Marami na nga ang umunlad sa network marketing o mas kilala sa Pilipinas bilang "networking". Ito ay iyung kikita ka sa pagbebenta ng produkto o pag-iimbita ng mga taong sasali. Pero hindi rin lingid sa marami na 'di ganun kadali ang kumita sa negosyong ito. Kailangan mo ng tiyaga at tamang estratehiya para kumita. Kadalasan pa nga'y sinasabi nating scam ang mga ito kapag hindi tayo kumikita pero ang totoo tayo mismo ang nanloko sa ating sarili, dahil sumali lang tayo pero hindi kumilos. Kaya naman ang tanong ng marami, ano bang networking ang magandang salihan sa Pinas at madaling palaguin. Ito ang ilan sa mga dapat mong ikonsidera sa pagsali. 1. Madali bang ibenta ang produkto? O may produkto bang ibinebenta? Kung sasali ka sa networking ay kailangan mong isipin kung ano ang madali para sa iyo na ibenta. Sa pagsali sa isang networking, dapat maintindihan mong hindi ka kikita sa pag recruit lang ng tao, kailangan ay may produkto rin itong ibinebenta. 2. Ang...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc