Madalas nating naririnig ang sakit na leukemia lalo na sa mga palabas na drama sa t.v kung saan ang kontrabida ang malimit na tamaan nito. Pero sa totoong buhay, ano nga ba ang sakit na ito at ano ang mga paraan para makaiwas dito?
Kanser sa dugo ang sakit na leukemia. Ang selula sa dugo ng pasyente ay nagbabago at nagiging kanser. Sa pagdami ng mga cancer cells, ang mga normal cells ay natatabunan tulad ng pulang dugo at platelets.
Ang sintomas ng leukemia ay dulot ng pagkawasak ng dalawang klase ng selula. Una, nagiging kaunti ang red blood cells kung saan ang pasyente ay nagiging anemic at kailangan salinan ng dugo Pangalawa, nagiging kaunti ang platelets. Ang platelets ay ang pagbuo ng dugo kapag tayo ay nasusugatan. Maaari tayong duguin sa ilong, gilagid at balat kapag nagkulang ang ating platelets.
Kung madalas kang magkaroon ng pagdurugo o pagpapasa ay makabubuting ipasuri mo ang iyong dugo sa pamamagitan ng CBC with peripheral smear. Ito ang blood test na nakakatulong sa pagtuklas kung ang pasyente ay may leukemia.
Apat ang posibleng pinangagalingan ng sakit na leukemia:
1. Maaari itong mamana sa ating magulang.
2. Nakakasama ang masyadong exposure sa Xrays,CT scan, MRI at iba pang radiation.
3. Nakakasama rin ang mga pesticides na madalas nating gamitin sa mga halaman. Ang benzene na isang kemikal sa plastic ay maaari ring magdulot ng leukemia.
4. Masama rin ang paninigarilyo.
May mga paraan kung paano magagamot ang sakit na leukemia tulad ng chemotherapy, bone marrow transplant at makabagong stem cell treatment. Pero hindi pa rin tiyak ang paggaling ng mga pasyente. Hindi rin mura ang mga ganitong gamutan. Ang doktor na nagsusuri sa mga pasyenteng dumaranas ng leukemia ay tinatawag na Hematologist.
Ito ang mga tips kung paano makaiiwas sa sakit na leukemia.
1. Ang mga bata na edad dalawa pababa ay dapat pakainin ng saging o orange apat na beses hanggang limang beses sa bawat linggo.
2. Turuan din sila na kumain ng gulay tulad ng pechay, ampalaya at kangkong.
3. Kung maaari ay umiwas sa pagkain ng mga preserved meats o tulad ng hotdog, tocino, longonisa, at hamburger.
4. Hugasan maigi ang gulay at prutas bago ito kainin at siguraduhing wala itong kemikal na nakadikit pa rito tulad ng fertilizer.
5. Pumili ng mga organic na itlog at manok. Ito ay iyung mga hindi ginagamitan ng kemikal na pampapalaki ng manok at iba pang pagkain.
Maging maingat po tayo sa ating kalusugan, mamuhay nang tama at malinis upang tayo ay makaiwas sa mga sakit gaya nito.
Ang tips na ito ay hango sa naisulat ni Dr. Willie T. Ong sa pahayagang Ngayon.
ty po sa very informative info na ito
ReplyDeleteNamatay na tito ko. Ngayong araw lang :'( 11:20pm ng September 22, 2013 hayss leukemia ang sakit niya. Wala kami magawa kundi tanggapin :(((((
ReplyDelete