Skip to main content

CALL CENTER TIPS Bakit di ka Pumapasa?

 

Napapa-isip ka ba kung bakit di ka pumapasa sa call center? Ano kaya ang pinaka-dahilan? Ako si Ram, gumagawa ako ng call center tips and tutorials sa aking main blog at sa aking youtube channel. Kung may time ka at sakto sa iyo ang mga call center tips, follow mo lang ang blog ko at subscribe ka sa aking YouTube Channel. Live din ako every night around 9:45 pm sa channel ko, kung gusto mong magpractice for your call center interview, feel free to drop by and join me sa live. 

Sa video na ito, i-eexplain ko sa iyo ang ilang rason kung bakit di ka pumapasa sa call center? Base ito lahat sa aking karanasan sa pag-aaply noon. Maraming beses din akong nag-fail sa application ko, pero di ako sumuko hanggang sa makapasok ako. Kung maaga akong sumuko, hindi ko siguro na-acquire lahat ng skills na natutunan ko sa call center. Kaya never give up, continue to learn and improve yourself. At laging maging handa para sa interview.

Ilan sa mga nabanggit ko sa video ay ang mga sumusunod:

0:00 - Intro 
0:49 - My Call Center Story, Bakit Ako Nagbibigay ng Call Center Tips? 
1:23 - MGA RASON BAKIT DI KA MATANGGAP SA CALL CENTER? 
1:31 - Reason 1: Yung Resume mo sa CALL CENTER JOB APPLICATION 
2:24 - Reason 2: Dapat ba alam mo lahat ng sagot sa interview? 
2:55 - Reason 3: Kilala mo ba yung CALL CENTER COMPANY na inaplyan mo? 
3:24 - Reason 4: Ano bang proper attire sa call center interview? 
3:45 - Reason 5: Paano matangap ang mali mo sa call center interview? 
4:35 - Reason 6: Kailangan ba memorize ang tanong at sagot sa call center interview? 
5:13 - Reason 7: Paano kung pressured ka nang matanggap sa call center job 
6:02 - Sure Hired Call Center Tips para sa mga NO CALL CENTER EXPERIENCE 
6:12 - Please support my channel through my affiliate links 
6:29 - Gamitin ang Hashtag sa pag-comment #PapasaAkoSaCallCenter 
6:36 - Outro 
6:49 - Next Video, Paano Gumawa ng Resume na Pang Call Center 
7:06 - Mini Vlog: My Bloopers/ Behind the Scene

Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...