Skip to main content

Mga Patok Na Negosyo Sa Pilipinas

Maganda man ang iyong trabaho, pero tiyak akong ang kita mo rito ay hindi talaga sapat kung nais mong pangarapin na magkaroon ng komportableng buhay, may bahay, may ari-arian, may kotse at iba pa. Iyun bang tinatawag na financial freedom

Iyan ang tunay na dahilan kung bakit dapat ma-enganyo ang Pinoy na sumubok mag-negosyo. Ngunit hindi nga naman ganun kadali ang magsimula ng isang negosyo dahil na rin sa walang pagkukuhanan ng puhunan. Tama, mahalaga ang kapital para makapagsimula. Huwag kang mag-alala, hindi naman agad-agad ay sasabak ka sa negosyo na gamit ang malaking kapital. Maiging sumubok ka muna sa maliit. Ito ang ilan sa mga patok na negosyo sa Pilipinas na maaari mong subukan.

Network Marketing

Ang network marketing. Hindi po ito iyung pyramiding o madaliang kitaan. Ang network marketing o mas kilala sa tawag na networking sa Pilipinas ay lehitimo kung mayroong produktong ibinebenta. Patok na patok ang negosyong ito lalo na sa mga estudyante na nais ng part time income, mga nagtatrabaho ng full time pero nais pa ng extra income, sa mga pinoy bloggers na nais mag-endorso ng lokal  na produkto at pati na rin sa mga Pilipino na hirap sa paghahanap ng trabaho.


Food Cart Franchise Business

Usong-uso ngayon ang food-cart. Mura lamang ang puhunan sa pag-franchise ng maliliit na food cart tulad ng siomai food cart, buko shake food cart, waffle food cart at iba pa. At kung gugustuhin mo rin, pwede kang magkaroon ng sarili mong pangalan ng food cart.

E-loading Business

Isa pang hindi na pwedeng mawala sa buhay ng mga Pinoy ang e-loading. Kaya kung nais mong kumita sa e-loading ay isa na ito sa madaling umpisahan. Uso na rin ngayon ang one-sim load all network. 'Yung tipong kahit sarili mong existing number ay pwede mo nang ipang-retail. Mayroon na ring smartphone app ang mga eloading business solutions gaya ng sa Load Manna, isang one stop shop app na nag-ooffer ng eload, bills payment, padala at iba pang payment solutions and services. Sa halagang 200 to 3998 pesos, pwedeng pwede ka ng mag simula ng eload negosyo mo. Kung saan pwede kang kumita ng 10K a month sa pagloload lang ng mga end users, retailers o dealers mo. You can PM this page for more info. Click here




Buy And Sell Online


May mga luma kang gamit. O 'di kaya nama'y may kontak kang supplier ng mga imported goods. Pwede mong subukan ang Buy and Sell. Sa panahon ngayon kahit wala kang pwesto ay makakapagtinda ka. Ang dami ngayong mga online classified ads na libre kung saan pwede kang magpaskil ng anunsyo.

Piso Printing Business

Murang kapital naman ang mayroon sa Piso Printing Business kaya isa rin ito sa mga patok na i-negosyo sa Pilipinas. Printer, kompyuter, at magandang kalidad na papel ay pwede ka nang magsimula. Maaari mo ring idagdag sa Piso Printing Business mo ang rush i.d, lamination, scanning, xerox at iba pang may kinalaman sa printing.

Generic Drugstore Franchise

Naglipana naman ngayon sa merkado ang mga nagsulputang mga drugstore na nagtitinda ng generic drugs. Hindi tulad noon na tanging branded drugs ang namamayagpag. Dahil na rin sa hirap ng buhay ay napapabili ng generic drugs ang mga Pinoy. Sabi nama'y parehas lang daw ang kalidad nito at mura pa. Kaya kung ikaw ay isang pharmacy o kahit hindi, ay pwede kang maging franchiser ng mga sikat na generic drugstore sa Pinas gaya ng Gamot Publiko, Generika Pharmacy, Generics Pharmacy atbp.

O hayan may ideya ka na sa mga patok na negosyo ngayon sa Pilipinas. Para sa taong 2013, sikat pa rin ang mga negosyong 'yan at patuloy na dinudumog ng mga Pinoy. Ito pa ang ilan sa mga patok na negosyo sa Pilipinas na kayang-kaya ng iyong bulsa.

Updates


  1. Buko Shake Business
  2. Heat Press Tshirt Printing Business
  3. Personalized Item shop
  4. Siomai Food Cart Business
  5. Cellphone Repair Business
  6. Electronics Repair Shop
  7. Laundry Shop
  8. Tahian Ng Basahan o Basahan Business
  9. Pagtitinda ng Home-made Delicacies
  10. Home-made Tocino Business
Alin man sa mga 'yan ang patok. Isipin mo pa rin na kailangan hilig mo ang papasukan mong negosyo. Dahil mas mapapaganda mo ang takbo ng iyong negosyo kapag gamay ito ng iyong kakayahan at talento. 



Comments

  1. Its good that I found your blog what you wrote here absolutely right. I can’t help but be amazed on how much sales a food cart business gets in a day.If you don’t have much capital and you want to go into food business, then a food cart maybe ideal for us.

    sugar

    ReplyDelete
  2. ano po kaya ang magandang negosyo pg sa bahay lang?

    ReplyDelete
  3. galing mo more power im working here abroad for long tym so plan ko na tlaga mag bisnis sana makahanap ako ung kaya kong i manage thanks sa blog mo ako ung taong seryoso ayaw manloko sa kapwa tao pagdating sa pera tama na ung minsan maloko hahahahahaha kilangan mag saliksik sa sinasalian

    ReplyDelete
  4. tnx ang gling...buti nlng at nbsa ko toh!! godbless!

    ReplyDelete
  5. Papano kukuha ng franchise business?Ng food cart business ???

    ReplyDelete
  6. nagbibigay ng idea pra kumita.amazing! ang laking tulong sa akin.godbless!

    ReplyDelete
  7. tnxs at nakita ko ang yong blog ... im 53 at out of job pa ngayon ... paano at gaano ba ang kapital nung heat press tshirt printing at ano ang kailangang mga gamit ? please rely ... im manny from mallos city..ty again ...

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...