-->
Mga katoto, maraming salamat sa patuloy na pagtangkilik ninyo sa Tips ni Katoto. Patunay na ang mga natatanggap naming mga komento sa inyo. Ilan sa mga ito ay mga katanungan, mga katoto nating naghahanap ng solusyon sa kanilang problema. Isa na rito si katotong Dark Smile, hindi niya tunay na pangalan na nagtatanong kung ano-anu ba ang mga natural na lunas sa ringworm o buni.
-->
Ang Buni (ringworm) ay sakit sa balat, at ang fungi na sanhi nito ay pangunahing naninirahan sa loob ng katawan. Hindi nga lahat ng fungi ay may dalang pakinabang sa ating katawan pagkat mayroon ding may dulot na impeksyon at tunay ngang nakakapinsala.
Nagsisimulang mabuo ang buni kapag ang fungus ay nagsisimula nang lumago at dumami sa mga parte ng katawan na madalas pagpawisan tulad ng anit, balat, singit at pati na rin sa bahaging kuko. Lalo na't kung ang mga bahagi ng katawan nating ito ay nakaranas ng mga pinsala.
Dahil ang buni ay nakakahawa, hindi rin maiiiwasan na makuha mo ito sa direktang pakikipag-ugnayan mo sa taong mayroon din nito tulad ng paghiram ng damit, pagligo sa swimming pool, paggamit ng kanilang suklay atbp.
At sa maniwala kayo't hindi, ang buni ay maaari mo ring makuha sa iyong mga alagang hayop na mayroon nito. Mga pusa ang madalas na mayroon nito tulad rin ng aso at kabayo.
Subukan ang mga natural na lunas dito gaya ng mga sumusunod:
1. Maghiwa ng hilaw na papaya at ipahid sa apektadong bahagi ng iyong katawan dalawang beses sa isang araw. Maganda ang dulot ng papaya sa balat at epektibo sa paggamot sa buni.
2. Lunas na rin para sa buni sa anit ang castor oil. Ipahid sa apektadong bahagi ng ulo.
3. Maigi rin ang buto ng mustasa, gawin itong mustard paste pagkatapos ay ipahid sa iyong buni.
4. Dahil sa kakayahan nitong lunasan ang pangangati sa balat at pagpapalambot ng balat, isa ring maiging lunas sa buni ang langis ng niyog.
Samantala, ang mga ito naman ay mga Rekomendadong Produkto Para Sa Gamot At Iwas BUNI:
Tinactin Anti-fungal Ointment - ito ay gamot sa buni at iba pang fungal infection gaya ng Tinea-flava, athletes foot, atbp. Sangkap nito ay 10 gram ng Tolnaftate. Mabibili lamang ito online sa halagang 165 pesos.
Milea Organic Acapulco Anti-fungal Soap-
Mabisa naman ang sabon na ito para sa buni at iba pang fungal infection. Sangkap ng Acapulco Soap ang isang medical herb na naglalaman ng chrysophanic acid na siyang dahilan kung bakit maigi ang produktong ito sa paglaban sa ilang mga skin diseases gaya ng buni at pati na ng iba pang fungi, bacteria at yeast. Pwede rin ito sa an-an, kagat ng insekto, eczema, galis at pangangati.
Mabibili lamang ito online sa halagang 165 pesos (100 mg)

Ang buni kapag hindi naagapan ay maaaring dumami at kumalat sa balat kaya't maiging humanap ng lunas dito bago pa ito mangyari. Kumonsulta rin sa inyong dermatologist para sa agarang gamutan.
-->
Comments
Post a Comment