Madalas ka bang magpuyat sa gabi para tapusin ang mga palabas na teleserye sa t.v o di kaya nama’y may proyekto sa skul na nais mong tapusin o trabahong kailangan mong ihabol sa deadline? Alam ninyo bang ang labis na pagpupuyat ay maaaring ikadami ng iyong acne sa mukha?
Bagamat walang direktang paliwanag o ebidensya tungkol sa
pag-uungnay ng pagpupuyat sa pagkakaroon ng acne. Mayroon namang mga
indirektang paliwanag na kapag tayo ay nagpupuyat ay nagdudulot ito ng acne sa ating mukha.
Ayon sa Livestrong at Buzzle, na kapag tayo ay nagpupuyat ay
nababawasan ang pagpapahinga ng ating katawan o pagre-rejuvenate at ito ay
magdudulot sa atin ng labis na stress, pamamaga, pagtaas ng insulin resistance
at depresyon.
Ang stress ay isang salik kung bakit tayo nagkakaroon ng
acne. Ang labis na stress ay makapagpapasigla sa adrenal glands na responsableng nagdadala ng androgens. Ang paggugol ng mga hormones sa ating katawan ay
nagbubunsod sa pagbubuo ng acne. Ang stress ay naka-aapekto rin sa immune
system, na nakapagpapabagal sa paggaling ng iyong acne.
Ayon pa sa ulat ng Journal of Clinical Endocrinology and
Metabolism na ang kakulangan sa pagtulog ay nakapagpapadami ng cytokines
inflammatory. Alam natin na ang acne ay pamamaga sa ating pores, malinaw na sa
pagdami ng cytokines sa katawan ay nakapagbubunsod lamang ng pamamaga.
Idagdag pa rito na ang kakulangan sa pagtulog ay
nakapagpapataas din ng insulin resistance. Hinahayaan nito ang ating katawan na
makapag-prodyus ng maraming insulin. Ito ay dahilan din para magkaroon ng
produksyon ng sebum (oil) na siyang nagdudulot ng inflammation na
makapagpapadami lang sa ating acne.
Ang pagpupuyat ay may epekto rin sa ating mental at
emotional framework na nagdudulot ng depresyon. Ang depresyon ay nagdudulot sa
atin ng negatibong pag-iisip na lubos na nakaapekto sa kondisyon ng ating
katawan- ang pagkakaroon ng hindi magandang kalusugan ay naka-aapekto sa
healing ability ng ating katawan. Nagbibigay naman ito ng negatibong epekto sa
paghilom ng acne.
Sinasabi ngang walang direktang epekto ang pagpupuyat sa
pagdami ng acne ngunit ang mga salik na hatid ng kulang sa pagtulog ang dahilan
para mabuo ang mga ito sa ating mukha.
Labis ka bang nagpupuyat at problemado ka sa pagdami ng acne
sa iyong mukha? Ang kaalamang ito ay isa ng paalala sa iyo.
Source: medicmagicdotnet
yeah u right.. lage po akong puyat at problemado kaya po ang dami kong pimples.. salamat at nabasa ko ang inyong paalala na ito.. malaking tulong para sakin to.
ReplyDeleteLast week before mag-start ang final exam namin, konti lang ang acne ko. Pero ngayong linggo na ito grabe ako magpuyat hanggang 12nn to 1am ako natutulog tapos gigising pa ng 6am para pumasok. Tapos ngayon dumami na. :'(
ReplyDelete