Skip to main content

Mga Patok At Murang Giveaways Ngayong Christmas


It's christmas time! Ang bilis talaga ng panahon. Ngayon nga'y aligaga na sa pagpunta sa Divisoria ang ilan sa atin para makabili ng patok at murang regalo o mga pang-giveaways para sa kanilang mga inaanak, kaibigan, kakilala, mga suki sa kanilang negosyo at kung sino-sino pa.

Mura nga naman kasi sa Divisoria kung ikaw ay kukuha ng bulto-bultong pang-regalo. Pero kung hindi mo naman trip ang makipagsiksikan sa Divisoria ay pwede mo rin namang ikonsidera ang ilan sa mga itong pwede rin namang pang-giveaways ngayong nalalapit na pasko o kahit pa sa iba pang okasyon. Ang mga giveaways na ito ay maaari mong mabili sa aming print and personalized shop. Siguro'y isa nga rin itong uri ng promosyon para sa aming negosyo pero sa kabilang banda ay isa rin itong pagbabahagi ng Tips para sa mga mamimili na gaya mo.



Personalized Keychain 

Ang keychain na nagkakahalaga lamang ng 13 pesos per piraso ay magandang giveaways lalo't kung maliit lamang ang budget mo para sa mga panregalo. Ang keychain namin ay pwede mong lagyan ng litrato sa loob. May iba't-ibang sukat din ito gaya ng korteng t-shirt, square, tv, rectangle atbp.


Personalized Mugs Sports Jugs and Tumblers

Gaya ng keychain, ang  tumblers namin ay pwedeng lagyan ng litrato sa loob habang ang mugs naman ay pwedeng imprentahan ng kahit anong uri ng disenyo. Ang tumblers namin ay nagkakahalaga lang ng 90 pesos per piraso. Mayroon naman kaming tatlong uri ng mug, ang white coated mug ( 65 pesos), ang inner mug (75 pesos) at magic mug (150 pesos). Ang sports jug namin na patok na ipang-regalo sa mga nagbibisekleta o motor ay nagkakahalaga lamang ng 120 pesos.


Round Fan

Sa halagang 20 pesos per piraso ay mayroon ka nang round fan kasama ng imprenta sa kahit anong uri at kulay ng disensyo. Ang round fan na ito ay natutupi at may kasama pang lalagyan.

Eco Bag

Ang Eco Bag namin ay naglalaro sa 20-40 pesos per piraso. Bultuhan ang order ng Eco Bag. Sa presyong nabanggit ay kasama na ang imprenta ng inyong disenyo. Silkscreen ang gamit namin sa pag-imprenta.


Snap on Button Pin

Tulad ng keychain ay sa loob ng button pin ay pwede mong ilagay ang iyong disenyo o litrato. Sa halagang 20 pesos ay mayroon ka na nito.


Personalized T shirts and Varsity Jacket

Bukod sa mga nabanggit ay mayroon din kaming Personalized T Shirt at Varsity Jacket printing na tiyak kong patok na giveaways din ngayong christmas. Gumagamit kami ng heat press machine at screen printing para sa pag-iimprenta. Ang halaga ng bawat isa ay dumedepende sa dami ng kulay ng disenyo, dami ng order at sukat ng t shirt. Naglalaro ang halaga sa 25-80 pesos para sa imprenta at ang round neck shirt namin ay 100 piso lamang. Habang ang halaga naman ng aming varsity jacket ay 350 pesos lamang.

O ano? Makikipagsiksikan ka pa ba sa Divisoria kung mayroon namang iba pa na pwedeng bilhan ng mga patok at murang giveaways gaya ng shop namin. Kagandahan pa nito ay pwede mong mabili ang mga nabanggit na giveaways na hindi na kinakailangan pang umalis ng iyong bahay dahil sa aming Hassle Free Online Transaction kung saan sa pamamagitan ng G Cash ay pwede mo ng ipadal ang iyong bayad at sa pamamagitan naman ng LBC ay maaari nang ma-ship ang iyong order kahit saan ka pa sa Pilipinas. Bisitahin mo aming facebook account para sa iba pang detalye. fb.com/monsterprintb2

Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Seafood Allergy- Tips Kung Anong Dapat Gawin

Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies. Seafood Allergy -Tips On What to Do? Marami sa atin ang nagkaka-allergy sa seafood (shrimp,talaba,lobster,scallops,clams,crabs,squid) subalit, mas marami ang sa shrimp (hipon) at sinasabi na 40% ay may fish allergy (salmon,tuna) at 60% naman ay seafood allergy na nagsisimula sa adulthood. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa ilang muscle protein (tropomycin) na nasa seafood ay posibleng magdulot ng  "anaphylactic shock" kung saan ay biglang  baba ng blood pressure, namamanhid ang dibdib hanggang leeg, namamaga ang lalamunan at dah...