Skip to main content

Posts

Showing posts from September, 2011

Shark's Liver Benefits: Atay Ng Pating Pangontra Sa Dengue Yellow Fever At Hepatitis

Natuklasan ng mga siyentipiko ang kakaiba at epektibong uri ng antibiotic na sinasabing matatagpuan sa atay ng pating na puwedeng gamot para malabanan ang mga virus sa katawan ng tao at revolutionise medicine. Ang compound na nasa loob nang atay ng pating ay maaaring gamiting pinakabagong uri ng drug na siyang kasagutan at lunas sa mga sakit tulad ng dengue, yellow fever at hepatitis B,C at D.Pinangalanang squalamine ang naturang antibiotic na sinasabing ligtas na gamitin ng tao bilang antiviral agent sa katawan. Malaki ang potensiyal ng naturang compound na may malawak na antiviral properties na may special na lunas hindi lang sa mga sakit kundi maging sa behavior ng pasyente base sa pag-aaral. Sa kasalukuyan ay hindi pa ganoon kadaling lunasan ang sakit tulad na lamang ng mga uri ng hepatitis ngunit sa tulong ng bawat lab at experiment ay napatunayan ang bisa ng atay ng pating . Mula sa pag-offer ng medical advances ay naging matagumpay ang discovery sa pagbibigay solus...

Danger in Smoking: Mga Panganib Na Dulot Ng Paninigarilyo

Isa sa pinakamahirap iwasan na bisyo ng mga Pilipino ang paninigarilyo . Alam ninyo bang sampung Pilipino ang namamatay kada oras dahil sa sakit na dulot nito habang may 500 bilyong piso naman ang nawawala taun-taon para sa healthcare costs at productivity losses, ito ay ayon sa mga anti-tobacco group. mula sa google image Ang sigarilyo ang dapat na katakutang produkto at dapat nang ipagbawal sa bawat bansa. Taglay ng sigarilyo ang 400 kemikal  at ilan dito ay toxic compounds at sobrang sama sa katawan. Ang laman ng sigarilyo ang sinasabi ng doktor na nakasasama. Heto ang ilan sa mga kemikal na matatagpuan sa sigarilyo . Nikotina - ito ang droga na inihahalo sa sigarilyo para maadik ka pa dahil kapag adik ka, bili ka nang bili at matutuwa ang manufacturer. Ang toxic compound na ito ay ginagawang pesticides kaya humihithit ka ng pestisidyo. Ang tanging kaibahan ay binubura nito ang iyong malusog na baga. Tar - ito ang substansya na pinagdidilaw ang ngipin, baga at ...

Ringworm: Tips Para Sa Natural Na Lunas Sa Buni

--> Mga katoto, maraming salamat sa patuloy na pagtangkilik ninyo sa Tips ni Katoto. Patunay na ang mga natatanggap naming mga komento sa inyo. Ilan sa mga ito ay mga katanungan, mga katoto nating naghahanap ng solusyon sa kanilang problema. Isa na rito si katotong Dark Smile , hindi niya tunay na pangalan na nagtatanong kung ano-anu ba ang mga natural na lunas sa ringworm o buni. Ang Buni (ringworm)  ay sakit sa balat, at ang fungi na sanhi nito ay pangunahing naninirahan sa loob ng katawan. Hindi nga lahat ng fungi ay may dalang pakinabang sa ating katawan pagkat mayroon ding may dulot na impeksyon at tunay ngang nakakapinsala.  Nagsisimulang mabuo ang buni kapag ang fungus ay nagsisimula nang lumago at dumami sa mga parte ng katawan na madalas pagpawisan tulad ng anit, balat, singit at pati na rin sa bahaging kuko. Lalo na't kung ang mga bahagi ng katawan nating ito ay nakaranas ng mga pinsala.  Dahil ang buni ay nakakahawa, hindi rin maiiiwasa...

Garlic: Ang Pakinabang ng Bawang Sa Iyong Sekswal Na Pangkalusugan at Sexual Potency

Dumarami ang mga Pilipino na nakararanas ng impotence. Ang Impotence ay isang seryosong problema para sa  mag-asawa. Ang sakit na ito ay dulot ng pagkabawas sa daloy ng dugo o hirap sa stimulation. Ngunit alam ninyo bang ang bawang ay isa sa mga may mabisang pakinabang upang lunasan ang sakit na Impotence? Totoo mga katoto, ang bawang ay mayroong nitric oxide na tumutulong sa transduction system para pasimulan ang paninigas sa ari ng lalaki. Hindi naman kailangan na kumain ka ng isang buong bawang para maging mabisa ito dahil kahit pa sahog lang ito sa ulam o dinikdik pa ito ay pareho pa rin ang benipisyong maibibigay nito sa mga may sekswal na problema.  Pwede mong subukang gumawa ng isang garlic soup. Ito ang mga simpleng sangkap: 1. Sampung garlic cloves 2. Limang tasa ng beef stock  3. Isang tasa ng white wine 4. 1/4 tasa ng olive oil 5. Asin at paminta Para sa mga mag-asawa, maaaring humigop muna ng mainit na bawang soup bago kayo magsi...

Leukemia Prevention: Tips Kung Paano Makaiiwas Sa Leukemia

Madalas nating naririnig ang sakit na leukemia lalo na sa mga palabas na drama sa t.v kung saan ang kontrabida ang malimit na tamaan nito. Pero sa totoong buhay, ano nga ba ang sakit na ito at ano ang mga paraan para makaiwas dito? Kanser sa dugo ang sakit na leukemia. Ang selula sa dugo ng pasyente ay nagbabago at nagiging kanser. Sa pagdami ng mga cancer cells, ang mga normal cells ay natatabunan tulad ng pulang dugo at platelets. Ang sintomas ng leukemia ay dulot ng pagkawasak ng dalawang klase ng selula. Una, nagiging kaunti ang red blood cells kung saan ang pasyente ay nagiging anemic at kailangan salinan ng dugo Pangalawa, nagiging kaunti ang platelets. Ang platelets ay ang pagbuo ng dugo kapag tayo ay nasusugatan. Maaari tayong duguin sa ilong, gilagid at balat kapag nagkulang ang ating platelets. Kung madalas kang magkaroon ng pagdurugo o pagpapasa ay makabubuting ipasuri mo ang iyong dugo sa pamamagitan ng CBC with peripheral smear . Ito ang blood test na nakakatu...

Cause of Break Up: 7 Dahilan Kung Bakit Nauuwi Sa Hiwalayan

Hindi maitatangi na madalas ang isang relasyon o pagsasama ay nagkakaroon ng mapait na wakas. Gaano man ito katatag sa simula ay marami pa ring bagay na sumusubok dito. Kung minsan, masarap lang sa simula dahil nakadarama ka pa ng kilig at lambing, pero sa katagalan ay unti-unti mo nang natutuklasan na sa mundong ito wala pa lang relasyon na sadyang nabuo ng perpekto, lagi itong may pagsubok. Mahal mo siya? At gagawin mo ang lahat ng paraan para hindi kayo mauwi sa hiwalayan. Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit nauuwi sa hiwalayan ang isang relasyon. Sa pamamagitan nito, malalaman mo kung paano mo lalo pang mapapanatiling maganda ang iyong pagsasama. 1. Kapintasan . Tanggapin mong marami kayong pagkakaiba at habang tumatagal ang isang relasyon, matutuklasan mong marami talagang bagay na hindi kayo pareho. Kaya imbes na magalit sa iyong partner ay maluwag mong tanggapin ang inyong pagkakaiba. At kung mayroon talagang dapat na baguhin, ay pag-usapan ito ng malumanay at huwag...