamatis Maaari mo itong ipatikim hindi lang sa iyong kaanak kundi pati na rin sa mga kapitbahay mong mahuhumaling sa sarap ng iyong pork tocino. At kung pumatok ay pwede mo na itong gawing sideline. O 'di ba, kahit nasa bahay ka ay pwede kang kumita sa pagbebenta ng homemade pork tocino mo.  source: Mga Luto ni Nanay by Arbe Jan Serafin image source: kusinamaster.net

Tips Sa Pagluluto Ng Pork Asado

Para sa isang masarap na Pork Asado Recipe. Ito ang mga sangkap na kailangan mo: 1/2 kilo karne ng baboy ( hiniwang pakuwadrado) 1/2 kutsarita asin 1 kutsara cornstarch 1 tasa tubig 1 lata ( 234 gms) pinya chunks ( pinatulo) 1 tasa pineapple syrup 1/2 tasa singkamas ( hiniwang pakuwadrado) 1/2 tasa frozen green peas 3 kusarita toyo 2 kutsara asukal Ito ang Tips Sa Pagluluto ng Pork Asado: Ihalo ang asin sa karne at isunod ang cornstarch Iprito ang karne at alisin sa kawali ang sobrang mantika kapag luto na. Ilagay sa kawali ang pritong karne at iba pang mga sangkap maliban sa pinya chunks Kapag luto na ang lahat ng sangkap ay ihalo ang pinya chunks at pakuluan pa ng 3 minuto source: Mga Luto Ni Nanay ni Arbe Jan Serafin image source: readtn.blogspot.com

Tips Sa Pagluluto Ng FRIED PORK TAPA

Bawal ang Pork? Eh paano kung katakam-takam ang luto? Hay, talagang hindi kayang tiisin ano, lalo't masarap ang pagkaluto nito tulad ng Fried Pork Tapa. Paano ito lutuin? Ito ang recipe tips natin ngayon. Ang mga sangkap na kailangan: 1/2 kilo karne ng baboy ( hiniwang manipis na pahaba) 1/2 kutsarita paminta ( durog) 1/4 kutsarita vetsin 2 kutsara katas ng kalamansi 3 kutsara toyo asin asukal mantika Paraan ng Pagluluto: Paghaluin ang katas ng kalamansi, asin, paminta at asukal. Ibabad dito ang karne sa loob ng magdamag. Pigain ang karne pagkatapos. Iprito ang karne hanggang maging mamula-mula. Ihain ng mainit. Ang dali hindi ba? Pwede rin itong i-negosyo at pagkakitaan kahit nasa bahay ka lang. Abangan pa ang iba pang recipe tips natin sa mga susunod na araw. Huwag kalimutan na i-follow ang blog na ito.  source: Mga Luto Ni Nanay ni Arbe Jan Serafin image source

Tips Sa Pagluto Ng BEEF TERIYAKI

Isa ito sa mga paboritong kainin ng buong pamilya kapag pumapasyal sa mga restaurant. Pero paano nga ba lutuin ang Beef Teriyaki. Subukan ang recipe tips na ito. Ang Mga Sangkap 1 kilo laman ng baka ( hiniwang manipis na 3x3) 1 kutsarang luya ( ginadgad) 1 kutsarang bawang 1/2 tasa toyo 2 kutsarang asukal 1/8 kutsarita paminta ( durog) 2 kutsara cornstach Madali lang ang paraan sa pagluto ng Beef Teriyaki . Sundin ang mga sumusunod na procedures: Pagsamahin ang unang 6 na sangkap at ilagay sa ref buong magdamag Pigain ang karne at ihawin. Itabi. Ihalo ang pinagbabaran at 2 kutsarang conrstarch, pakuluan habang patuloy na hinahalo hanggang lumapot at ibuhos sa inihaw na karne. Tiyak na matutuwa si mister at ang mga chikiting sa masarap na beef teriyaki na iyong hain sa mesa. Abangan ang mas marami pang recipe tips dito lang sa Tips Ni Katoto. source: mga luto ni Nanay image source: 50thplate.com 

Tips Sa Pagluto Ng BEEF WITH KANGKONG

Subukan mo itong Beef with Kangkong recipe at tiyak na uulit-ulitin ito ng buong family. Mga sangkap: 1 1/2 tasa ng lomo ( tenderloin), hiniwa 1 kutsarita Mama Sita's Barbeque Marinade 2 kutsara mantika 1/2 piraso sibuyas ( hiniwa, tinadtad) 1/4 tasa tubig 3 bungkos kangkong 1/4 kutsarita paminta (buo) 2 kutsara harina ( tinunaw sa 1/4 tasang tubig) Paraan ng Pagluto Timplahan ang karne ng Mama Sita's Barbeque at hayaan ng 30 minuto Igisa ang sibuyas at ang baka hanggang maging mamula-mula. Idagdag ang 1/4 tasa tubig. Kapag kumulo, idagdag ang kangkong at lutuin sa loob ng 3 minuto. Ihalo ang tubig na may harina, at huwag tigilan ang paghalo hanggang lumapot ang sarsa. Ihain nang mainit. O hindi ba't ang daling gawin. Tiyak na mamahalin ka ng husto ni mister sa sarap ng iyong Beef with Kangkong. At para naman sa mga dalagang gustong magpa-impress sa kanilang boyfriend, subukan mo ang recipe na ito't tiyak na hindi ka mapapahiya sa kanya. O...

