Skip to main content

Networking: Ano Ang Magandang Salihan?

Marami na nga ang umunlad sa network marketing o mas kilala sa Pilipinas bilang "networking". Ito ay iyung kikita ka sa pagbebenta ng produkto o pag-iimbita ng mga taong sasali. Pero hindi rin lingid sa marami na 'di ganun kadali ang kumita sa negosyong ito. Kailangan mo ng tiyaga at tamang estratehiya para kumita. Kadalasan pa nga'y sinasabi nating scam ang mga ito kapag hindi tayo kumikita pero ang totoo tayo mismo ang nanloko sa ating sarili, dahil sumali lang tayo pero hindi kumilos. Kaya naman ang tanong ng marami, ano bang networking ang magandang salihan sa Pinas at madaling palaguin. Ito ang ilan sa mga dapat mong ikonsidera sa pagsali.

1. Madali bang ibenta ang produkto? O may produkto bang ibinebenta? Kung sasali ka sa networking ay kailangan mong isipin kung ano ang madali para sa iyo na ibenta. Sa pagsali sa isang networking, dapat maintindihan mong hindi ka kikita sa pag recruit lang ng tao, kailangan ay may produkto rin itong ibinebenta. 

2. Ang membership fee o entry fee sa pagsali ay kaya nang bulsa at dapat ay may kapalit itong mga item o produkto na pauna mong ibebenta sa iyong mga kakilala. 

3.Sa pagsali mo sa networking ay kailangan na mayroon itong magandang marketing structure. 

4 .Ang network marketing na dapat mong salihan ay kinakailangan mayroong online support para sa iyong mga katanungan.

5. At panghuli, mas malawak ang market ng isang network marketing na hindi pa gaano kilala sa iyong lugar. Mas bago, mas maraming tao kang ma-eenganyo na sumali.

Maraming networking ang naglipana ngayon. Mahalagang alam mo kung ano ang legal sa hindi kaya mabuting magsaliksik muna bago mamuhunan. Tignan mo kung ito ay naka-rehistro sa B.I.R, local na munisipyo, DTI at may mga kaukulang permit.

Huwag sali ng sali. Alamin mo rin kung ano bang networking ang bagay sa'yo at sa tingin mo ay kaya mong i-market. E-load, gamot, damit o anupaman iyan basta't gusto mo at may dedikasyon kang palaguin ito ay tiyak ang pag-asenso mo. 

Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...