Ayon sa pag aaral ang tao ay may kakayahan na makaamoy ng takot o panganib. Sa pagdaragdag, ang amoy ng takot ay nakakaapekto din sa emosyon ng ibang tao.
Sa pag aaral na ito ay sumasalungat sa paniniwala na sa pagsasalita
at sa nakikita lamang ang basihan ng komunikasyon ng tao sabe ni Gun Semin at
ang kasamahan nya sa Utrecht sa Netherland.
Ayon sa Psychological Science, ang mga nagsusuri ay nag
eksperimento ng 10 lalake kung ang kanilang kili-kili ay nababasa kapag sila ay
nanunuod ng mga nakakatakot na palabas o mga kalokohan na napapanood sa mga
telebisyon.
Nagsaliksik din sila ng 36 na babae na nakipagkita sa 10
kalalakihan. Sa hindi inaasahang pangyayari naamoy ng mga kababaihang ito ang
pawis ng mga lalake. Ang mga nanaliksik ay napuna din ang paggalaw ng kanilang
mga mata. Doon nila nalaman na kapag ang babae ay nakaamoy ng pawis dahil sa
takot ng mga lalake, ang kanilang mata ang nagsasabe ng kanilang ekspresyon
tulad ng takot.
Gayunpaman, marami na din ang nagsaliksik ukol dito. Noong
2008, nagkaroon ng pagaaral na ang pawis na nilalabas ng katawan ng tao ay
nababatid ng iba sa pamamagitan ng pang amoy na nag reresulta sa parehas na
emosyon ng tao
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment