Ikaw ba ay nakakain na ng damong dagat (seeweed)? Base sa mga pag-aaral, maraming dulot na magandang benepisyo sa kalusugan ng tao ang pagkain ng damong dagat. May pag-aaral pa ngang isinagawa na ang pagkain ng tinapay na may palamang seeweed jelly ay nakababawas sa iyong timbang kumpara sa pagpunta ng gym. Sapagkat mas mabilis mong masusunog ang iyong taba sa pagkain lamang ng damong dagat kumpara rito.
Hindi lang iyan ang benepisyong hatid ng damong dagat dahil ito rin ay lunas sa acne. Base sa mga nagsaliksik hingil rito, kung ikaw ay may
problemang dinaranas sa iyong mukha tulad ng acne, mabisa ang seeweed para
rito. Napag-alaman sa pag-aaral na itong damong-dagat na ito ay nakasusugpo sa
acne problem ng isang tao.
Marami sa atin ang dumaranas ng problema sa acne. Sanhi pa
nga ito ng pangugutya ng ilan tulad ng birong “mukhang tinubuan ng taghiyawat”- kaya naman
para sa taong may acne, gagawin niya ang lahat at susubukang magpahid at uminom
ng kung anu-ano para mawala ito. Pero alam ninyo bang sanhi rin ng eye disorder
ang ilang gamot sa acne. Kaya,bago uminom o magpahid ng kung anu-ano sa mukha,
ay kumonsulta muna sa inyong doctor.
Kaya naman mas maigi pa rin ang natural treatment tulad ng
pagkain ng damong dagat. Ang bagong tuklas na ito para sa skin medicine ay
inilunsad ng Clinical and Experimental Dermathology Journal. Napag-alamang sa
pagkain ng damong dagat ay mga 64 ang porsyento ang tsansang mawala o mabawasan
ang pagdami ng acne sa mukha.
Iyong brown seeweed ay mayroong active compound na kung tawagin
ay Phycosaccharide ACP. Ang content na ito ay sinubok ng mga siyentista na
gumawa ng pag-aaral tungkol dito. Sa pagsasaliksik, 60 porsyento ng mga
kalalakihan na may mild acne ang sumalang sa test sa loob ng dalawang buwan. Halos
kalahati sa mga lalaking ito na sumubok ng brown seeweed ang hindi nagkaroon o
nabawasan ang dami ng acne sa loob ng walong linggo.
Ang kulay brown na damong dagat na ito ay kilala rin sa
tawag na Laminaria Digita. Ito ay karaniwang matatagpuan sa Britany,France.
Pinatunayan ng mga siyentista na ang paglalagay ng brown seeweed sa mukha ay
pwedeng pumuksa ng acne bacteria sa loob lamang ng isa hanggang kinse minutos.
Ang acne ay nagsisimula kapag ang hair follicles sa iyong
balat ay nagbara ng natural na langis sa iyong mukha na mas kilala sa tawag na
sebum. Sanhi rin ito ng testoron hormone, dahilan upang dumami ang produksyon
ng sebum sa iyong balat.
Ikaw ba ay may acne problem? Bakit hindi mo subukan ang
damong dagat. Baka ito na ang solusyon sa matagal mo ng kinakaharap? Subok na.
Source: medicmagic dot net
Comments
Post a Comment