ShareThis

Monday, June 27, 2016

Coffee: May Side Effects Sa Mga Lalaki

Isang sikat na inumin ang kape (coffee) at marami sa atin ang umiinom nito sa pagkagising sa umaga. Mayroon kasi itong caffeine na nakakapagpataas ng ating adrenaline, dahilan upang tayo ay maging alerto at maliksi.


Sa kabilang banda, may side effects din ang pag-inom ng kape kung mapaparami ang pagkonsumo lalo na sa mga lalaki.

Ito ang mga side effects:

1. Ang dami ng bilang ng compound tulad ng caffeine at acid content sa coffee bean ay nakapagdudulot ng pagka-irita sa tiyan. Maaaring makaranas ng diarrhea, hirap sa pagdumi, tibe at paghapdi nito.

2. Ang  pag-inom ng kape ay kayang makapag-stimulate ng tinatawag na peristalsis na siyang nagiging sanhi upang mabilis na makapasok ang kinonsumong pagkaen sa ating small intestine nang hindi masyadong na-absorb ito.

3. Maaring makaranas ng kakulangan sa mineral ang ating katawan sa dahilan na ang kape ay nakakaapekto sa ating bato sa kakayahan nitong makapagprodyus ng calcium, zinc at magnesium.

4. Ang pag-inom ng kape sa umaga ng walang laman ang tiyan ay maaaring maging sanhi ng acid reflux. Ang inumin kasi na ito ay nakakapagpataas ng produksyon ng hydrochloric o stomach acid.

5. Ang mga compound na mayroon ang kape ay nakakapagpataas sa produksyon ng cortisol, epinephrine, at norepinephrine hormones. Ang mga hormones na ito ang dahilan kung bakit nagiging alerto ka sa lahat ng oras. Kung magkagayon, kapag napasobra ang katawan mo sa pagkonsumo ng kape ay hindi mo mabibigyan ng tamang oras ang iyong katawan na makapagpahinga na maaaring makapagdulot ng physical stress.

Hindi masama ang pag-inom ng kape basta't huwag lamang sosobra upang makaiwas sa side effects ng kape lalo na sa mga lalaki. source: bolsky, medicmagic 

0 comments:

Post a Comment