Skip to main content

Cystocele- Kaalaman Sintomas at Lunas



Ikaw ba ay nakararanas ng may paglabas ng laman sa iyong puday na parang hugis bulaklak? Alamin ang tungkol sa Cystocele at Rectocele ayon sa naisulat ni Doc Shane Ludovice M.D sa kanyang column sa Bulgar-Sabi ni Doc.

Ang tawag sa laman na lumalabas sa iyong ari ay cystocele o bladder prolapse at rectocele naman ay iyung nasa may puwitan mo.

Ang cystocele ay ang paglabas o pagluwa ng bladder sa puday at ito ay nangyayari kapag nagiging mahina ang muscular wall na naghihiwalay ng puday at bladder kaya ang bladder ay lumalawit at naitutulak patungo sa puday.

Ang pagkakaroon ng cystocele ay posibleng sanhi ng pag-strain ng muscle habang nanganganak o sa pag-ire o kaya naman ay sa pagbuhat ng mabibigat na bagay o sa pag-ire habang dumudumi. Ang estrogen hormone na siyang tumutulong ng paglakas ng muscles sa palibot ng puday ay nababawasan kapag nag-menopause na ito.

Heto ang ilan pang factors na maaaring magdulot ng cystocele ay ang aging o pagtanda, hysterectomy (pag-alis ng matris), chronic constipation (laging nagtitibi o hirap sa pagdumi) at labis na pisikal na aktibidad.
Narito ang ilang sintomas ng bladder prolapse:

madalas na pag-ihi
stress incontinence  (nagkakaroon ng leakage ng ihi dahil sa physical activity.
Hirap sa pag-ihi
May nakaumbok sa puwerta
Masakit na pakikipagtalik
Lower backpain
Parang may pressure sa puday o kirot
At ang pina-common na sintomas ay urinary incontinence ( di mapigilang pag-ihi)

Ang pagpapaopera rito ay hindi isinasagawa maliban na lamang kung ang mga sintomas ng bladder prolapse ay nagiging sagabal na sa pang araw-araw na gawain.

Mayroong staging system para malaman ang security ng cystocele. Ang stage I,II,III prolapse ay nakaluwa sa lower areas ng vagina ‘di tulad sa stage IV prolapse na makikita itong nakaluwa  o nakalabas sa pinakabukana ng puday kaya nakikita kapag nakahiga at nakabuka ang babae. Ang surgery ay isinisagawa lamang sa stage III at IV cystocele.

Ang layunin ng surgery para sa cystocele repair ay para maibalik ang bladder (pantog) at urethra (daanan ng ihi) sa kanilang tamang posisyon at ito ay isinasagawa ng siruhano na espesyalista sa gynecology o urology. Ang pag-repair ng cysstocele ay maaaring isagawa gamit ang laparoscopy para maliit na hiwa lamang ang gagawin at mabilis ang pagpapagaling.

Kadalasan, ang severity ng sintomas ng cystocele ang siyang pinagbabatayan kung anong paggamutan ang gagawin kasi may mga cystocele na maaaring magamot gamit ang tinatawag na kegel exercise
Source: Bulgar credits to: Sabi ni Doc Shane Ludovice M.D


Comments

  1. Ano po ga²win pag nasa bungaran plng po ng pwerta...tnx po s pagsagot

    ReplyDelete

Post a Comment