Skip to main content

Posts

Showing posts from 2021

Tips Paano Kumita ng Pera sa Gcash in 24 Hours!

Sa loob ng 24 hours ay magkakaroon ng pera ang Gcash mo, legit! Ito ang Tips ko kung paano kumita ng pera sa Gcash. Sa blog na ito pag-uusapan natin ang legit ways kung paano mapapasukan ng pera ang Gcash mo sa pamamagitan ng Gcash Load, GSave, GInvest at Freelancing websites. Pag-uusapan din natin kung totoo bang pwede kang kumita ng Gcash sa mga game apps na mada-download sa playstore at appstore na palaging pinopromote ng mga big channels sa YouTube.  SINO ANG MGA PWEDENG KUMITA SA GCASH? Importante na malaman na hindi porket may Gcash ka ay pwede ka nang kumita sa Gcash. Kailangan na ang Gcash mo ay fully-verified. Pero wag ka mag-alala dahil napakadali na sa ngayon ang mag-fully verified ng Gcash account. Kailangan mo lang ng isang valid i.d. Dapat na nasa legal age ka, at least 18 years old and above. Gawin mo ang steps na ito para ma-fully verified ang Gcash mo? Step 1: Log in sa Gcash gamit ang iyong Biometrics o ang iyong MPIN Step 2: Click mo ang My Profile Step 3: Ihanda...

CALL CENTER TIPS Bakit di ka Pumapasa?

  Napapa-isip ka ba kung bakit di ka pumapasa sa call center? Ano kaya ang pinaka-dahilan? Ako si Ram, gumagawa ako ng call center tips and tutorials sa aking main blog at sa aking youtube channel. Kung may time ka at sakto sa iyo ang mga call center tips , follow mo lang ang blog ko at subscribe ka sa aking YouTube Channel. Live din ako every night around 9:45 pm sa channel ko, kung gusto mong magpractice for your call center interview, feel free to drop by and join me sa live.  Sa video na ito, i-eexplain ko sa iyo ang ilang rason kung bakit di ka pumapasa sa call center? Base ito lahat sa aking karanasan sa pag-aaply noon. Maraming beses din akong nag-fail sa application ko, pero di ako sumuko hanggang sa makapasok ako. Kung maaga akong sumuko, hindi ko siguro na-acquire lahat ng skills na natutunan ko sa call center. Kaya never give up, continue to learn and improve yourself. At laging maging handa para sa interview. Ilan sa mga nabanggit ko sa video ay ang mga sumusunod: ...

Papasa ba sa Call Center Ang Fresh Graduate, Undergrad at No Experience?

Papasa kaya sa call center ang isang fresh grad na walang call center experience? Sa video na ito pag-usapan natin ang ilang tips para makapasok ka sa call center kahit baguhan ka pa lang.  Alam ko, na hindi magiging madali ang journey mo as a fresh graduate, undergrad o without call center experience. Kasi sa sampung company, tiyak ilan lang dun ang mag-aacept ng newbie sa call center.  Kaya sa video na ito, ituturo ko sa iyo ang ilang fresh grad call center tips, undergrad call center tips, at no experience call center tips para makapasa ka.  Paano mo ba i-de-describe ang sarili mo sa interview kung wala ka nga talagang experience?   Paano ma-iimpress sa iyo ang interviewer kung kakaunti ang laman ng resume mo?  Ano ba talaga ang magandang paraan para sure hired ka kahit no experience ka pa? Watch this:

CALL CENTER INTERVIEW: Paano Sumagot sa Initial Interview?

  Sa video na ito, mabibigyan kita ng mga sample na sagot sa mga tanong sa call center interview.  Tulad ng mga tanong na, tell me something about yourself, tell me something about yourself not written in your resume, how much salary do you expect at iba pa.  Ang channel kong Call Center Tips ni Ram ay tungkol sa mga call center interview, Live ako daily around 2 p.m para sa isang call center interview practice. Kaya kung gusto mong matutuo pa at magka-ideya pa tungkol sa kalakaran sa call center mula sa hiring process hanggang sa ma-endorse ka na sa floor ay tumutok ka dito sa aking channel. 

