Skip to main content

Xmas Gifts For Your Gf:Patok Na Panregalo Sa Iyung Gf Ngayong Pasko



Hirap ka bang maghanap ng pwede mong iregalo sa iyung gf ngayong pasko? Medyo stressful nga ang mag-isip ng kung anung pwedeng ibigay dahil iniisip mong baka hindi niya magustuhan. Pero sige, ito ang ilan sa mga gift item tips namin sa inyo katoto. Tiyak na patok na panregalo ang mga ito sa'yong mahal na girlfriend ngayong pasko.


  1. Bath and Body. Bumili ng gift sets o baskets ng bath at body products. Maraming available na bath and body gift baskets sa mga Bath and Body Works store sa mga shopping mall. Pumili ng masarap na amoy para sa gift set at bumili ng body wash, body lotion,body spray at iba pang produkto na may parehong masarap na amoy. Pagsama-samahin ito sa isang basket na may loofah o espongha at tiyak na ang iyong reregaluhan na gf ay kumpleto na sa kailangan niyang relaxing bath at shower gift. Maraming special deal ng sets na kumpleto na ang naturang items kung minsan limited edition pa. Ang mga Bath ang Body Works ay may special scents tulad ng Summer Candy Aple at Vanilla Bean tuwing Christmas Season. Ewan ko na lang kung hindi ka biglang yakapin sa tuwa ng gf mo. Patok na panregalo talaga ito para sa mga may gf.
  2. Comfy Clothes. Another gift item for your gf. Pumili ng mga komportableng damit para makapagrelax o kung manonood ng sine. Pwedeng magandang sandals o tsinelas o bath robe. Sweatshirts ay pwede na kahit malambot na kumot ay okey na. 
  3. Scented Candles. Ang mga scented candle ay mga regalo na maaaring magamit bilang pandekorasyon lalo na kung sisindihan at may lalabas na mabangong amoy sa loob ng silid. Pumili ng isang set ng kandila o malaking kandila na maibibigay para sa isang babae. Pumili ng bango na tiyak na kanyang magugustuhan,iba't ibang klase ng amoy ay pwedeng ibigay sa kanya para may mapagpilian siya. Mabango ang mga kandila na tulad ng cookie,balsam at cedar. 
  4. Cosmetics at Nail Polish. Ang mga kosmetiko ay isang magandang gift item para sa iyong gf na mahilig magpalit ng kanilang eye shadows at kulay ng lipstick. Pumili ng kulay na angkop para magamit niya kung araw o gabi. Pumili ng naka-assemble nang gift boxer ng makeup para maraming mapagpilian ang babae o ang teenager na bibigyan ng maraming kulay. Pumili ng nail polish sets ng ilang botelya ng nail polish para sa kanya. Kumpletuhin ang regalo kung daragdagan ng nail buffers,flies,cuticle nippers at nail art decals o rhinestone appliques.
  5. Candy o Tsokolate. Ang candy o tsokolate ay isang regalo na halos gusto ng mga babae o teenage girl. Ang isang gift box ng kendi o tsokolate ay sobra niyang magugustuhan at thoughtful gift sabi nga. Pumili ng mga high-end type ng chocolates, iyong may mataas na kalidad kahit paano. Iyong may assorted baskets ng chocolates ay ideal o keepsake chocolate truffle tree. Pumili ng gift boxes na may iba't ibang laman ng kendi kundi hindi ka tiyak kung ano ang gusto niya. Paghaluin na lamang ang kanyang paborito sa bagong mga flavor ngayon. (source: Bulgar Tabloid)
These are just some of the perfect gift items for your gf this christmas. At sa pag-iisip ng kung anung pwedeng maibigay sa kanya ay isipin mo kung ano ang sa tingin mo ang magpapangiti sa kanyang pasko kasama ka. Sa bandang huli, hindi ang regalo mo ang mahalaga. Kundi ang pagpapahalaga mo sa kanya. Mga patok na panregalo nga ang mga ito sa iyong gf ngayong pasko. lalo pa't sasamahan mo ng isang matamis na halik at yakap ay ayos na. 



Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Seafood Allergy- Tips Kung Anong Dapat Gawin

Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies. Seafood Allergy -Tips On What to Do? Marami sa atin ang nagkaka-allergy sa seafood (shrimp,talaba,lobster,scallops,clams,crabs,squid) subalit, mas marami ang sa shrimp (hipon) at sinasabi na 40% ay may fish allergy (salmon,tuna) at 60% naman ay seafood allergy na nagsisimula sa adulthood. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa ilang muscle protein (tropomycin) na nasa seafood ay posibleng magdulot ng  "anaphylactic shock" kung saan ay biglang  baba ng blood pressure, namamanhid ang dibdib hanggang leeg, namamaga ang lalamunan at dah...