Gawin mong lunas sa karamdaman ang mga pagkain- ito ay nasabi ni Hippocrates, isang Greek Physician na sikat sa mundo ng medisina. Ito ang nagmungkahi sa mga siyentista na tuklasin ang mabuting dulot ng mga pagkain sa kalusugan at tignan ang mga katangian ng bawat pagkaing ating kinokonsumo sa araw-araw nating pamumuhay. Isa na sa mga ito ang mansanas (apple)
Ayon sa mga tagapagsaliksik na base sa Florida State University ay mayroong katangian
ang mansanas para sa ikabubuti ng kalusugan sa puso- ito ay ayon sa nabanggit
ng Daily Mail. Ang mansanas ay natuklasan din noon na pampahaba ng buhay at maganda
ring panlaban sa cellulite.
Ang mga tagapagsaliksik ay gumawa ng isang eksperimento gamit ang dalawang grupo ng mga
babaeng nasa menopausal stage- sila kasi ang mga taong high risk sa atake sa
puso. Ang unang grupo ay sinabihang kumain ng dalawang mansanas araw-araw. Ang
ikalawang grupo naman ay sinabihang kumain ng duhat o plum araw-araw.
Ang eksperimentong ito ay tumagal ng anim na buwan na may
kaakibat na regular blood test. Base sa resulta, ang grupo na kumain ng
dalawang mansanas araw-araw ay bumaba ang bad kolesterol ng 25 porsyento.
Habang wala namang naging makabuluhang resulta ang grupong pinakain ng duhat.
Ang pagtaas ng bad kolesterol sa katawan ng tao ay
nagreresulta sa blood clotting na maaaring makahadlang sa dugong dumadaloy sa
puso at utak. Kaya naman ang pagbaba ng bad kolesterol ay sinasabing
nakapagpapa-iwas sa banta ng atake sa puso o stroke.
Bakit ang isina-ilalim sa eksperimentong ito ay ang mga
babaeng hindi na dinadatnan ng regla o menopos? Dahil sila ang kinokonsiderang
high risk sa heart attack at stroke. Ang mga babaeng hindi pa menopos ay may
mababang tsansa ng atake at iba pang heart disease. At ang risk ay higit na
mababa sa 1/3 kumpara sa mga lalake. Magkagayon, ang risk ay malubhang tumataas
pagkatapos ng pag-memenopos.
Web source: medicmagic dot net
Comments
Post a Comment