Skip to main content

Summer Vacation: Mga Patok Na Negosyo Tuwing Tag-init Sa Pilipinas



Ang init na naman sa Pilipinas. Summer na naman kasi ngayong darating na Marso. Ang iba ay abala kung paano magkakaroon ng isang makabuluhang bakasyon. Habang ang iba naman ay busy sa pag-iisip kung anong patok na negosyo ang pwedeng pasukin ngayong buwan ng bakasyon.



Mga katoto namin, ito ang ilan sa mga pwede mong pagkakitaan ngayon Summer na sa Pilipinas:


  1. Photo and Video Services. Excited ang lahat magtungo sa mga beach, resort at kung saan saang bahay bakasyunan. Lahat nais magkaroon ng alaala sa kanilang summer adventures. Kaya naman malaki kumita ngayon ang mga negosyong nag-aalok ng photo and video services tulad ng camera and photography, pag-edit ng mga video coverage, editing ng mga litrato, souvenir photos atbp. 
  2. Facial and Skin Care Services. Sunburn, bungang araw, pagka-itim at pagkasunog ng mukha, iyan marahil ang mga hindi magandang resulta ng pagbabakasyon sa mga resort. Kaya naman marami sa mga Pinoy ang nagtutungo sa mga derm clinic para maipanumbalik ang dating ganda ng balat. Malaki ang demand sa serbisyong gaya nito tuwing summer vacation.
  3. Food and Drinks. Mawawala ba ang mga pagkain at inuming pampapalamig sa napaka-init na klima. Walang dudang ito ang tubong lugaw na negosyo ngayong bakasyon: Halo-halo, palamig, ice cream atbp.
  4. Home Renovation and Construction. Tuwing tag-init, marami sa ating kababayan ang abala sa paglilinis, pagre-renovate at pagpapaganda ng kanilang tahanan upang pag-sapit ng tag-ulan ay hindi ito maging abala at makaiwas sa maraming aberyang tulad nito. Malaki kumita sa panahon ng bakasyon ang mga negosyong may kinalaman sa home renovation. 
  5. Loading Business at Internet Services. Kung marami sa atin ang abala sa pagtutungo sa mga probinsya at bakasyunan, mahalaga sa mga pinoy ang komunikasyon. Kaya't importanteng negosyo ang e-loading at internet tuwing summer. 
  6. Tutorial Business and Summer Workshops. Ilan sa ating mga estudyante ang tumutungo sa mga workshops para i-enhance ang kanilang talento. Kaya't kung isa kang professional writer, dancer, singer, basta't may talento ka ay pwede mong ibahagi ito sa ating mga katoto at tiyak na kikita ka pa. 

Iyan ang ilan lamang sa mga patok na negosyo ngayong Summer. Kaya't kung nais mo ng extra pagkakakitaan ay subukan na ang ilan sa mga ito Katoto. Like us on FB


Bookmark and Share




Basahin din: Tips Para Makaiwas Sa Sakit Tuwing Summer


Comments

  1. naku matagal-tagal ding di kme nkpgsummer sa pinas at balita ko nga'y sobrang init pero sa palagay ko ay wala ng tatalo pa sa init sa mid east, la lang, nashare lang po :) salamat pala sa dalaw!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas

Seafood Allergy- Tips Kung Anong Dapat Gawin

Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies. Seafood Allergy -Tips On What to Do? Marami sa atin ang nagkaka-allergy sa seafood (shrimp,talaba,lobster,scallops,clams,crabs,squid) subalit, mas marami ang sa shrimp (hipon) at sinasabi na 40% ay may fish allergy (salmon,tuna) at 60% naman ay seafood allergy na nagsisimula sa adulthood. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa ilang muscle protein (tropomycin) na nasa seafood ay posibleng magdulot ng  "anaphylactic shock" kung saan ay biglang  baba ng blood pressure, namamanhid ang dibdib hanggang leeg, namamaga ang lalamunan at dah