Ito ang mga kathang-isip na inaakala mong makatutulong sa iyong pagda-diet pero sa katotohan pala’y lalo lang magpapahirap sa pagbabawas mo ng timbang. Ang mga kathang-isip na ito ay nagbubunsod lamang sa hindi matagumpay na pagpapapayat o pagdi-dyeta. Para maging maalam ka- ito ang ilan sa mga ito ayon sa Eating Well:
Kung healthy naman ang pagkain, hindi na mahalaga ang
calorie content. Mali po to, Hindi porke’t masusustansya ang mga pagkain na
iyong kinakain ay isasawalang-bahala mo ang calorie content nito. Halimbawa ng
mga pagkaing ito ay whole wheat bread, avocado, beans, at pulang kanin- na
kapag kumain ng sobra ay makakasama rin sa iyong pag-didyeta. Kaya naman ang
payo ay hinay-hinay rin sa pagkain ng mga ito.
Ang pagbaba ng timbang 4.5 kilograms sa isang linggo o higit
pa ay masama sa kalusugan. Kadalasan itong nangyayari sa mga gumagamit ng
extreme diet. Pero ito ay hindi mabuti sa pagdi-diyeta. Para makabawas ka ng
0.5 kilograms ng iyong timbang ay kinakailangan mong magsunog ng 3,500 calories
sa pamamagitan ng regular na pag-eehersisyo at tamang dyeta.
Hindi porke’t nag-eexercise ay pwede nang kumain ng labis.
Gayundin naman na kapag ikaw ay nagbabawas na ng pagkain ay hindi mo na
kailangang ng exercise. Sa tamang pagdidiyeta, ang mga ito ay palaging dapat na
magkasama para sa ito’y maging epektibo lalo na’t ikaw ay nag-si-slimming diet.
Hindi nirerekomenda na kapag ikaw ay naglo-low calorie diet ay hindi ka
mag-e-ehersisyo. Ang pagdi-diyeta naman kasi ay hindi lang upang maging fit ka
at magkaroon ng magandang pigura kundi ito ay dapat na magresulta sa isang
malusog na katawan malayo sa banta ng kung anu-anong karamdaman.
Ang pagkain ng salad ay maganda dahil ito ay may sariwang
gulay na mabuti sa pagdi-dyeta ngunit ito ay maaaring makadagdag din sa fat
deposit mo kung labis ang paglalagay mo ng salad dressings at pati tulad ng
cheese, pecans atbp.
Ikaw ba ay sumubok na ng pagdi-diyeta o pagbabawas ng
timbang at pansin mong hindi epektibo ang mga ito sa iyo? Paka-isipin ang mga
nabanggit dahil baka ilan sa mga kathang-isip na ito tungkol sa pagdi-diyeta
ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hirap ka sa iyong pagpapapayat.
Source: medicmagic
Comments
Post a Comment