Skip to main content

Posts

Showing posts from November, 2012

Mga Patok At Murang Giveaways Ngayong Christmas

It's christmas time! Ang bilis talaga ng panahon. Ngayon nga'y aligaga na sa pagpunta sa Divisoria ang ilan sa atin para makabili ng patok at murang regalo o mga pang-giveaways para sa kanilang mga inaanak, kaibigan, kakilala, mga suki sa kanilang negosyo at kung sino-sino pa. Mura nga naman kasi sa Divisoria kung ikaw ay kukuha ng bulto-bultong pang-regalo. Pero kung hindi mo naman trip ang makipagsiksikan sa Divisoria ay pwede mo rin namang ikonsidera ang ilan sa mga itong pwede rin namang pang-giveaways ngayong nalalapit na pasko o kahit pa sa iba pang okasyon. Ang mga giveaways na ito ay maaari mong mabili sa aming print and personalized shop. Siguro'y isa nga rin itong uri ng promosyon para sa aming negosyo pero sa kabilang banda ay isa rin itong pagbabahagi ng Tips para sa mga mamimili na gaya mo. Personalized Keychain  Ang keychain na nagkakahalaga lamang ng 13 pesos per piraso ay magandang giveaways lalo't kung maliit lamang ang budget mo para sa m...

Mga Prutas Na Panlaban Sa FLU

Nakararanas ka ba ng mga sintomas ng trangkaso o flu? Kung oo, dapat ay bumuti ang kalagayan ng iyong immune system sa pamamagitan ng mga masusustansyang pagkain. Ito ang ilan sa mga prutas na maiging panlaban sa FLU Mansanas Ang prutas na ito ay mayaman sa antioxidant. Bukod pa roon, mayroon din itong flavonoid compounds na nakatutulong makaiwas sa heart disease pati na rin ang cancer. Kaya’t ugaliin ang pagkain ng mansanas kung nais mong madaling maka-recover sa trangkaso. Papaya Ang papaya ay mayaman sa beta-carotene, vitamin C and E, na tumutulong  makabawas sa inflammation at pati na rin sa mga sintomas ng flu. Saging Isa pa sa mabisang panlaban sa flu ay ang saging. Mayroon itong Vitamin B6 na kayang pahupain ang sintomas ng depresyon, stress, at insomnia. Nakakatulong din ito para palakasin ang enerhiya. Mayaman din ang saging sa magnesium na malaking tulong sa pagpapatibay ng buto. Ang saging ay mayaman din sa potassium na tumutulong upang makaiwa...

Mabuting Dulot Ng Honey Lemon Juice

Isang masarap at masustansyang inumin ang kombinasyon ng honey at lemon juice.  Lalo’t makakapagbigay ito ng mabuting dulot sa iyong kalusugan kung magiging regular ang pag-inom mo nito. Ito ang ilan sa mga mabubuting dulot ng Honey Lemon Juice : Pampapayat Maaari kang magdagdag ng ilang patak ng honey sa isang baso ng maligamgam na lemonada. Bukod sa magandang pampapayat, ang inuming din na ito ay mayaman sa citric acid and antioxidant. Pwede mo itong inumin bago o pagkatapos mong kumain. Lunas sa indigestion  Ang kombinasyon ng maligamgam na tubig, lemon juice at honey ay nakakapaglinis ng toxins sa katawan at mabisa ring pampaganda ng kutis. Malaking tulong para makaiwas sa Kidney Stone  Ang pagpipigil ng ihi, ang madalang na pag-inom ng tubig at labis na calcium sa katawan ay ilan sa mga dahilan ng kidney stone. Kung nais mong makaiwas sa ganitong uri ng karamdaman ay mabisa ang kombinasyon ng lemon juice at honey. Nakatutulong ito p...

Kaalaman Tungkol Sa Takot (FEAR)

Ayon sa pag aaral ang tao ay may kakayahan na makaamoy ng takot o panganib. Sa pagdaragdag, ang amoy ng takot ay nakakaapekto din sa  emosyon ng ibang tao. Sa pag aaral na ito ay sumasalungat sa paniniwala na sa pagsasalita at sa nakikita lamang ang basihan ng komunikasyon ng tao sabe ni Gun Semin at ang kasamahan nya sa Utrecht sa Netherland. Ayon sa Psychological Science, ang mga nagsusuri ay nag eksperimento ng 10 lalake kung ang kanilang kili-kili ay nababasa kapag sila ay nanunuod ng mga nakakatakot na palabas o mga kalokohan na napapanood sa mga telebisyon. Nagsaliksik din sila ng 36 na babae na nakipagkita sa 10 kalalakihan. Sa hindi inaasahang pangyayari naamoy ng mga kababaihang ito ang pawis ng mga lalake. Ang mga nanaliksik ay napuna din ang paggalaw ng kanilang mga mata. Doon nila nalaman na kapag ang babae ay nakaamoy ng pawis dahil sa takot ng mga lalake, ang kanilang mata ang nagsasabe ng kanilang ekspresyon tulad ng takot. Gayunpaman, marami na din ...

Mabuting Dulot Ng Black Tea

Maraming tao ang nag kukumpara sa kakayanan ng black tea at ng green tea. Ayon sa pag aaral, ang mga tao na may type 2 diabetes ay mababa ang bilang sa mga syudad na umiinom ng black tea. Ang pagsusuri na ito ay sumusuporta sa dating pag aaral na ang black tea ay nakakapag pababa ng risk na ang tao ay magkaroon ng sakit na diabetes. Ang Ireland ang nakapagtala na pinaka gumagamit ng black tea(mahigit sa 1.8kg kada taon ang nagagamit bawat tao), sumunod dito ang UK at Turkey. Ang mga bansa naman na madalang gumamit nito ay ang  South Korea, Brazil, China, Morocco at Mexico. Ang resulta sa pagsusuri, ang mga bansa na laging gumagamit ng black tea ay pinakamababa sa mga bilang ng may sakit na diabetes. Ang black tea ay naglalaman ng flavonoid complex na nagdudulot ng mabuti sa katawan ng tao. Ayon sa International Diabetes Federation, ang bilang ng mayroong type 2 diabetes ay 285 million noong 2010 at inaasahang magiging 438 million sa 2020. Source: medicmagic.net

Mabuting Dulot Ng White Tea

Madalas nating marinig ang benepisyong hatid ng chamomile tea, black tea at ng green tea. Pero narinig ninyo na ba ang tungkol sa white tea? Sa ngayon popular ang white tea sa North America. Sa katotohanan dilaw ang kulay ng white tea. Ang white tea ay kailangang ng special na paraan ng paghahanda. Ang tsaa na ito ay hindi fermented at hindi rin brewed gaya ng ibang tsaa. Mas maigi kasing ibinibilad ito sa tindi ng sikat ng araw. Pinaniniwalaang mayroong maselan na aroma at fruit flavor ang tsaa na ito. Ang tsaa na ito ay nangaling sa Fijuan,China na na-develop simula nung 1700s. Taong 2000 , nang matapos ang pagsasaliksik sa tsaa na ito at nagging popular nga sa western countries. Ayon sa pag-uulat ng Times of India. Dahil sa taas ng level ng anti-oxidants, ang white tea ay kilalang lunas at prevention sa cancer, pagpapababa ng cholesterol  at blood pressure. Pinoprotektahan din nito ang puso. Hindi lang iyon, pinatitibay din nito ang ating buto, pagpapaganda ng kut...