Hindi maitatangi na madalas ang isang relasyon o pagsasama ay nagkakaroon ng mapait na wakas. Gaano man ito katatag sa simula ay marami pa ring bagay na sumusubok dito. Kung minsan, masarap lang sa simula dahil nakadarama ka pa ng kilig at lambing, pero sa katagalan ay unti-unti mo nang natutuklasan na sa mundong ito wala pa lang relasyon na sadyang nabuo ng perpekto, lagi itong may pagsubok. Mahal mo siya? At gagawin mo ang lahat ng paraan para hindi kayo mauwi sa hiwalayan. Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit nauuwi sa hiwalayan ang isang relasyon. Sa pamamagitan nito, malalaman mo kung paano mo lalo pang mapapanatiling maganda ang iyong pagsasama.
1. Kapintasan. Tanggapin mong marami kayong pagkakaiba at habang tumatagal ang isang relasyon, matutuklasan mong marami talagang bagay na hindi kayo pareho. Kaya imbes na magalit sa iyong partner ay maluwag mong tanggapin ang inyong pagkakaiba. At kung mayroon talagang dapat na baguhin, ay pag-usapan ito ng malumanay at huwag hayaang humantong ang usapan na ito sa pagkagalit.
2. Kasinungalingan. Napakahirap ibalik ang pagtitiwala, kaya't huwag mong hayaan na mawala ito sa inyong relasyon. Anumang uri ng kasinungalingan, sinasadya man o hindi ay hindi dapat mamalagi sa isang relasyon.
3. Panloloko. Maraming ibig sabihin ito? Maaaring isipin nang iyong partner na ang pakikipag-usap mo sa ibang lalake/babae habang nasa isang restaurant nang hindi mo ipinapaalam sa kanya ay isipin niya ng niloloko mo siya. Kaya't mahalagang alamin mo kung gaano ka sensitibo ang iyong partner pagdating sa ganitong bagay para hindi ka niya mapag-isipan ng masama.
4. Pagdududa. Kung may pagdududa ka ay mas maiging malumanay mo siyang kausapin tungkol dito kaysa lihim na tuklasin kung mayroon ba dapat na pagdudahan o wala.
5. Sobrang Pagseselos. Lahat ng sobra ay nakasasama. Ang pagseselos ay tulad ng sa pag-inom ng alak na kapag napasobra ay nakakasama. Kung wala namang dapat pagselosan, ay huwag mo na itong palakihin pa.
6. Pagkukumpara sa dati mong karelasyon. Hindi rin makabubuting lagi mo siyang ikinukumpara sa dati mong naging kasintahan kahit pa pabiro ito ay maaaring makasakit ito sa kanyang ego.
7. Kawalan ng Komunikasyon. Maraming relasyon ang nauuuwi sa hiwalayan dahil sa kakulangan ng komunikasyon. Sa isang pagsasama, kung may problemang dapat masolusyonan ay kinakailangang pag-usapan ninyong dalawa.
Laging tandaan na ang isang relasyon ay hindi parang isang kanin na kapag napaso ka ay iluluwa mo na lang pagkatapos. Ito ay iyong pahalagahan dahil wala ng gaganda pa sa isang buhay na mayroong nagmamahal sa iyo ng tunay.
Basahin din: Being Single: Tips Kung Paano Maging Masaya
Comments
Post a Comment