Skip to main content

Epektib Ba Ang 5 Minute Exercise?



Hindi ba ganun kadami ang iyong oras para mag-exercise? Bakit hindi bigyang panahon ang iyong sarili na makapag-ehersisyo kahit 5 minuto lamang?  Alam ninyo bang kapag ginawa ninyo ang 5 minute exercise ng walang hinto ay mas epektib ito kaysa sa 90 minutos na ilalagi ninyo sa Gym? Alamin ang katotohanan tungkol dito.

Ayon sa pag-aaaral, ang 5 minutong pag-eehersisyo ng walang tigil ay mas epektib kaysa sa 0 minuto na pag-eehersisyo sa Gym.

Para gumanda ang ating katawan, kinakailangan nating mag-ehersisyo. Sa pamamagitan nito ay matutunaw ang mga sobrang taba na nasa ating katawan. Kapag nangyari iyon, siguradong gaganda ang hubog ng ating pangangatawan kaya siguradong marami ang mapapalingon sa atin.

Ang mga katangiang higit na napapansin ay ang pisikal nating hitsura kaya maganda ang iyong pangangatawan, siguradong marami ang hahanga sa’yo. Kung ikaw ay seksi o macho, siguradong marami ang manliligaw o magpapapansin sa’yo. Maaari ka pang kuning modelo o artista. Kaya kung may ganito kang pangarap, ngayon pa lang ay gustuhin mo ng magkaroon ng magandang pangangatawan.

Kung plano mong magpunta pa ng fitness center para makapag-ehersisyo ka ng husto, tumigil ka muna at basahin mo ito. Sa pamamagitan nito ay mapagtatanto mo ng higit na epektib ang 5 minutong ehersisyo na walang tigil kaysa sa 90 minutes na ehersisyo na pahintu-hinto. Mas natatagtag kasi ang ating katawan kung hindi ka titigil sa’yong pag-eehersisyo kaya sinasabi na ang 5 minuto na pagtakbong mabilis kaysa sa pagdya-jogging ng 90 minuto.

Kung ikaw ay determinadong pumayat kahit nasa loob ka lamang ng iyong tahanan ay magagawa mong mag-ehersisyo ng husto. Samantalang, kung pupunta ka pa ng gym ay may ilang minuto ka pang pahinga.

Para mas mapatunayan ng mga taga- Manchester Metropolitan University na okay ang pag-eehersisyo ng walang hinto ay ninanais nila na ipa-test sa mga estudyante at iba pang guro na mas epektibo ang pag-eehersisyo ng walang tigil sa loob lamang ng limang minuto.

Sa rami ng iyong trabaho, maaaring nalilimutan mo ng pangalagaan ang iyong sarili kaya hindi mo na nabibigyan ng pansin ang pag-eehersisyo. Ngunit, kailangan mo rin isipin na maka-bubuti sa iyong kalusugan kung makakakilos ka ng maayos dahil wala kang labis na taba sa iyong katawan.

Kaya’t tara na at mag-exercise kahit 5 minuto lang yan. Epektib na yan para maging fit and healthy.
Source: Bulgar credits to: Ria Gonzales


Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Malaman Kung Cancerous Ang Nunal (MOLE)

Paano ba malaman kung ang nunal (mole) ay cancerous o hindi? Ang mga benign na nunal ay maliliit lamang at wala pang 5 milimetro. Kitang-kita ang hangganan o border nito. Iisa lamang ang kulay at pwedeng light brown. Kadalasan ay tulad din ito ng iba pang nunal sa katawan ( sa sukat at kulay). Mas mainam po kasi kung hindi ito magbabago ng kulay o laki sa paglipas ng maraming taon. Ang mga suspicious o cancerous mole naman ay 'yung irregular ang border, hindi pantay at hindi malinaw ang hangganan na para bang ang kulay nito ay kumakalat sa katabing balat. Maaaring medyo nakaalsa ang isang bahagi ng nunal at flat ang kalahati. Ang pabago-bagong kulay ng nunal ay nakakaduda. Normally, ang mga nunal natin sa katawan ay flat, maliit at kulay brown sa unang dekada ng ating buhay. Sa katagalan ang mga nunal na ito ay lumalaki at umaalsa. Lumalaki at umiitim ito sa sandaling pagbubuntis. Ang mga normal na nunal ay dapat na malinaw ang border, pantay ang magkabilang panig at ma...

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Gonorrhea: SANHI AT LUNAS SA TULO NG BABAE

ANG gonorrhea o tulo ang pinaka-common na venereal disease na nakukuha sa pakikipagtalik sa isang taong impektado nito. Neisseria gonorrhea ang organismong may dala at higit na tinitira ng organismong ito ang daanan ng ihi o urethra o kaya ay ang kuwelyo ng matris sa babae. Kahit babae ay nagkakaroon talaga ng tulo. Sa lalaking may tulo, kakikitaan ito ng sintomas tulad ng lumalabas na nana sa ari nito, hirap at masakit na pagihi, tatlo hanggang anim na oras matapos makipagtalik sa impektadong kapartner. Sa babae namang may tulo, karaniwang asymptomatic at halos 80% ng babaeng may tulo ay walang sintomas o parang walang impeksiyon at bumibilang muna ng maraming buwan bago ito mapansin sa babae. Sila mismo ay hindi alam na may impeksiyon na sila sa katawan. Gayunman, mapapansin na may lumalabas minsan na medyo greenish-yellow discharge mula sa cervix at bukod ditto, puwedeng mag-complain ang pasyente ng pananakit ng katawan o paninigas ng kalamnan, matinding sakit n...