Sa blog na ito pag-usapan natin ang MGA PATOK NA NEGOSYO na masisimulan mo kahit wala kang pera na pampuhunan.
Ang mga patok na negosyo na mababanggit sa blog na ito ay bagay para sa mga sumusunod:
1. Mga empleyado na nagha-hanap ng extra income
2. Mga ginang na gustong kumita kahit nasa bahay lang.
3. Mga estudyante na kailangan ng part-time income pambayad ng tuition
4. Mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemic pero may naitabi namang maliit na halaga para magsimula ng isang negosyo.
5. Mga talentadong tao na gustong pagkakitaan ang kanilang talent o skills
Isa ka ba sa mga nabanggit. Kung oo, tuloy-tuloy mo lang basahin ang blog na ito para malaman mo kung anong patok na negosyo ang nababagay sa iyo. Huwag mo ring kalimutan ang mag-follow sa blog kong ito (iklik ang tatlong guhit sa upper right corner) para ma-update kita sa mga negosyong patok.
Simulan natin sa mga negosyong hindi mo na kailangan na maglabas pa ng pera. Opo, pwede kang magsimula ng isang negosyo kahit wala kang puhunan. Pero ito ay nirerekomenda ko lang sa mga tao na empleyado pero naghahanap ng extra income o ilan sa mga nabanggit kanina na at least may ibang source of income. Mahirap kasing magsimula ng isang negosyo kahit pa walang kapital kung iaasa mo lahat ng kita sa negosyong gusto mong simulan. Maigi pa rin na may iba kang pinagkukunan.
Kailangan kasi na maintindihan mo na kahit may negosyo ka, dapat na may trabaho ka pang iba. Ganito ang tamang pagnenegosyo lalo't nagsisimula pa lang. Mayroon ka dapat na ipon for emergency funds, o sa mga iba mo pang gastusin gaya ng bills. Wag mong ituring na trabaho ang negosyo, kasi kung ganito ang iyong prinsipyo, hindi pa man nagsisimula ang negosyo, lugi na agad ito. Hindi naman porket wala kang perang pampuhunan, hindi naman ibig sabihin wala kang pera. Maaaring may pera ka pero takot ka pang isugal ang pera na hawak mo sa negosyong patok para sa iyo.
Ngayong malinaw na sa iyo ang halaga ng trabaho, extra money, savings at negosyo. Ito ang una sa pitong patok na negosyo na pwede mong simulan kahit wala kang puhunan.
ONLINE RESELLING BUSINESS
Reseller ka kung isa kang middleman ng isang supplier. Bibili sa iyo si customer, at kokontakin mo si supplier para ibenta ang produkto. Ang kailangan mo lang ay maghanap ng supplier na open for resellers. Sila 'yung mga supplier na willing magbigay ng porsyento kung mabebenta mo ang produkto nila o serbisyo. Mayroon namang supplier na papayag na i-mark-up mo ang price nila.
Literal na walang perang puhunan kasi si buyer, bibili at magbabayad muna sa iyo, at ikaw naman ibabayad mo kay supplier ang pera para madeliver ni supplier ang order ni customer.
Ang kailangan mo dito ay marketing skills. Kung marami kang ka-fb, pwede kang magbukas ng isang fanpage at paramihin ang followers nito. Sa simula pede ka rin magpost ng ads sa iba't ibang buy and sell facebook groups para sa free-advertising ng binebenta mo.
Marami kang pedeng i-resell. Patok na i-resell lalo't christmas season ay mga damit, sapatos at gadget. Para makahanap ka ng mga supplier, punta ka lang sa search ng FB at itype mo ang mga keywords na reseller program, wanted resellers, looking for resellers, resellers etc. Pede rin naman na kung may kakilala kang supplier na walang online presence ay makipagnegotiate ka sa kanya na ikaw ang maging online reseller niya.