WHY DO YOU WANT TO WORK HERE? (Tanong sa Call Center, Anong Sagot)

Natanong na ba sa iyo ang call center question na Why Do You want to work here? sa isang call center interview. Paano mo ito sinagot? Hindi mo ba ito nasagot? O nag-iisip ka ng tamang sagot sa tanong na ito. Watch mo ang video na ito at magpunta ka sa channel na ito para mabigyan ka ng tips kung paano mo masasagot ang tanong na why do you want to work here. Ang channel na ito ay tungkol sa mga call center interview questions and answers. Marami sa mga video dito ay makakatulong sa iyo para makapasa sa call center. Example na tanong nga, why do you want to work here? Simple ang tanong pero di ito pwedeng sagutin ng simple lang din. Mas mapapalawak mo ang sagot mo kung may alam ka sa company at kung inintindi mo maigi ang job description. Watch this video para malaman mo kung paano sumagot sa mga common call center interview questions at makasagot ka ng tama, at syempre ang pu ang pumasa. 

Pampanga CALL CENTER HIRING: Ganito Pala Pwede Mo Kitain sa Collections Account WATCH AND READ

  Mga Ka-good vibes, Pampanga CALL CENTER HIRING ngayon ng COLLECTIONS AGENT. Ang laki pala ng sinasahod ng isang collections agent. Bakit kaya? Sa vlog na ito malalaman ninyo kung bakit malaki ang sahod ng isang call center agent na nagha-handle ng collections account.

MGA PATOK NA NEGOSYO PARA SA WALANG PERANG PAMPUHUNAN PART 1

Sa blog na ito pag-usapan natin ang MGA PATOK NA NEGOSYO na masisimulan mo kahit wala kang pera na pampuhunan. Ang mga patok na negosyo na mababanggit sa blog na ito ay bagay para sa mga sumusunod: 1. Mga empleyado na nagha-hanap ng extra income 2. Mga ginang na gustong kumita kahit nasa bahay lang. 3. Mga estudyante na kailangan ng part-time income pambayad ng tuition 4. Mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemic pero may naitabi namang maliit na halaga para magsimula ng isang negosyo. 5. Mga talentadong tao na gustong pagkakitaan ang kanilang talent o skills Isa ka ba sa mga nabanggit. Kung oo, tuloy-tuloy mo lang basahin ang blog na ito para malaman mo kung anong patok na negosyo ang nababagay sa iyo. Huwag mo ring kalimutan ang mag-follow sa blog kong ito (iklik ang tatlong guhit sa upper right corner) para ma-update kita sa mga negosyong patok. Simulan natin sa mga negosyong hindi mo na kailangan na maglabas pa ng pera. Opo, pwede kang magsimula ng isang negosyo kahit wala kang puh...

5 CALL CENTER JOBS na Sasahod Ka ng 200K-350K/a year

Sa blog na ito pag-usapan natin ang 5 CALL CENTER JOBS na pwede kang pasahurin ng 200K-350K per year.  Good vibes sa lahat! Maaari ka ring pumunta sa playlist ng aking Youtube Channel kung saan makakapanood ka pa ng iba ko pang CALL CENTER JOB TIPS . Kaya subscribe na at i-follow mo rin ang blog na ito. Wag mo ring kalimutan i-share sa iyong facebook o iba mo pang social media account para makatulong ka din sa iba pang naghahanap ng trabaho sa call center. May iba't ibang uri ng trabaho sa call center. Sa blog na ito, mag-fofocus tayo sa voice account. May dalawang uri ng voice account. Ang una ay ang inbound account , kung saan ikaw ang tatanggap ng tawag mula sa mga customers mo. Tatawag sila para humingi ng assistance sa iyo. Ang pangalawa naman ay ang outbound account , kung saan ikaw naman ang tatawag para magbenta, mag-upsell o mag collect ng data.  Bago ka mag-apply, pakiramdaman mo ang sarili mo kung saan ka nababagay o kung saan feeling mo mas matatagalan mo ang trab...

