Skip to main content

Posts

Showing posts from 2012

Mga Patok At Murang Giveaways Ngayong Christmas

It's christmas time! Ang bilis talaga ng panahon. Ngayon nga'y aligaga na sa pagpunta sa Divisoria ang ilan sa atin para makabili ng patok at murang regalo o mga pang-giveaways para sa kanilang mga inaanak, kaibigan, kakilala, mga suki sa kanilang negosyo at kung sino-sino pa. Mura nga naman kasi sa Divisoria kung ikaw ay kukuha ng bulto-bultong pang-regalo. Pero kung hindi mo naman trip ang makipagsiksikan sa Divisoria ay pwede mo rin namang ikonsidera ang ilan sa mga itong pwede rin namang pang-giveaways ngayong nalalapit na pasko o kahit pa sa iba pang okasyon. Ang mga giveaways na ito ay maaari mong mabili sa aming print and personalized shop. Siguro'y isa nga rin itong uri ng promosyon para sa aming negosyo pero sa kabilang banda ay isa rin itong pagbabahagi ng Tips para sa mga mamimili na gaya mo. Personalized Keychain  Ang keychain na nagkakahalaga lamang ng 13 pesos per piraso ay magandang giveaways lalo't kung maliit lamang ang budget mo para sa m...

Mga Prutas Na Panlaban Sa FLU

Nakararanas ka ba ng mga sintomas ng trangkaso o flu? Kung oo, dapat ay bumuti ang kalagayan ng iyong immune system sa pamamagitan ng mga masusustansyang pagkain. Ito ang ilan sa mga prutas na maiging panlaban sa FLU Mansanas Ang prutas na ito ay mayaman sa antioxidant. Bukod pa roon, mayroon din itong flavonoid compounds na nakatutulong makaiwas sa heart disease pati na rin ang cancer. Kaya’t ugaliin ang pagkain ng mansanas kung nais mong madaling maka-recover sa trangkaso. Papaya Ang papaya ay mayaman sa beta-carotene, vitamin C and E, na tumutulong  makabawas sa inflammation at pati na rin sa mga sintomas ng flu. Saging Isa pa sa mabisang panlaban sa flu ay ang saging. Mayroon itong Vitamin B6 na kayang pahupain ang sintomas ng depresyon, stress, at insomnia. Nakakatulong din ito para palakasin ang enerhiya. Mayaman din ang saging sa magnesium na malaking tulong sa pagpapatibay ng buto. Ang saging ay mayaman din sa potassium na tumutulong upang makaiwa...

Mabuting Dulot Ng Honey Lemon Juice

Isang masarap at masustansyang inumin ang kombinasyon ng honey at lemon juice.  Lalo’t makakapagbigay ito ng mabuting dulot sa iyong kalusugan kung magiging regular ang pag-inom mo nito. Ito ang ilan sa mga mabubuting dulot ng Honey Lemon Juice : Pampapayat Maaari kang magdagdag ng ilang patak ng honey sa isang baso ng maligamgam na lemonada. Bukod sa magandang pampapayat, ang inuming din na ito ay mayaman sa citric acid and antioxidant. Pwede mo itong inumin bago o pagkatapos mong kumain. Lunas sa indigestion  Ang kombinasyon ng maligamgam na tubig, lemon juice at honey ay nakakapaglinis ng toxins sa katawan at mabisa ring pampaganda ng kutis. Malaking tulong para makaiwas sa Kidney Stone  Ang pagpipigil ng ihi, ang madalang na pag-inom ng tubig at labis na calcium sa katawan ay ilan sa mga dahilan ng kidney stone. Kung nais mong makaiwas sa ganitong uri ng karamdaman ay mabisa ang kombinasyon ng lemon juice at honey. Nakatutulong ito p...

Kaalaman Tungkol Sa Takot (FEAR)

Ayon sa pag aaral ang tao ay may kakayahan na makaamoy ng takot o panganib. Sa pagdaragdag, ang amoy ng takot ay nakakaapekto din sa  emosyon ng ibang tao. Sa pag aaral na ito ay sumasalungat sa paniniwala na sa pagsasalita at sa nakikita lamang ang basihan ng komunikasyon ng tao sabe ni Gun Semin at ang kasamahan nya sa Utrecht sa Netherland. Ayon sa Psychological Science, ang mga nagsusuri ay nag eksperimento ng 10 lalake kung ang kanilang kili-kili ay nababasa kapag sila ay nanunuod ng mga nakakatakot na palabas o mga kalokohan na napapanood sa mga telebisyon. Nagsaliksik din sila ng 36 na babae na nakipagkita sa 10 kalalakihan. Sa hindi inaasahang pangyayari naamoy ng mga kababaihang ito ang pawis ng mga lalake. Ang mga nanaliksik ay napuna din ang paggalaw ng kanilang mga mata. Doon nila nalaman na kapag ang babae ay nakaamoy ng pawis dahil sa takot ng mga lalake, ang kanilang mata ang nagsasabe ng kanilang ekspresyon tulad ng takot. Gayunpaman, marami na din ...

