Skip to main content

Cystocele- Kaalaman Sintomas at Lunas



Ikaw ba ay nakararanas ng may paglabas ng laman sa iyong puday na parang hugis bulaklak? Alamin ang tungkol sa Cystocele at Rectocele ayon sa naisulat ni Doc Shane Ludovice M.D sa kanyang column sa Bulgar-Sabi ni Doc.

Ang tawag sa laman na lumalabas sa iyong ari ay cystocele o bladder prolapse at rectocele naman ay iyung nasa may puwitan mo.

Ang cystocele ay ang paglabas o pagluwa ng bladder sa puday at ito ay nangyayari kapag nagiging mahina ang muscular wall na naghihiwalay ng puday at bladder kaya ang bladder ay lumalawit at naitutulak patungo sa puday.

Ang pagkakaroon ng cystocele ay posibleng sanhi ng pag-strain ng muscle habang nanganganak o sa pag-ire o kaya naman ay sa pagbuhat ng mabibigat na bagay o sa pag-ire habang dumudumi. Ang estrogen hormone na siyang tumutulong ng paglakas ng muscles sa palibot ng puday ay nababawasan kapag nag-menopause na ito.

Heto ang ilan pang factors na maaaring magdulot ng cystocele ay ang aging o pagtanda, hysterectomy (pag-alis ng matris), chronic constipation (laging nagtitibi o hirap sa pagdumi) at labis na pisikal na aktibidad.
Narito ang ilang sintomas ng bladder prolapse:

madalas na pag-ihi
stress incontinence  (nagkakaroon ng leakage ng ihi dahil sa physical activity.
Hirap sa pag-ihi
May nakaumbok sa puwerta
Masakit na pakikipagtalik
Lower backpain
Parang may pressure sa puday o kirot
At ang pina-common na sintomas ay urinary incontinence ( di mapigilang pag-ihi)

Ang pagpapaopera rito ay hindi isinasagawa maliban na lamang kung ang mga sintomas ng bladder prolapse ay nagiging sagabal na sa pang araw-araw na gawain.

Mayroong staging system para malaman ang security ng cystocele. Ang stage I,II,III prolapse ay nakaluwa sa lower areas ng vagina ‘di tulad sa stage IV prolapse na makikita itong nakaluwa  o nakalabas sa pinakabukana ng puday kaya nakikita kapag nakahiga at nakabuka ang babae. Ang surgery ay isinisagawa lamang sa stage III at IV cystocele.

Ang layunin ng surgery para sa cystocele repair ay para maibalik ang bladder (pantog) at urethra (daanan ng ihi) sa kanilang tamang posisyon at ito ay isinasagawa ng siruhano na espesyalista sa gynecology o urology. Ang pag-repair ng cysstocele ay maaaring isagawa gamit ang laparoscopy para maliit na hiwa lamang ang gagawin at mabilis ang pagpapagaling.

Kadalasan, ang severity ng sintomas ng cystocele ang siyang pinagbabatayan kung anong paggamutan ang gagawin kasi may mga cystocele na maaaring magamot gamit ang tinatawag na kegel exercise
Source: Bulgar credits to: Sabi ni Doc Shane Ludovice M.D


Comments

  1. Ano po ga²win pag nasa bungaran plng po ng pwerta...tnx po s pagsagot

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Dust Removal: Tips Para Maalis Ang Mga Alikabok Sa Bahay

Problema mo ba ang mga alikabok sa iyong bahay? Huwag nang mag-alala katoto sapagkat heto na ang ilan sa mga paraan upang hindi bahayan ng alikabok ang bahay mo. 1. Kailangan mo ng isang magandang pamunas. Mas maiging gumamit ng mga micro fiber cloth kaysa sa mga feather duster . Mas nakakakuha kasi ito ng mga alikabok na talaga namang nakapagpapaalis ng dumi. Mas matagal din ang panahon na tinatagal nito kaysa sa huli. 2. Sa itaas ka muna magsimulang maglinis. Mas maparaan at hindi ubos oras kung magsisimula kang mag-alis ng alikabok sa itaas na bahagi ng kahit anong gamit mo sa bahay tulad ng lampara,cabinet,bintana atbp. Hindi na magiging paulit-ulit pa ang pag-imis mo kung ganito ang paraan mo dahil wala nang malalaglag pa na alikabok mula sa itaas pababa. 3. Gumamit ka ng dryer sheets kung magpupunas ka sa loob na bahagi ng washing machine , sa ganitong paraan matatangal mo lahat ng dumi na naiwan mo mula sa iyong paglalabada. 4. Para sa iyong mga furniture , mas ...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...