Skip to main content

EXERCISE- Dapat Bang Gawin Na Gutom Ang Tiyan?




Kumakain ka ba bago mag-exercise? O hindi? Maraming tanong o isyu tungkol sa kailangan ba nating kumain bago tayo mag-ehersisyo? O okay lang ba sa katawan natin na gawin ito ng gutom?


Ang alam ng ilan, mas makasusunog ng taba ang pag-eehersisyo ng walang laman ang sikmura. Ito ay base sa kaisipan na kapag walang laman ang ating tiyan ay magagawa nitong pasiglahin ang katawan na gamitin ang fats bilang enerhiya. Sa kabilang dako, kapag tayo ay busog, ang katawan natin ay maaaring maglabas muna ng glucose o carbohydrates sa ating tiyan bilang enerhiya.

Totoo ba ito? Maaaring makatwiran ang kaalaman na ito. Ngunit mayroon ding pag-aaral na ginawa na nagpapakita na walang benepisyong hatid ang page-exercise ng gutom. Maaari pa itong maghatid ng masamang epekto sa ating kalusugan.

Base sa pag-aaral na inilathala din ng isang Fitness Journal sa Estados Unidos, ang pageehersisyo bago o pagkatapos kumain ay walang kinalaman sa dami ng pagsusunog ng taba. – ayon sa Times of India.

Ang mangyayari lamang ay, mawawalan ang katawan ng muscle strength kapag nag-ehersisyo ng walang laman ang tiyan. Dahil dito, mas mabilis na mawawalan ng gana o sigla ang katawan na mag-ehersisyo,magkagayon ay malaking kabawasan ito sa dami ng pagsusunog mo ng calories. Ang kawalan ng lakas ng ating kalamnan ay pagkawala rin ng enerhiya sa katawan para makapagbawas ng timbang.

Ito ay pareho lamang sa mga pag-aaral na nagpatunay na higit kumulang 45 grams na pagkonsumo ng carbohydrate bago ang ehersisyo ay kayang magpigil sa iyong gutom sa buong araw.

Sapagkat ang ang page-exercise ng gutom ay nagpapahirap lamang sa katawan na magkaroon ng gana at sigla, ito ay magreresulta lamang sa iyo na magutom muli imbes na hindi na. Sapat na na kumain ka muna ng masustansyang pagkain 30 minutos bago ka mag-ehersisyo.
Source: medicmagic.net


Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas

Seafood Allergy- Tips Kung Anong Dapat Gawin

Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies. Seafood Allergy -Tips On What to Do? Marami sa atin ang nagkaka-allergy sa seafood (shrimp,talaba,lobster,scallops,clams,crabs,squid) subalit, mas marami ang sa shrimp (hipon) at sinasabi na 40% ay may fish allergy (salmon,tuna) at 60% naman ay seafood allergy na nagsisimula sa adulthood. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa ilang muscle protein (tropomycin) na nasa seafood ay posibleng magdulot ng  "anaphylactic shock" kung saan ay biglang  baba ng blood pressure, namamanhid ang dibdib hanggang leeg, namamaga ang lalamunan at dah