Skip to main content

Shark's Liver Benefits: Atay Ng Pating Pangontra Sa Dengue Yellow Fever At Hepatitis



Natuklasan ng mga siyentipiko ang kakaiba at epektibong uri ng antibiotic na sinasabing matatagpuan sa atay ng pating na puwedeng gamot para malabanan ang mga virus sa katawan ng tao at revolutionise medicine.

Ang compound na nasa loob nang atay ng pating ay maaaring gamiting pinakabagong uri ng drug na siyang kasagutan at lunas sa mga sakit tulad ng dengue, yellow fever at hepatitis B,C at D.Pinangalanang squalamine ang naturang antibiotic na sinasabing ligtas na gamitin ng tao bilang antiviral agent sa katawan.

Malaki ang potensiyal ng naturang compound na may malawak na antiviral properties na may special na lunas hindi lang sa mga sakit kundi maging sa behavior ng pasyente base sa pag-aaral. Sa kasalukuyan ay hindi pa ganoon kadaling lunasan ang sakit tulad na lamang ng mga uri ng hepatitis ngunit sa tulong ng bawat lab at experiment ay napatunayan ang bisa ng atay ng pating. Mula sa pag-offer ng medical advances ay naging matagumpay ang discovery sa pagbibigay solusyon sa mystery kung saan ang pating ay may primitive immune system na epektibong panlaban sa mga virus na makikitang aktibo sa mga buhay na organismo.

Naniniwala ang mga squalamine bilang isa sa pamilya ng related compound na proteksiyunan ang mga pating maging ang mga primitive at vertebrate mula sa iba't ibang virus sa dagat. Magagawang bigyang proteksyon ng compound sa atay ng pating ang blood tissue at respiratory system ng tao mula sa mga viral infection. Magsisimula ang paggana ng naturang compound sa mabilis na pagkalat nito mula sa blood vessel hanggang sa iba't ibang parte ng katawan hindi lang ng tao kundi maging ng iba pang may buhay na nilalang.

ang impormasyon na naisulat ay mula sa pahayagang Bulgar 

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas

Seafood Allergy- Tips Kung Anong Dapat Gawin

Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies. Seafood Allergy -Tips On What to Do? Marami sa atin ang nagkaka-allergy sa seafood (shrimp,talaba,lobster,scallops,clams,crabs,squid) subalit, mas marami ang sa shrimp (hipon) at sinasabi na 40% ay may fish allergy (salmon,tuna) at 60% naman ay seafood allergy na nagsisimula sa adulthood. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa ilang muscle protein (tropomycin) na nasa seafood ay posibleng magdulot ng  "anaphylactic shock" kung saan ay biglang  baba ng blood pressure, namamanhid ang dibdib hanggang leeg, namamaga ang lalamunan at dah