Dumarami ang mga Pilipino na nakararanas ng impotence. Ang Impotence ay isang seryosong problema para sa mag-asawa. Ang sakit na ito ay dulot ng pagkabawas sa daloy ng dugo o hirap sa stimulation.
Ngunit alam ninyo bang ang bawang ay isa sa mga may mabisang pakinabang upang lunasan ang sakit na Impotence? Totoo mga katoto, ang bawang ay mayroong nitric oxide na tumutulong sa transduction system para pasimulan ang paninigas sa ari ng lalaki. Hindi naman kailangan na kumain ka ng isang buong bawang para maging mabisa ito dahil kahit pa sahog lang ito sa ulam o dinikdik pa ito ay pareho pa rin ang benipisyong maibibigay nito sa mga may sekswal na problema.
Pwede mong subukang gumawa ng isang garlic soup. Ito ang mga simpleng sangkap:
1. Sampung garlic cloves
2. Limang tasa ng beef stock
3. Isang tasa ng white wine
4. 1/4 tasa ng olive oil
5. Asin at paminta
Para sa mga mag-asawa, maaaring humigop muna ng mainit na bawang soup bago kayo magsiping sa kama.
Iba pang benipisyo ng bawang para sa sekswal na kalusugan (sexual health)
1. Lunas kung may dinaranas na problema sa pagreregla at endometriosis. Kung may hirap sa pagreregla maaari kang uminom ng gatas na may dinikdik na bawang. Ito ay maaaring magpakalma sa iyo.
2. Ang pag-inom ng garlic juice ay maigi rin hindi lang sa sexual health kundi pati na rin sa pagbibigay sigla sa iyong kalusugan.
3. Kung ikaw naman ay may lactose intolerance, isang alternatibo sa nabanggit na garlic milk ay pag-inom ng tsaa na may bawang.
4. Ang sampung bawang kapag dinikdik at inihalo sa olive oil ay maaaring gawing langis para sa pang-masahe. Subukan mo ito sa iyong partner.
Tunay ngang ang bawang ay isa na sa pinakamabisa at natural na lunas sa maraming sekswal na problema. Kaya't kung nakararanas ka ng sekswal debility, depressed libido, o impotence, subukan na ang bawang mga katoto.
ok ang garlic tips na 'to ah... basta ako ipagpatuloy ko lang ang pagkain ng boy bawang.. heheheh
ReplyDeletemahusay na tip katoto! hahaha....
ReplyDelete@metalpig - natawa ako sa comment mo.. :)
salamat katotong metalpig sa pagbisita
ReplyDeletebawang na, nde na sibuyas.. :P
ReplyDeletesyanga, nakakagulat ung lumabas na picture djan bandang itaas... in-your-face kumbaga.. heheheh
Nice post po.. ahehehe.. :) Very informative..
ReplyDelete