Ramdam na ang tensyon ngayong Pasko lalo na lapag napadako ka na sa mga pamilihan at sa dnadayong mga tiange hindi lamang sa Divisoria na kapag nagtangka ka pumunta ay siguradong siksikan na ngayon ang mga tao roon.
Ngayon pa lang. ngarag ka na kung ano iisa-isahin ang pag-aasikaso ng mga regalo, mga dekorasyon, ihahandang pagkain at mga programa para sa buong pamilya, kaibigan at katrabaho.
Bukod sa stress sa bahay,gayundin ito sa mga aktibidad mo sa loob ng opisina. Paano kung ikaw ang naatasang maging tagapanguna sa Christmas Party. Huwag mong hayaan na ma stress ka, heto ang tips.
Tips Para Hindi Ma-stress Ngayong Pasko
- Huwag umasa na perpekto ang gagawin mo at ng iba. Isipin ang pinakamasayang holiday memories nang hindi ka nag-iisip hinggil sa table setting o outdoor decoration kundi ang isip ay tanging sa loved ones lamang at makahulugang alaala.
- Magtakda ng prayoridad. Konsiderahin kung anong items,dekorasyon at tradisyon na para maging espesyal ang holiday mo at ng loved ones.
- Gumawa ng listahan ng mga kailangan matapos at kung kailan. Huwag nang magdagdag sa listahan ng kung anu-ano pa. Kung hindi mahalaga na isama ito, hindi mo kailangang ma-stress. Gayuman maalis mo ang items mula sa listahan kung ikokonsidera at dedeterminahin na hindi sadyang kailangan.
- Mag-utos sa iba ng trabaho. Kung masipag mag-shopping si mister at kung kayang makatulong ng bata na maglinis at magdekorasyon gawin na nila. Kung ang katrabaho ay makapagluluto siya na lang ang bahalang gumawa nito bilang tulong niya.
- Magsimula nang maaga. Wala namang mali sa pagbili ng cards kahit matapos ang holiday at magawa na lang ito bago pa man magsimula ang Enero. Kaya naman dapat ay tipunin na ang mga pangalan ng mga reregaluhan para sa buong taon.
Kapag maaga mong nagawa ito, hindi ka na gaanong ma-istress ngayong darating na pasko.
(full article source: Bulgar ni Nympha Miano-Ong)
Comments
Post a Comment