Summer Diseases- asahan na ang paglaganap ng mga ito katoto. Ayon Kay Dr. Willie Ong, isang media consultant ng Department of Health, kung masyadong mainit ay nahihirapan ang ating katawan na abutin ang normal na temperatura na 24-25 degrees at dahil sa di pangkaraniwang pagtaas ng ating temperatura tuwing tag-init ay maaaring ang isang tao ay dumanas ng mga sakit.
Karaniwan sa mga sakit sa tuwing tag-init ay ubo, sipon, lagnat, sore eyes, tigdas, dengue, malaria, sunburn at bungang-araw. Pati food and water borne diseases tulad ng typhoid, cholera, hepatitis A, food poisoning at diarrhea.
PREVENTION TO SUMMER DISEASES
Ito ang ilan sa Tips para makaiwas sa mga karaniwang sakit ngayong Summer.
On Eating Habits
- Make sure that we cook our foods properly. Siguraduhin na tama ang pagkaluto ng ating mga kinakain.
- Kung maaari ay kainin kaagad ang lutong pagkain habang mainit pa ito.
- For left over foods, ilagay sa ref ang mga ito at kung kakainin na ay siguraduhing initin ito.
- Hugasan ang kamay sa paghahanda ng pagkain. Ugaliin ding maghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain.
- Kung ikaw ay may sakit na, iwasan mo na ikaw ang mag handa ng kakainin.
- Make sure to drink lots of water. Mga 8 hanggang 10 baso ng malinis na tubig sa isang araw ay sapat na.
- Kumain ng prutas at gulay. Siguraduhing hugasan at balatan ang mga ito bago kainin.
Beach and Resorts
- Huwag hayaan ang mga bata na lumangoy mag-isa. Siguraduhing lagi silang may kasama.
- Iwasan ang pagbibilad sa araw o sun bathing ng 3 oras o higit pa.
- Uminom ng maraming fluids para maiwasan ang pagkahapo at dehydration.
- Magsuot ng mga damit na may gaan o komportable sa pakiramdam.
Road Tips
- Bago umalis ay siguraduhing nasa magandang kondisyon ang iyong sasakyan.
- Laging magdala ng repair kits kung sakaling magka-aberya ang sasakyan.
- Don't drink and drive
Source: Abs-Cbn News Dot Com
Comments
Post a Comment