Isang masarap at masustansyang inumin ang kombinasyon ng honey at lemon juice. Lalo’t makakapagbigay ito ng mabuting dulot sa iyong kalusugan kung magiging regular ang pag-inom mo nito. Ito ang ilan sa mga mabubuting dulot ng Honey Lemon Juice:
Pampapayat
Maaari kang magdagdag ng ilang patak ng honey sa
isang baso ng maligamgam na lemonada. Bukod sa magandang pampapayat, ang
inuming din na ito ay mayaman sa citric acid and antioxidant. Pwede mo itong
inumin bago o pagkatapos mong kumain.
Lunas sa indigestion
Ang kombinasyon ng maligamgam na
tubig, lemon juice at honey ay nakakapaglinis ng toxins sa katawan at mabisa
ring pampaganda ng kutis.
Malaking tulong para makaiwas sa Kidney Stone
Ang
pagpipigil ng ihi, ang madalang na pag-inom ng tubig at labis na calcium sa
katawan ay ilan sa mga dahilan ng kidney stone. Kung nais mong makaiwas sa
ganitong uri ng karamdaman ay mabisa ang kombinasyon ng lemon juice at honey.
Nakatutulong ito para alisin ang mga labis na calcium sa loob ng katawan at sa
dugo.
Lunas sa sore throat
Nakararanas ng pangangati ng lalamunan
ang isang taong may sore throat. Para maibsan ito ay maghalo ng isang patak ng
honey sa isang baso ng maligamgam na lemon juice. Ang honey ay may anti-bacterial
property na nakakapuksa ng bakterya at germs na nakakapagdulot ng sakit sa
lalamunan. Nakatutulong din ang maligamgam na tubig sa paglilinis ng
lalalamunan pati na sa pagbukas ng ,mucus gland.
Makakaiwas sa colon cancer
Ang honey ay may antioxidant na
sumusugpo sa pagbuo ng mga tumor. Ang masustansyang inumin na ito ay tulong din
upang makaiwas sa banta ng colon cancer.
Iyan ang ilan sa mga mabuting dulot ng tubig, honey at ng
lemon. Bukod sa masarap na, epektibo’t kaya pa ng bulsa.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment