Skip to main content

Posts

Showing posts from 2016

NWorld: Negosyong Beauty Products Sa Mababang Puhunan

Marahil narinig mo na ang NLighten o Nhance mula sa kompanyang NWorld. Paano kasi, yung kapitbahay mo yan ang beauty products na gamit niya kaya blooming siya. Usong-uso kasi sa mga mahilig magpaganda ang mabisang produkto ng NWorld. Kaya't marami sa ating mga kababayan, mapababae man o lalake ay na-eenganyong gumamit ng mga produkto ng NWorld. Ito ang mga produkto ng NWorld:  1. Nlighten Kojic Papaya with Glutathione - mabisang pampakinis ng kutis sa mukha at katawan. Nakakaputi pati.   2. NLighten Premium Soap - mabisang anti-aging soap naman ito kung nais mong mapanatiling masigla ang iyong kutis.  3. NLighten Underarm Cream - may kilala ka bang maitim ang kili-kili, ito na ang hinihintay niyang lunas. Instant whitening ito kaya best seller.  4. NLighten Cloud cream - anti-aging cream din ang isang ito para mas hindi tinging tuyot ang balat mo.   5. NLighten Body Cream - instant na kaputian ba kamo ? Ito na ang solusyon, walang duda...

Slimina Weight Loss Capsule: Epektibong Pampapayat

Narito ka upang malaman mo kung ano nga bang weight loss capsule ang epektibong pampapayat. Alamin ang tungkol sa Slimina . Ang Slimina ay isang uri ng pampapayat para sa mga lalake at babae. Pinabibilis nito ang iyong metabolism bilang isang appetite suppressant na mabisa at walang negatibong epekto sa iyong katawan. Sa pag-inom nito, mabilis mong masusunog ang iyong taba, isang mabisang solusyon para pumayat ka. Hindi rin tulad ng ibang weight loss capsule ang Slimina dahil hindi ka nito papagurin para lang maka-burn ng calories bagkus kino-convert nito ang iyong fats para maging energy na dahilan naman upang maging aktibo ang iyong katawan sa paggawa ng iyong pang-araw-araw na aktibidad. Bukod pa riyan, ang Slimina ay hindi lang pampapayat, ito rin ay mabisa sa paglaban sa skin ageing at pagpuksa sa mga free radicals. Ito ang mga sangkap ng Slimina Weight Loss Capsule: Cassia Seed Extracts - upang itama ang iyong kolesterol. - pampabili ng metabolismo - pagpapa...

Green Tea: 13 Dahilan Bakit Mabuti Ito Sa Katawan

--> Paborito ng marami ang pag-inom ng tsaa, isa na rito ang green tea. Masarap kasing uminom ng tsaa kapag nag-re-relax sa hapon. At alam ninyo bang hindi lang basta masarap uminom ng tsaa, marami din itong naibibigay na mabuti sa ating katawan. Ito ang 13 Dahilan bakit kailangan mong uminom ng green tea: 1. Nakakapagpababa ng timbang o nakakapagpanatili ito ng normal na bigat ng iyong katawan. 2. Pinabababa nito ang iyong blood sugar levels. 3. Pinapabuti nito ang kalusugan ng iyong utak. 4. Pinabababa nito ang iyong cholesterol level. 5. Makakaiwas ka sa cancer. 6. Makakatulong para maging normal ang iyong blood pressure. 7. Makakaiwas ka sa pagkasira ng iyong ngipin. 8. Makakaiwas ka sa sakit sa puso. 9. Magiging maganda ang iyong kutis. 10. Nilalabanan nito ang aging. 11. Pinapatibay nito ang iyong buto. 12. Nilalabanan nito ang depresyon. 13. Isa rin itong anti-viral at anti-bacterial agent. Inom na ng green tea . -->

Pineapple: Prutas Na Masarap Na Healthy Pa

Napakasarap na prutas ng pinya (pineapple) , at hindi lang ito basta masarap, marami ring mga health benefits na makukuha dito. Alamin. 1. Mayaman ang pinya sa Vitamin C. 2. Isa itong anti-inflammatory 3. Pinapalakas nito ang ating immune system 4. Mataas din ito sa manganese. 5. Pinapatibay nito ang ating mga buto. 6. Tumutulong ito para maging malusog ang ating gums o gilagid. 7. Tumutulong kapag nakaranas ng constipation 8. Isang natural diuretic. 9. Mayaman sa Vitamin A at beta-carotine. 10. Mababa lamang ang calories nito. 11. Pinabababa nito ang tsansa na magkaroon ng macular degeneration 12. Makakaiwas sa sintomas ng arthritis 13. Makakaiwas sa ubo at sipon. 14. Tumutulong sa pagiging normal ng blood pressure. 15. Iwas nausea. 16. Mayroon itong bromelain na mayroong protein-digesting properties. 17. Isa din itong natural detoxifier. Ang daming tulong sa atin ng pinya, hindi ba. At may iba't-ibang paraan naman para ma-enjoy ang pagkain ng pinya. Pwede mo...

Protein: Mahalaga Sa Ating Buhok

Alam ninyo bang ang protina na nakukuha natin sa mga pagkain ay nakakatulong para maiwasan ang pagkapanot. Ang protein kasi ay importante para sa produksyon ng cell sa ating katawan. Ang tamang galaw ng ating katawan ay dumedepende sa protina. Sa ating buhok, halimbawa na, ang protein ay nakakatulong para maging malusog ito. Ang protein ay mayroong amino acid at polypeptide na bumubuo sa keratin . Kaya't kung mataas ang keratin, magiging malago ang ating buhok. Pero paalala na ang keratin treatment ay kinakailangang isagawa ng isang hair professional dahil may mga kemikal ito na maaari namang maging sanhi ng skin irritation at watery eyes. Sa ilang kaso, pwede rin itong makapagdulot ng ilang allergic reactions gaya ng pagkakaroon ng rashes. Ipinagbabawal din ang keratin treatment sa mga buntis dahil kinakailangan nito ng special sulphate na may masamang epekto sa mga sangol. Mayroon din itong formaldehyde, isang importanteng kemikal na ginagamit naman sa pagmamanufacture ...

Pakwan: Prutas Na Gamot Sa Chicken Pox

Mainam na kumaen ng pakwan kung ikaw ay may bulutong o chicken pox. Nakakapagpalakas kasi ng ating immune system ang katas nito at pinapalamig din nito ang temperatura ng isang taong may chicken pox. Ang pag-inom ng sariwang watermelon juice kapag ikaw ay infected ng varizella-zoster virus (VZV) ay mabuti sa iyong katawan para mabilis na mamatay ang impeksyon. Tandaan na ang bulutong ay walang pinipiling edad. Mas madali namang dapuan ng sakit na ito ang mga bata dahil mahina ang kanilang immunity sa sakit. Pati na rin ang mga buntis ay madaling mahawaan ng sakit na ito. Pero bakit nga ba ang pakwan ay maaring matawag na prutas na gamot sa chicken pox? Ito ang mga dahilan: 1. Ang pakwan ay nagpapalakas ng immune system ng mga taong may bulutong. Ang enerhiya na nakukuha sa nutrients nito ay maigi para lumakas kahit papaano ang taong may bulutong. 2. Ang katas ng pakwan ay mayroong anti-bacterial content na pumupuksa sa mabilis na pagkalat ng virus sa katawan ng may buluto...

Coffee: May Side Effects Sa Mga Lalaki

Isang sikat na inumin ang kape (coffee) at marami sa atin ang umiinom nito sa pagkagising sa umaga. Mayroon kasi itong caffeine na nakakapagpataas ng ating adrenaline, dahilan upang tayo ay maging alerto at maliksi. Sa kabilang banda, may side effects din ang pag-inom ng kape kung mapaparami ang pagkonsumo lalo na sa mga lalaki. Ito ang mga side effects: 1. Ang dami ng bilang ng compound tulad ng caffeine at acid content sa coffee bean ay nakapagdudulot ng pagka-irita sa tiyan. Maaaring makaranas ng diarrhea, hirap sa pagdumi, tibe at paghapdi nito. 2. Ang  pag-inom ng kape ay kayang makapag-stimulate ng tinatawag na peristalsis na siyang nagiging sanhi upang mabilis na makapasok ang kinonsumong pagkaen sa ating small intestine nang hindi masyadong na-absorb ito. 3. Maaring makaranas ng kakulangan sa mineral ang ating katawan sa dahilan na ang kape ay nakakaapekto sa ating bato sa kakayahan nitong makapagprodyus ng calcium, zinc at magnesium. 4. Ang pag-inom ng ...

Tips Sa Pagbili ng Laptop

Ito ang mga dapat na ikonsidera bago ka bumili ng laptop. Marami sa atin ang nagtatanong kung anong laptop ba ang dapat na bilhin nila. At ang kadalasan nating sagot ay depende iyon sa kanilang gusto. May iba't-ibang uri kasi ng laptop, iba't-iba ang kategorya at specification, iba't-iba rin ang mga brand at presyo. Magkagayon pwede naman natin silang payuhan kung ano ang mga bagay na dapat isipin muna sa pagbili ng laptop. Ito ang sampu sa mga iyon: 1. Kung mahalaga sa iyo ang portability, maaring ikonsidera ang notebook na maliit lamang ang screen at magaang dalhin. Kung may budget ka, pwede mong subukan ang mga ultrabook dahil ang mga ito ay dinisenyo na maliit at magaan. Bukod pa riya, pwede kang maghanap ng laptop na may sukat na 12.5 hanggang 13.3 inches at gaan na mayroong 1 - 1.5 kg. 2. Halos araw-araw nakatutok ang iyong mga mata sa screen ng iyong laptop. Kaya't mahalagang ikonsidera din ito dahil kailangan na komportable ang mata mo sa paggamit n...

NuWhite Glutathione: Epektibong Pampaputi Ng Kutis

Marami sa atin ang nais na pumuti, pero ano nga bang epektibong health supplement na pwedeng inumin para mangyari ito? Isa ang NuWhite Glutathione na pinagkakatiwalaang produkto ng mga gustong magkaroon ng maputing kutis. Sa loob lamang ng 28 days ay makikita mo na ang positibong pagbabagong kulay ng iyong balat. Ano ang meron sa produktong ito na wala sa iba? Bakit nga ba ito masasabing mabisa sa pagpapaputi ng balat? Dapat mong malaman na ang NuWhite Glutathione ay may anim na powerful extracts na makapagbibigay ng intense skin whitening. Ang anim na ito ay ang mga sumusunod: 1. Glutathione 700 mg - isang mabisang antioxidant na tumutulong labanan ang mga free radicals. Nagagawa nitong kontrolin ang skin pigmentation kung kaya't nakapagdudulot ito kaputian sa iyong balat. 2. Collagen 250 mg - nilalabanan naman nito ang skin-aging. At pinapanitiling healthy and glowing ang iyong balat. 3. Placenta 300 mg - ito ang pinagkukunan ng natural at potent amino acid na ma...

Dishwashing Liquid Business Paano Ba?

Para sa mga ginang na naghahanap ng pagkakakitaan. Subukan ang negosyo na pagbebenta ng dishwashing liquid, fabricon, detergent at iba pang uri ng sabong panlinis. Sa murang puhunan ay maaari ka nang makapagsimula. Hindi mahirap simulan ito para sa mga ginang na likas na magiliw sa pagbebenta. Patok na negosyo ito kung marami kang kilalang kapitbahay o kaibigan na pwede mong pagbentahan. Mas mapapadali naman ang pagbebenta kung may sarili kang pwesto kahit maliit lamang. Paano Ba Magsimula? Una na, mahalaga sa negosyong ito ay ang pagkukunan ng may kalidad na produkto na may murang wholesale price. Kumontak ng supplier na malapit sa iyo o madali mong pagkukunan ng supply. Halimbawa, kung nasa Cavite area ka, maaari mong i-email ang iyong contact number sa tipsnikatoto@gmail.com para maipaabot namin sa supplier dito sa Cavite ang iyong interes sa ganitong negosyo. Ang order ay pwedeng i-pick up sa store o i-deliver sa aming piling pick up points ( Malls within Imus, Dasm...

5 Maling Paniniwala Tungkol Sa Yoga

Alam ng karamihan sa atin na ang yoga ay nakatutulong sa paglaban sa stress, pagod at matinding sakit ng ulo. Bukod pa riyan, may paniniwala rin na ang yoga ay nakakatulong upang maging matalino ang isang tao. Pero may ilan sa atin na hindi pa rin alam ang magandang dulot ng yoga. Ang ilan sa kanila, mali ang paniniwala tungkol rito tulad ng mga sumusunod 1. Maling paniwalaan na kailangan na sexy ka o payat ka para makapag-yoga. Pinaliwanag ni Vyda Bielkus, isang yoga instructor sa Boston's Health Yoga Life na isang alibi lang o excuse ang pagsasabing kailangan mo ngang maging ganun para makapag-yoga. Kahit pa hindi perpekto ang hubog ng iyong katawan ay matututunan mo pa rin ang mga teknik ng yoga at madali mo itong maisasagawa lalo't kung regular mo itong gagawin bilang isang mainam na ehersisyo. Sa maikling panahon, magugulat ka na lang na kaya mo na palang abutin ang iyong hinlalaki sa paa ng walang kahirap-hirap. Ang mahalaga lamang ay sumunod sa panuto ng instructo...

Paano Simulan Ang Piso Print Business?

Isa sa mga matagumpay na negosyo ang Piso Print . Kaya naman marami sa atin ang nahihikayat simulan ang ganitong negosyo. Pero paano nga ba simulan ito? Ano ang kailangang gawin? Saan makakabili ng mga kinakailangang supply? Magkano ang puhunan? At higit sa lahat, magkano ang pwedeng kitain. Paano Simulan Una sa lahat, dapat pakatandaan na ang pagnenegosyo ay kinakailangan ng dedikasyon at talento. Mahalagang may kaunti ka na ring kaalaman bago mo pasukin ito. Pero di rin naman hadlang ang kakulangan sa ideya para gawin ito. Kung hilig mo o gusto mo o handa kang matuto ay maaari kang maging matagumpay sa Piso Print. Ilan sa mga dapat mong aralin ay ang paggamit ng Adobe Photoshop MS office, at iba pang software na mahalagang ginagamit sa Piso Print. Kinakailangan mo rin lagyan ng Piso Print Action ang iyong adobe Photoshop. I-email ang tipsnikatoto@gmail.com para makabili nito. Pangalawa, bumili ng mga printer na may kalidad. Rekomendado namin ang epson printers, parti...

PAGIBIG House Loan: Murang Pabahay Sa Cavite Paano Ba?

Sa loob ng tahanan binubuo mo ang iyong pangarap at ang pangarap mong magkaroon ng sarili mong bahay ang isa sa mga iyon. Pero madali nga bang proseso ang magkabahay gamit ang PAGIBIG house loan? Yan ang tanong ng marami sa atin. Hindi naman mahirap na proseso ang magkabahay gamit ang PAGIBIG membership . Ngunit mas maigi na habang nasa edad 25-30 ka ay magsimula ka nang mag-invest para sa sarili mong bahay. Ilan sa mga dapat na ikonsidera bago magpasyang magkabahay ay ang mga sumusunod: 1. Kaya ba ng bulsa. Ang iyong sahod buwan buwan ay ang magiging basehan ng PAGIBIG kung kaya mo bang bigyang budget ang iyong house loan. Depende sa laki ng sahod at sa laki ng membership contribution ay kinakalkula ng PAGIBIG kung  magkanong halaga ba ng bahay ang kaya nilang  i-aprub para sa iyo. Halimbawa lamang, kung kumikita ka ng 14,000 K a month at may contribution kang nasa halagang 360 a month ay kaya mong magkabahay ng halagang higit kumulang 500 K. 2. Lokasyon. Ang bahay ba...

Home-based ESL Teaching Jobs: Pwede Kang Kumita Ng Higit 30K Pesos kada Buwan

Sawa ka na ba sa call center? Nakakapagod na ba ang stress na dulot sa iyo ng gabi-gabing sermon sa iyo ng mga nangigilaiting customer? O isa ka bang guro na naliliitan sa iyong sahod at naghahanap ng part-time teaching job? O di kaya nama'y isang college student na kinakailangan ng pera upang matustusan ang iyong pag-aaral?  Bakit di mo subukan ang ibang karera. Kung magaling ka naman sa English, pwedeng-pwede kang maging isang Home-based ESL teacher.  Alam mo bang pwede kang kumita ng higit kumulang 30,000 pesos o higit pa kada buwan kahit nasa bahay ka lang? Walang halong pambobola, basta magaling ka sa salitang ingles at may abilidad kang magturo online ay pwede mong subukan ang home-based teaching jobs.  Ang Home-based teaching jobs ay matagal ng uri ng trabaho sa ating bansa. Marami nang kumpanya noon pa man na nag-ha-hire ng mga English teachers para magturo sa ibang lahi tulad ng mga Koreano, Hapon at Instik.  Maganda sa trabahong ito ay ...

Aloe Vera at Ang Mga Mabuting Benepisyo Nito Sa Ating Kalusugan

Isa ang Aloe Vera sa mga halamang gamot na may hatid na benepisyo sa ating kalusugan. Hindi lingid sa ating kaalaman na madalas nating gamitin ito upang kumintab o palaguin ang ating buhok pati na rin ang lunasan ang iba't ibang problema sa ating balat. Pero alam ninyo bang hindi lamang ang mga ito ang mga mabuting benepisyong makukuha sa Aloe Vera? Ito ang ilan sa mga iyon: 1. Paglilinis ng ating kamay. Importante sa atin na malinis ang ating kamay at malaking tulong ang aloe vera para rito. Maaari kang gumawa ng isang mixture mula sa mga pinaghalong aloe vera gel ( half cup), alcohol ( half cup), at ilang patak ng iyong paboritong essential oil. Ang mixture na ito ay hindi upang luminis lang ang iyong kamay, makakatulong din ito upang maging malambot at mabango ang mga ito. 2. Mas mainam na gumamit ng aloe vera bilang isang shaving gel. Opo, mayroon kasing anti-inflammatory properties ang aloe vera kumpara sa mga shaving gel na nabibili sa market na puno ng mga kemikal. At ...

Tips Para Malaman Kung One-Sided Love Yan

Ang saya kapag kasama mo siya, hindi ba? Gusto mo siyang laging nakikita? At kung hindi naman posible, gusto mong lagi siyang ka-fb, ka-text o ka-viber. Sarap magmahal ano? Pero kahit itanggi mo sa sarili mo, kahit pilit mong pagtakpan, minsan naiiyak ka na lang mag-isa sa kwarto mo kasi kahit pilitin mong lokohin ang sarili mo, isa lang ang sinasabi ng mga kaibigan mo sa iyo. Ay, one-side love lang yan. Paano nga ba malaman kung na-one-side love ka? Handa ka ba sa mababasa mo? Kung hindi pa, okay lang. Kung kaya mo pang gawing tanga ang sarili ,oks lang yan. Masaya ka pa naman eh. Pero kung hindi na, o siya, mabuti pang masiguro mong talagang ikaw lang ang nagmamahal sa taong akala mo ay mahal ka.  IKAW PALAGI ANG UNA Hindi dahil no. 1 ka sa puso nya, ang ibig kong sabihin, ikaw ang palaging unang mag te text, ikaw palagi ang unang maglalambing, ikaw palagi ang unang susuyo, ikaw palagi ang unang mag so-sori kahit mali pa niya. In short, ikaw nga lahat.  Pi...

Tips Para Maiwasan Ang Dengue Ngayong Tag-ulan

Tag-ulan na naman, kaya't uso na naman ang dengue. Ito ang mga tips at dapat gawin para makaiwas sa Dengue. 1. Palitan ang tubig sa flower vase minsan sa isang linggo. 2. Linisin ang mga alulod dahil maaari itong maipunan ng maduming tubig na pinaglalagian ng mga lamok. 3. Itabi ang mga bagay na maaaring maipunan ng tubig tulad ng bote, lata at tansan. 4. Alisin ang tubig sa pamingalan at sahuran ng tubig sa ilalim ng refrigerator. 5. Laging takpan ang mga balde at mga drum na pinag-iipunan ng tubig. 6. Magsuot ng damit na mahaba na magbibigay proteksyon sa inyong mga braso at binti. 7. Gumamit ng Citronella-based repellents. 8. Umiwas sa mga aktibidad sa labas lalo't sa hapon na maulan. 9. Huwag gumamit  ng matatapang na amoy ng pabango. 10. Gumamit ng aerosol sa umaga para makaiwas sa kagat ng lamok. Ito naman ang ilan sa mga sintomas ng dengue. Kung makaranas ka ng mga ganitong sintomas ay mas makabubuting magtungo na agad sa iyong doktor o sa malapit n...

Patok Na Homebased Job Para Sa Mga English Teacher

Hindi ba sapat ang iyong kita bilang isang guro? O nais mo ng panibagong mapagkakakitaan bilang isang English Teacher? Ito ang isa sa mga patok na homebased job para sa iyo katoto. Apply na sa 51Talk, ang no. 1 Online ESL company sa Pinas. Ano ang mga kailangan 1. Bihasa sa pagsasalita ng English. 2. Kapasidad na makapagturo sa mga Chinese students. 3. Sapat na bilis ng internet  ( 3mbps up ) (LAN connected only ) 4. Laptop o computer with webcam. 5. At sapat na oras na makapagturo sa gabi mula alas-syete hanggang alas-dose. Madali lang ang trabaho kung ikaw ay mayroon ng experience sa pagtuturo. At ang kagandahan pa nito, sa bahay mo lang ito gagawin dahil lahat ng transaksyon ay online. Naka-monitor ang iyong ginagawa para sa kalidad ng iyong pagtuturo at real-time mo ring makikita ang iyong kinikita araw-araw. Kung isa kang masipag na guro na gustong kumita ng part-time ay maaari kang kumita ng 15K sa isang buwan! Opo, PART-TIME! At kung full time naman ay ...