Habang mainit na binabatikos ngayon ang isyu tungkol sa Reproductive Health Bill na sinasabing magbibigay-solusyon para makontrol ang paglobo ng populasyon ng bansa ay may mga tao lalo na ang mga kababaihan na tila malayo ang pananaw tungkol dito sa pag-aasam nila na magkaroon ng sariling supling.
from google image for illustration only |
Sa loob ng ilang taon na pagsusubok na mabiyayaan ng anak, napakahirap para sa isang babae ang basta na lang sumuko at tuluyan nang magdesisyon na mag-alaga o mag-ampon ng ibang bata. Bahagi kasi ng kaganapan sa kanyang buhay na magawang mag-alay o mabigyan ng pinakamagandang regalo ang kanyang magiging asawa habang unti-unti silang bumubuo ng sariling pamilya.
Marahil ay napakarami ng paraan ang kanilang nasubukan ngunit kung maaari ay mas gusto pa rin niya sumailalim ito sa natural na proseso. May mga nagsasabi na sa takdang panahon o oras ay magaan din itong ibigay o ipagkakaloob ng Poong Maykapal kaya marami pa rin ang patuloy na nagdarasal at humihingi ng patnubay sa pamamagitan ng pagbisita at pagiging deboto sa iba't ibang Patron.
Ngunit, higit sa lahat, importanteng matutunan natin ang kahalagahan ng pagiging responsable at pagmamahal sa anak ng isang magulang. Nababagay ngayon para sa mga kababaihan na may problema sa pagkakaroon ng anak ang makabagong proseso ng womb transplant na pinag-igi ng mga siyentipiko.
Handang-handa na ang mga eksperto na magsagawa ng kauna-unahang surgery para sa kababaihan na bukod sa may tapang at matindi na ang kagustuhan na magka-anak.
Tanging kailangan lamang ay magkaroon ng malusog na matris mula sa malusog na donor ang siyang magiging susi sa pagtatagumpayng naturang proseso.
Pinaniniwalaan na magbibigay ito ng pag-asa para sa napakaraming kababaihan na hindi magawang magkaanak o kaya naman ay kinailangan tanggalan nito gawa ng pagkakaroon ng sakit. Ngunit, sa kabilang banda, hindi maiiwasan na makatanggap ito ng batikos o mga negatibong komento kung saan kumuwestiyon sa pagiging ligtas nito.
Sa isinagawang pag-aaral ng University of Gothenburg sa Sweden tumagal ng mahigit ilang dekada para masabi nilang tagumpay o perpekto ang komplikadong surgical technique na kailangan sa womb transplant. Unang isinagawa ang mga eksperimento sa mga hayop tulad ng daga,tupa at baboy at inaasahan din nila na magiging matagumpay ito kung susubukan sa tao lalo na sa kababaihan.
Naniniwala ang mga British at Swedish researcher na gawa ng pagiging kumplikado ng pagkokonekta ng bagong matris na kinakailangan ng bagong supply ng dugo ang paglalagyan na katawan. Kinuwestiyon kung ang bisa at dulot ng bagong lagay na matris ay pansamantala lamang o kung magdudulot ito ng matagalan o long term na panganib sa kalusugan ng isang babae.
mula sa pahayagang Bulgar isinulat ni Rial Oreña Vidal
mula sa pahayagang Bulgar isinulat ni Rial Oreña Vidal
Comments
Post a Comment