IBINAHAGI ng mga eksperto ang benepisyong dulot ng pagdaragdag ng isang kutsaritang luya sa kinukonsumong pagkain sa mga araw bago at pagkatapos ng sesyon ng chemotherapy.
Lumabas sa pag-aaral na ang bagay na ito ay may kakayahang makabawas ng brutal na side effects na nararanasan ng isang nagpapa-chemo.
Habang ang chemotherapy ay nakapagpapakita ng masidhing pangako sa pagpapabuti ng kondisyon ng maraming uri ng cancer tulad ng pagkahilo at pagsusuka na nagiging dahilan ng maraming pasyente upang katakutan ang proseso.
Gayunman, ang mga pasyente namang kumukonsumo ng luya sa naturang oras ay nakararanas ng 40% kabawasan ng nasabing mga sintomas. Ang kalahating gramo at isang gramo ay ang pinakamainam na rami ng tamang konsumuhin.
- No Problem (Bulgar) ni Ms. Myra
Comments
Post a Comment