Foods That Can Prevent Cancer
Ito ang listahan ng mga
pagkaing panlaban sa kanser ayon sa librong
Anticancer: A New Way of Life ni Dr. David Servan-Scheider, leader ng Center of Integrative Medicine sa University of Pittsburgh School of Medicine
|
from google image for illustration only |
Green tea. may sangkap na catechins na nagpapabagal sa paglaki ng tumor. Painitin ang green tea ng 5-8 minuto. Uminom ng dalawang basong green tea bawat araw. Non-caffeinated na green tea ang piliin at iyung walang side effect.
|
from google image for illustration only |
Curry. Mabisa ang dilaw na curry bilang panlaban sa namamagang ugat. Base sa pag-aaral, malaking tulong ang curry sa mga taong nag che-chemotherapy para mapabagal ang paglaki ng bukol.
|
from google image for illustration only |
Luya. Ang matinding amoy ng luya ay nangagaling sa sangkap na gingerols na gamot sa pagduduwal, pagsusuka, ubo, sipon, sakit ng ulo, sakit ng tiyan at arthritis na ilan sa mga sintomas ng cancer. May tulong din ang luya sa pagsugpo ng cancer.
|
from google image for illustration only |
Cabbages ( Repolyo). May sangkap itong sulforaphane at indole-3-carbinols, na mabisang panlaban sa kanser.
|
from google image for illustration only |
Bawang. Ang bawang ay may sangkap na allyl sulfides na mabisa sa pagsugpo ng kanser sa colon, breast, baga, at prostate. Mabisa kung kakainin ito ng hilaw o maaari ding durugin at prituhin ng kaunti.
|
from google image for illustration only |
Gulay at Prutas na Madilaw at Mapula. Pagkat ang mga ito ay sagana sa beta-carotene, vitamin A at lycopene na maaaring makapigil sa kanser. Kumain ng maraming carrots, kamote, kalabasa, at kamatis.
Ang artikulong naisulat ay mula sa Kolumn ni Doc Willie sa pahayagang PSN Ngayon
Comments
Post a Comment