Marami ka bang inaanak na dapat ay regaluhan ngayong pasko? Ito ang tips para sa hassle-free na X-mas Shopping.
- Gumawa ng listahan. Makatutulong ang paggawa ng listahan ng mga dapat regaluhan ngayong pasko. Ilista sa isang papel ang mga pangalan nila. I-categorize mo para mas mainam. Listahan ng kamag-anak, inaaanak,kaibigan, kapamilya etc. Mas maigi rin kung ilalagay mo ang item na iyung ireregalo at ang budget mo para sa mga ito pati na kung saan mo ito bibilhin. Remember to stick with your budget, dalhin lang ang saktong pera na nakalaan para sa mga ito para hindi ka ma-carried away sa pamimili at gumastos ng higit sa budget na inilaan mo para sa mga reregaluhan.
- Take advantage of the Mall Promos and Sale. Hindi lang sa divisoria mura ang mga item. Maging sa mga boutique nang mall din. Kesa makipagsisiksikan sa tiangge ay mas mainam na maglibot libot sa mall lalo na't may sale o mga promos. Mas me kalidad pa ang iyung mabibili at kung minsan ay mas mura pa kesa makipag-tawaran sa Divisoria o Baclaran.
- Bumili ng Wholesale. Kung magreregalo sa isang grupo, mas maigi ang wholesale kesa bumili ng iba-iba pang item. Hindi ka lang makakatipid sa oras, pati na sa pera dahil mas mura mong mabibili ang mga ito.
- Humingi ng Wishlist. Tanggapin mo na ang ilan sa iyung mga reregaluhan ay mapili sa regalo. Kesa mapahiya ka, maaari kang humingi ng wishlist sa kanila. Sa ganitong paraan alam mong magugustuhan nila ang iyung regalo. Hassle-free hindi ba.
- Patok pa rin ang Monito-Monita. Tradisyon na ito ng mga Pilipino, kris kringle ika nga sa ibang bansa. Sa paraang ito, makakatipid ka sapagkat hindi mo na iisipin na regaluhan pa lahat ng iyong kamag-anak kundi kung sino lang ang iyong monito o monita. (source: article by Monique Lachica Abs Cbn News)
Hassle-free xmas shopping. Ito na nga. Mas maagang pag-sho shopping mas hindi ka stress ngayong pasko. Kami katoto, tapos na sa aming pamimili. Ikaw ba? Tandaan na ang pinakamahalaga sa lahat ay ang magplano ng maaga at gawin ito ng maaga. Happy Xmas shopping.
Basahin din: Patok na Panregalo Kay Gf Ngayong Pasko
Katoto, thanks for following my blog. I followed you back. ☺
ReplyDeleteI enjoy Christmas but I don't wanna stress myself with all the hassles of preparation. So, your tips here, are patok na patok! Haha