Marami na sa atin ang nakaranas na ma-operahan, maaaring sanhi ng aksidente tulad ng pagkahulog sa puno, nabundol ng sasakyan, naputukan ng paputok at kung anu-ano pa? We really can’t avoid accident, kaya nga aksidente pero syempre na sa atin na rin mismo ang dobleng pag-iingat. Napag-usapan na rin lang ang surgery, alam ninyo bang kapag kayo ay sumailalim na sa mga operasyon tulad halimbawa ng hip and knee replacement ay prone kayo sa heart attack?
Based on the studies, ang mga taong suma-ilalim na sa operasyon
tulad ng mga nabanggit ay may malaking peligro na sila ay atakihin sa puso. Tumataas
ang posibilidad na mangyari ito hanggang 30 fold sa loob ng 2 weeks after the
surgery. At ang iba pang banta sa kalusugan ay lumitaw at maging active
hanggang 6 weeks matapos ang operasyon. Kaya naman nagbigay ng warning ang mga doctor
na ang masyadong stress after ng surgery ay may malaking epekto.
Sa operasyon, ang mga pasyente ay nakararamdam ng
magkahalong tension,pangamba, at pag-aalala, gayun din naman lalo pagkatapos ng
operasyon dahil sa big adjustment na kanyang pagdaraanan.
25 percent ng mga pasyente ang sumailalim sa simpleng
surgery na nasa edad 60 pataas ang biglaan at may ilang beses na nakaranas ng
atake sa puso kumpara sa mga hindi sumailalim sa operasyon sa mga bahagi ng
katawan tulad ng balakang at tuhod. Gayundin ang 80 percent ng mga pasyente na
nakaligtas sa heart attack ay hindi maaaring sumailalim sa joint replacement
dahil magdudulot ito ng komplikasyon at mas magiging delikado rin para sa mga
matatanda na.
Maaaring magsimula ito na magkaroon ng delikadong blood
cloth sa joint na dapat lapatan ng blood thinning drugs para maiwasan ang banta
ng atake sa puso. Tinatawag ang epekto ng naturang mga surgery bilang acute
myocardial infarction na may matinding peligro o epekto sa mga pasyente na may
edad 80 at pataas. Ilan sa mga itinuturong dahilan ng mga eksperto ay ang
pagkaramdam ng matinding stress pati na rin takot ng isang pasyenteng
sumailalim sa operasyon na nagdudulot pati ng mabagal na paggaling at ito ay
nagpapabigat lang lalo sa sitwasyon.
Source: Bulgar credits to Icee Reen Labareno
Comments
Post a Comment