Sabi nila ang tunay na ganda ay nakikita sa panloob na anyo lamang, tama naman, walang duda at hindi kami sasaluwat sa ideolohiyang ito mga katoto. Ngunit aminin man natin o hindi, we are living in a society that is full of prejudice. Dahil importante pa rin sa mga tao ang panlabas na anyo at dahil ito ang nagdidikta sa kanila ng impresyon tungkol sa iyo. Isa nga sa mga problema ngayon ang pagkakaroon ng taghiyawat at acne. Wala mang konkretong bilang ng tao ang nagkakaroon nito sa mundo ngunit masasabing ito ang isa sa mga skin problem na patuloy na dumarami kada taon.
Bakit nagkakaroon ng Acne ?
Ang pagkakaroon ng Acne ay dulot ng clogging sa ating skin pores nang oil na nililikha ng ating sebaceous gland. Ang clogging ay resulta ng iba't ibang bacteria
Ilan pa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng taghiyawat o acne ay ang mga sumusunod:
1. Walang ehersisyo o proper exercise.
2. Hindi tamang diyeta
3. Dumi at polusyon sa kapaligiran
4. Pagod o stress
5. Hormonal imbalance
May Gamot Ba Talaga sa Acne?
Ang totoo, wala talagang naturang gamot na direktang nag-aalis ng acne, kung mayroon man ay may kamahalan ito. Isa pa, ang kondisyong ito ay hindi simple at nangangailangan talaga ng kaukulang atensyon. Sa bawat isang tao, may mga gamot na bagay sa iyo na hindi naman hiyang sa iba, kaya naman kinakailangang dumaan ka sa iba't ibang paraan para matukoy mo ang paraan na akma sa iyong acne problem.
Kung magkagayon, maaari mong subukan ang ilang alternatibo upang maiwas sa acne o taghiyawat.
TEXT YOUR ORDER: 09052064765 |
Mga tips para mabawasan o pati maalis ito sa natural na paraan:
1. Limitahan lamang ang paghilamos ng iyong mukha, tama na ang dalawang beses sa isang araw. Sinasabing anumang labis rito ay maaaring magdulot ng pagkairita sa iyong balat at pagkatuyot dahilan upang mas lalo kang maging prone sa acne. Ang labis na paghihilamos ay nagdudulot din ng extra oil production dahilan ng mas marami pang break-outs.
2. Huwag gumamit ng mga facial scrubs na may sangkap na almonds o apricot. Nagdudulot din ito ng pagkairita sa iyong balat.
3. Kung ikaw naman ay gumagamit ng skin toner, piliin ang mga produktong walang sangkap na isopropyl alcohol. Any strong astringent can cause your sebaceous gland to produce more oil. Ang resulta, pagkatuyot ng balat, pamumula at mga blemishes pati.
4. Huwag tirisin ang tagyawat o acne dahil lalo lamang itong magdudulot nang pagpasok ng bacteria sa iyong balat at impeksyon.
5. Huwag ugaliing hawakan ang mukha, gaya ng pangangalumbaba, paggamit ng labakara o towels o pagkakamot. Nagdudulot din ito ng mga bacteria sa iyong skin pores.
6. Maigi ang pag-eehersisyo, ngunit mas maiging pagkatapos nito ay maiging maligo kaagad o magshower bath. Sa ganitong paraan ay maiiwasan ang paglaganap ng bacteria.
7. Sa pagkakataong mahanap mo ang isang over the counter medicine o anumang acne care dietary supplement na hiyang sa iyo ay huwag ka nang sumubok pa ng iba. Hindi lahat ng mga gamot na nabibili ng walang preskripsyon ay magiging epektibo sa iyo. Ngunit hindi rin maitatangi na ang ilan nga sa mga ito ay maaaring maging sagot sa iyong acne problem. Kaya ang mahalaga ay sumubok ka para mahanap mo ang lunas para sa iyong acne. Ito ang magiging solusyon upang maiwasan na ang paglala pa ng iyong acne problem.
Dapat Tandaan
Hindi ba't mas maiging makita ang sarili na kaaya-aya, hindi lamang sa pag-uugali kundi pati na rin sa iyong panlabas na kaanyuan. Having a pleasant face can boost your confidence. It will improve the many aspects of your life, physically, mentally and emotionally. It will help to elevate your social intellegence as well. Kapag makita ka nang ibang tao na may kaayayang mukha ito ay nagbibigay ng magandang impresyon hindi lang sa iyong panlabas na kaanyuan pati na rin sa iyong pagkatao.
Ang problema sa acne ay kayang mabigyang solusyon, ang mahalaga ay ang pagtanggap mo sa problemang ito at ang positibo mong pang-unawa na kaya mong maiwas o maalis ito.
Basahin Mo Rin Ang:
Kapag Puyat Ba Pwedeng Magka-Acne?
Basahin Mo Rin Ang:
Kapag Puyat Ba Pwedeng Magka-Acne?
May nais ka bang tips na gusto mong maisulat namin bukod sa Tips Para Mabawasan o Malunasan Ang Taghiyawat At Acne. Magcomment lamang po o dumaan sa aming chatboard na makikita sa aming toolbar o sa kanang bahagi ng aming blog. Inaanyayaan din namin kayong i-share ito sa inyong facebook account o sa iba mo pang social networking site.
marami akong problema sa under arm ko my mabahong amoy, laging basa, at maitim anong magandang gamot po dito?
ReplyDeleteaq din ..pnka problema q ang underarm q ..tpos ang dali qung pgpawisan ..khet gumagamit aq pra dito nangangamoy prin ..tpoz d aq nkaka pgsout ng mga sleevls kc d aq confident ..ano po buh ang dpat dto ?
ReplyDeletePano po ba maaalis itong pimples ko
ReplyDeleteAko naman problema ko lng laging basa kapag maiinit peo wla naman cyang amoy anu po b ang dapa kong gawin para hndi na po magpawis ?
ReplyDeletepaano mawawala ang tiniris na tigyawat
ReplyDelete