Akala mo ba ay ligtas ka na sa mga sakit kapag hindi ka naninigarilyo? Mag-isip mabuti. Dahil tulad ng taong naninigarilyo, ang katamaran sa pag-eehersisyo ay pareho lang high risk sa banta ng kung anu anung karamdaman.
Kapag wala kang ehersisyo o hindi ka ganun ka-enganyo sa mga dynamic activities ay para ka na rin lang nanigarilyo dahil pareho lang ang
masamang resulta nito sa kalusugan. Sa U.K, higit sa 90,000 tao na hindi
pala-ehersisyo ang dumaranas ng iba’t-ibang karamdaman tulad ng sakit sa puso,
breast kanser, diabetes at pati colon kanser. Kaunti lang din ang lamang sa bilang
ng dami ng pasyenteng naninigarilyo ang dumaranas ng parehong mga karamdaman,
100,000 ang bilang. Ito ay mula sa balitang hatid ng Fox News.
Ang mga tagapagsaliksik sa Harvard University ay nagsabing
maraming bilang ng buhay ang nawawala kada taon dahil sa hindi pag-e-ehersisyo.
Ayon pa sa Lancet Journal, sa buong mundo, isa sa sampung tao ang namamatay
dahil sa katamaran o pagkakaroon ng Lazy Lifestyle. Mas mataas naman ang bilang
sa U.K, isa sa kada anim na tao.
Idinagdag pa ng isang lead researcher na si Dr. I Meen Lee-Harvard Medical School na mas matagumpay pa ang mga anti-smoking campaign
kaysa kumbinsehin ang mga tao na ma-enganyo sa mga physical activities tulad ng
pag-e-exercise. Idinagdag pa ni Dr. Claire Knight, isang manager ng health
information division sa Cancer Research UK na ang paghinto sa paninigarilyo
ay pag-iwas sa banta ng malulubhang sakit at ganun din naman ang
page-ehersisyo, hindi natin dapat isawalang-bahala ito.
Web source: medicmagic dot net
Comments
Post a Comment