Tips Sa Pagluto Ng Beef Roast

Isang masarap na handa sa tuwing may okasyong espesyal ay ang BEEF ROAST. Paano ba ito lutuin? Ang mga sangkap na kailangan ay: 2 kilo pige ng baka 1 kutsarita asin 1/2 kutsarita paminta ( durog) 1/2 kutsarita bawang ( dinikdik) 2 kutsara luya 1/2 mangga hinog 2 kutsara mantikilya 1 kutsara Worcestershire sauce 1 kutsarita katas ng kalamansi Paraan ng pagluto: Tusukin ng kutsilyo ang karne at kuskusin ng pinaghalong asin, paminta at dinikdik na bawang. Ilagay ang karne sa isang roasting pan. Itabi. Ilagay sa food processor ang ika-5 hanggang ika-10 na sangkap. Ito ang ipupunas sa pamamagitan ng brush pagkaraan ng 30 minuto na naihurno sa oven ang karne. Isalang sa oven ang karne na may 400F ng 30 minuto. Pagkaraan ng 30 minuto gawin 300F at punasan ng sarsa (#2) kada 10 minuto. Kung umabot na ang temperatura ng loob ng karne ng 185F pwede nang ahunin pagkaraan ng 10 minuto. O hayan. Madali lang naman palang gawin ang BEEF ROAST. Tiyak na mabubusog na naman a...

Tips Sa Pagluto Ng Coffee Cake

Para sa mga mommy na mahilig sa pagbe-bake. Ito ang recipe tips natin para makapagluto ng isang masarap na COFFEE CAKE . Date Braided Coffe Cake ( makes 2 coffee cakes) Rich Sweet Dough: A no-knead refrigerator dough that makes a rich, tender product.  3/4 cup milk 1/2 cup sugar 2 tsps. salt 1/2 cup ( 1 stick) margarine 1/2 cup warm water ( 105 F) 2 packages of yeast, active dry or compressed 1 egg 4 cups unsifted flour Paraan Sa Pagluto: Scald milk; stir in sugar, salt, and margarine. Cool to lukewarm. Measure warm water into large warm bowl. Sprinkle and crumble in yeast; stir until dissolved. Stir in lukewarm milk mixture, egg and half the flour; beat until smooth. Stir in remaining flour to make a stiff batter. Cover tightly with waxed paper or aluminum foil. Refrigerate dough at least 2 hours. Dough may be kept in refrigerator for 3 days. To use, cut off amount needed and shape.  Tiyak na isang matutuwa si bunso at si mister k...

Tips Sa Pagluto Ng Almond Meringue Dessert

Nag-iisip ka ba ng lutuing meryenda ngayon? O di kaya naman ay pang-extra income habang nagtatrabaho ka sa opisina. Subukan mo ang pagluluto at pagbebenta ng ALMOND MERINGUE DESSERT . Ito ang mga sangkap na kailangan: Para Sa Meringue:  6 egg whites 12 oz. castor sugar 2 oz. flaked blanched almonds Para Sa Palaman: 1 lb. fresh chestnuts plus few drops vanilla essence or use 1 can ( approximately 16 3/4 oz.) unsweetened chestnut puree 2 oz. butter 2 oz. sieved icing sugar ( optional) 1/2 pint cream 1/2 oz. flaked blanched almonds Ito ang paraan para gawin: Cut out three rounds, approximately 7-8 inches to diameter of greaseproof paper. Oil each round very lightly and put out flat baking trays. Whisk the egg whites until very stiff then gradually whisk in half the sugar and fold in nearly all the remainder of the sugar. Pipe or spread the meringue over the oiled greaseproof paper to give neat rounds. Sprinkle with the flaked almonds and remaining sugar. Dr...

Tips Sa Pagluto Ng CHICKEN PIE

Isang masarap na pambaon ang CHICKEN PIE. At pwede mo rin itong pagkakitaan habang nasa bahay ka. Maaari mo itong gawing " MADE TO ORDER" para sa iyong mga kapitbahay, ka-opisina, kaibigan o iba pang kakilala.  Ito ang paraan para lutuin ang masarap na dessert na ito. Ito ang mga sangkap na kakailanganin: ¼ cup butter or margarine 2 cloves minced garlic 1 medium onion, diced 2 tbsps. Chopped celery 1 cup diced carrot ¼ cup flour 1 tbsp. seasoning (e.g Maggi) salt and pepper to taste ½ cup chicken broth 2 cups cooked, diced chicken meat 1 cup frozen peas 2 eggs, beaten Pastry Crust: 2 ¼ cups flour ¾ cup shortening 1 tbsp. seasoning, mixed with 2-4 tbsps. Cold water Handa na ba ang mga sangkap? Heto na ang paraan ng pagluluto: Heat butter or margarine in pan. Saute garlic and onion. Stir in celery, carrot, flour, and seasoning. Stir and cook a few minutes then pour in milk-broth mixture. Stir to blend. Bring to simmer the...