Call Center Initial Interview Questions na May Sample Na Sagot Pwede Mong Gayahin

Ito yung pinakamadalas na  CALL CENTER INITIAL INTERVIEW QUESTIONS na kayang-kaya mong ipasa basta gawin mo lang ito. Good vibes sa lahat! Welcome na naman sa aking blog, mayroon din akong playlist sa aking youtube channel kung saan ninyo ako mapapanood na nagbibigay ng iba't ibang tips and tutorials kung paano matanggap sa CALL CENTER JOBS Subscribe na sa aking youtube channel. Follow mo na rin ang blog na ito at wag kalimutan na i-share sa iyong facebook o iba mo pang social media accounts para mas marami pang makaalam ng teknik na ituturo ko sa iyo para sabay sabay kayong pumasa sa initial interview ng kahit anong call center na ma-applayan mo. Ako nga pala si Ram, 2005 ng magsimula ako sa call center bilang outbound agent. Outbound agent ang tawag sa mga call center agent na siyang tatawag sa customer para magbenta ng produkto o service, mag upsell, at pati na rin collections. Credit card application ang una kong account sa call center, tumatawag ako sa mga U.S based clien...

Sinubukan Kong Kumita sa Online Forex Trading at Ito ang Resulta

Dahil pandemic ngayon, sinubukan kong kumita ng pera sa iba't ibang online platforms at apps. Isa sa sinubukan ko ay ang forex trading. Una, naghanap ako ng isang legitimate na online forex trading platform para makapagsimula. May mga trading apps o website na mahal ang initial deposit kaya di ko ma-afford. Hanggang sa makakita ako ng isa na pwede kang magsimula sa halagang 500 pesos o 10 USD. Nakita ko nga itong IQoption.  Pangalawa, syempre pinakamahalagang malaman ko kung madali ba ma-withdraw ang pera. Legit naman, kailangan lang ng government I.D at bank account para ma-verify ang account. Umabot lang ng isang araw o dalawa ang verification. Pagkatapos, ginamit ko ang aking Skrill account para i-link ito sa IQOption. Ang Skrill ay isa sa mga accepted payment processor ng IQoption kung saan instant kang makakapag deposit at cashout. At para naman makapagpasok ako ng pera sa Skrill, kinailangan kong gumamit ng Paymaya virtual visa card. At upang i-withdraw naman ang pera mula sa...

Mga Pwedeng Pagkakitaan Ngayong May Pandemya

Parang matagal tagal pa ata bago tayo maka-recover sa pandemyang ito. Marami na rin sa atin ang nawalan ng trabaho o nalugi ang negosyo. Ang iba ay umaasang mabigyan ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman ay dumidiskarte para kumita pa rin kahit papaano.  Ngayong may pandemya, limited lang ang galaw natin sa labas kaya't hangga't maaari ang iba ay naghahanap ng mga pwedeng pagkakitaan kahit nasa bahay lang.  Ito ang mga sa tingin ko ay pwede mong pagkakitaan kahit may pandemya.  1. Magtayo ng maliit na tindahan o sari-sari store. Ginawa ito ng mother ko kasi bilang real estate agent ay naging madalang ang mga inquiry niya sa pabahay at lupa. Di rin ganun kadali ang magpa- free house viewing. Kaya imbes na masayang ang panahon, sa puhunan na 3K-5K nagsimula si mama ng maliit na tindahan sa aming front yard. Maliit ang pa piso-pisong kita pero kung araw-araw naman na may bumibili ay tiyak na maiipon din ang kita.  2. At kung may maliit kang tindahan, hindi lang naman...

Born To Win ng All Female PPOP Group na BINI Trending Sa Youtube

Talagang on the way na ang pag-usbong ng PPOP music para buhayin ang music industry dito sa Pilipinas. Sa pagtaas ng demand para sa pagkakaroon ng sarili nating Pop Groups tulad ng mga KPOP goup sa Korea, ay sya ring pag-usbong ng mga talentadong PPOP groups sa bansa na sinimulang pausuhin ng grupong SB19.  At ngayong nga, isa na namang PPOP group ang kinahuhumalingan ngayon ng mga music lovers. But this time, all female PPOP group naman na pinangalanang BINI.  Ang BINI PPOP group ay mina-manage ng ABS-CBN Talent Management. Which I think, ay malaking advantage ng group na ito na mai-market ng kanilang talent sa singing and dancing. Knowing ABS-CBN, lahat halos ng Big stars sa Pilipinas, sila ang nagbigay pangalan. Hopefully, this is really the start of the rise ng PPOP sa bansa.  I'm nothing against mga birit queens. I like birit songs too. Kaya lang syempre, kailangan din nating makipagsabayan sa kung ano ang uso ngayon sa mainstream. While many people are against havin...