Pangalawa sa patok na negosyo na ating pag-uusapan ay may kahalintulad sa reselling business, pero dito pede kang maging reseller ng malalaking brands na makikita mo sa shoppee, lazada, at iba pa. Wala ring puhunan ito pero isa sa mga requirements ay at least mayroon kang blog, social media pages sa Tiktok, FB, Twitter at iba pa o di kaya naman ay may Youtube Channel ka. At least mayroon ka ng solid fanbased kasi kung wala, sinong bibili?
Kung pasok ka sa mga requirements, para sa iyo ang pangalawang patok na negosyong ito. Tinatawag ito na,
AFFILIATE MARKETING PROGRAM
Simple lang ang konsepto ng affiliate marketing. Ang maging influencer o promoter ka ng kahit anong product o service na sakop ng affiliate program kung saan ka naka sign-up. Kung mapapansin mo may mga Youtuber na madalas mag post ng Shopping Haul nila, at sasabihin sa video " para mabili ninyo ito guys, mayroon akong affiliate link sa description box, you can click it para maka-buy din kayo ng item gaya ng nabili ko" At syempre dahil sikat na Youtuber si Kuya o ate, may mga subscribers siya na ma-eenganyo na iklik nga ang link. Sa link na iyon i-da-direct si subscriber sa affiliate shop ni Youtuber at kapag bumili si buyer o kahit na-click lang ang Buy now button sa shop, may commission na dun si Youtuber. Basic lang di ba, promote the link and that's it.
Isa sa magandang affiliate program na salihan ay ang Involve Asia. Dito, hindi ka na mahihirapan pa mag-apply isa-isa sa mga stores gaya ng Shopee at Lazada, kasi ilan ito sa mga brands ng Involve Asia. Imagine, kahit anong products sa Lazada at Shopee pwede mong i-promote sa social media pages mo o channel mo sa Youtube at kumita.
Ang technique dito ay i-match mo sa niche ng channel o fanpages mo ang produktong pinopromote mo. Halimbawa kung ang Youtube Channel mo ay tungkol sa mga smartphones ay mas magiging clickable sa mga subscribers mo ang link na pino-promote mo kung related ito sa smart phones, example: Phone cases o mismong smart phone na ni-re-review mo sa channel mo.
Walang puhunan di ba? Talent at fan based mo lang ang kailangan, patok na negosyo na iyan na magandang pagkunan ng second income.
FREELANCING SERVICES
Simula pa noong taong 2005-2008, marami na ang mga Pinoy na kumikita as a freelancer sa iba't ibang freelancing websites. Dito hindi ka empleyado, kaya ituturing mo itong negosyo mo. Ang required dito ay skilled freelancers in different fields gaya ng writing, virtual assistance, video editing, website building, at iba pa.
Ang challenge mo dito ay 'yung mag-build ka ng good reviews mula sa mga client. Kasi mas maraming good reviews mas lalaki yung chance mo na mapili ni client sa project na gusto mong trabahuin. Lahat naman mahirap sa simula, pero kung magsusumikap ka na i-build ang good reputation mo as a freelancer, tiyak na kikita ka dito.
Pwede kang kumita dito per hour o per project. Usually ang isang typical na freelancer ay kumikita ng 5 dollars per hour o 10 dollars per project. Ang isang freelancer naman na may in-demand skill ay kumikita ng higit 1000 dollars per month.
Ilan sa mga pwede mong subukan na freelancing websites ay ang Upwork, Freelancer, at Fiverr. Pag-uusapan natin ang tatlong website na ito sa mga susunod na blogs ko.
Susunod naman na mga PATOK NA NEGOSYO na pag-uusapan natin ay ang Online Tutoring Services, VIDEO COURSES MAKING, at iba pang pwede mong pagkakitaan kahit wala kang perang pampuhunan. Kaya, follow mo lang ang blog na ito, i-klik mo lang yung tatlong guhit sa upper right corner ng blog para maka-follow ka at ma-update kita. Comment na rin ng iba pang negosyo o pagkakakitaan na gusto mong pag-usapan natin.
Comments
Post a Comment