Ikaw ba ay nakararanas ng labis na pagod o kinakapos ng paghinga? Baka iyan ay sintomas na ng heart attack o atake sa puso? Basahin ninyo ito mga katoto:
Symptoms of Heart Attack |
- Labis na pagod. Ang fatigue ay karaniwang nararanasan kapag nagkukulang sa sapat na tulog ang isang tao kung saan nababawasan ang depensa ng katawan sa virus. Ang hindi pangkaraniwang fatigue ay maaari ring sintomas ng atake sa puso o babalang senyales ng sakit sa puso. Sa isang pag-aaral, lumabas na 70% ng kababaihan ang nakararanas ng fatigue sa mga sunod-sunod na araw bago pa man sila atakehin sa puso. Mas makabubuti kung pakikiramdaman ang sarili o ang kumonsulta sa doktor.
- Kahirapan sa pagtulog. Hindi pangkaraniwang makaramdam ng pagkapagod dahil sa kakulangan ng tulog mula sa pagka-busy sa araw-araw, gayunman, hindi maganda sa katawan ng isang tao ang madalas na nakukulangan sa tlog kung saan marami sa mga babaeng may ganitong sitwasyon ang nagbubunsod sa tulog kung saan marami sa mga babaeng may ganitong sitwasyon ang nagbubunsod sa atake sa puso.
- Pag-ubo at kakapusan sa hininga. Ang hindi maipaliwanag na kakapusan sa paghinga mula sa normal na araw-araw na aktibidades ay isa sa pangkaraniwang sintomas ng atake sa puso lalo na ang madalas na pag-ubo.
- Heartburn at indigestion. Ang paninikip ng dibdib dahil sa rami ng kinokonsumong pagkain na inaakalang sanhi ng atake sa puso ay maaari talagang magbunsod sa naturang kondisyon. Ang ilan pang sintomas sa kababaihan ay maaaring kinabibilangan ng hindi maipaliwanag na nausea at pagsusuka. Ang mga babae ay dalawang beses na malapit sa banta ng gastrointestinal problem habang inaatake sa puso.
- Hindi maipaliwanag na pagkabalisa. Maraming babae ang nakararanas ng hindi maipaliwanag na pagkabalisa bilang pangunahing sintomas ng atake sa puso. Mainam na mabilis na humingi ng tulong sa mga doktor kapag nakaramdam ng ganito.
- Pananakit ng mga kasu-kasuan. Ang biglaang pagkaramdam ng pananakit ng likod,leeg,balikat at braso maging na rin ng panga at lalamunan ay senyales ng atake sa puso.
- Pagkahilo at labis na pagpapawis. 40% ng kababaihan ay nakararanas ng atake sa puso mula sa pagkaramdam ng labis na pagkahilo at pagpapawis.
Mainam na ipaalam sa mga doktor kapag nakararanas ng labis na pagod, pagbabago sa gawi ng pagtulog, lalo na sa mga taong may sakit sa puso, high blood pressure, mataas na cholesterol, obesity, diabetes at naninigarilyo. source: Bulgar - No Problem- Ms. Myra
Comments
Post a Comment