Mabuting Dulot Ng Black Tea

Maraming tao ang nag kukumpara sa kakayanan ng black tea at ng green tea. Ayon sa pag aaral, ang mga tao na may type 2 diabetes ay mababa ang bilang sa mga syudad na umiinom ng black tea. Ang pagsusuri na ito ay sumusuporta sa dating pag aaral na ang black tea ay nakakapag pababa ng risk na ang tao ay magkaroon ng sakit na diabetes. Ang Ireland ang nakapagtala na pinaka gumagamit ng black tea(mahigit sa 1.8kg kada taon ang nagagamit bawat tao), sumunod dito ang UK at Turkey. Ang mga bansa naman na madalang gumamit nito ay ang  South Korea, Brazil, China, Morocco at Mexico. Ang resulta sa pagsusuri, ang mga bansa na laging gumagamit ng black tea ay pinakamababa sa mga bilang ng may sakit na diabetes. Ang black tea ay naglalaman ng flavonoid complex na nagdudulot ng mabuti sa katawan ng tao. Ayon sa International Diabetes Federation, ang bilang ng mayroong type 2 diabetes ay 285 million noong 2010 at inaasahang magiging 438 million sa 2020. Source: medicmagic.net

Mabuting Dulot Ng White Tea

Madalas nating marinig ang benepisyong hatid ng chamomile tea, black tea at ng green tea. Pero narinig ninyo na ba ang tungkol sa white tea? Sa ngayon popular ang white tea sa North America. Sa katotohanan dilaw ang kulay ng white tea. Ang white tea ay kailangang ng special na paraan ng paghahanda. Ang tsaa na ito ay hindi fermented at hindi rin brewed gaya ng ibang tsaa. Mas maigi kasing ibinibilad ito sa tindi ng sikat ng araw. Pinaniniwalaang mayroong maselan na aroma at fruit flavor ang tsaa na ito. Ang tsaa na ito ay nangaling sa Fijuan,China na na-develop simula nung 1700s. Taong 2000 , nang matapos ang pagsasaliksik sa tsaa na ito at nagging popular nga sa western countries. Ayon sa pag-uulat ng Times of India. Dahil sa taas ng level ng anti-oxidants, ang white tea ay kilalang lunas at prevention sa cancer, pagpapababa ng cholesterol  at blood pressure. Pinoprotektahan din nito ang puso. Hindi lang iyon, pinatitibay din nito ang ating buto, pagpapaganda ng kut...

Mga Kaalaman Tungkol Sa Ulcer

Ito ang ilang kaalaman tungkol sa ulcer mula sa artikulo ni Shane M. Ludovice M.D sa kanyang kolum sa Bulgar na Sabi ni Doc: Dati ay iniisip natin na ang ulcer ay dala raw ng sobrang stress, labis na pag-aalala at pagkain ng maanghang. Posibleng may kontribusyon ang mga ito sa pagkakaroon ng ulcer, ngunit napakaliit lamang. Ang ating sikmura ay nagpupundar ng acid at pepsin para magiling ang ating mga kinakain at dahil sa kakayahan nitong lumusaw ng pagkain, mayroon tayong lining na may mucus sa ating upper digestive tract para hindi nito matunaw ang ating sariling bituka. Kaya mahalaga ang tamang balanse ng acid at protective mucus para mapanatili nating malusog ang ating bituka. Sa sakit na ulcer ay walang tamang balanse ang acid at mucus. Kapag sobrang dami ng acis at kakaunto lamang ang mucus, mada-damage ng acis at pepsin ang sikmura at bituka at dito na magsisimula ang ulcer. Narito ang ilang factors na sumisira sa tamang balanse ng acid at mucus kaya posibleng mauwi it...

Mga Gamit Ng Labatiba o ENEMA

Ang labatiba o Enema ay maaaring mabili sa Bambang,Sta Cruz, kaliwa't kanan ang mga nagtitinda ng medical supply sa lugar na 'yun. Ang presyo ay depende sa klase ng bibilhin mong labatiba. Ang enema o labatiba ay isang aparato na ginagamit para panlinis ng bituka. Ang paglalabatiba ay isang procedure kung saan ay nagpapasok ng liquid o tubig at kung minsan ay may kasamang baking soda sa anus ( butas ng puwit) papuntang rectum (tumbong) at colon para malinisan ang bituka.  Ano ang medical usage ng labatiba?  Kadalasang ito ay isinasagawa kung sasailalim sa surgery ang pasyente.  Ginagamit din para sa constipation (du'n sa hindi makadumi o hirap dumumi) at fecal impaction. Sa pasyenteng buntis bago ito mag labor. Rehydration therapy (proctolysis) sa mga pasyenteng hindi puwede ang intravenous therapy o paglagay ng suwero. Cleanse the lower bowel bago isagawa ang sigmoidoscopy o colonoscopy. Topical administration ng gamot sa rectum tulad ng corticosteroids...

Health Benefits Ng Kintsay o Celery

Ang kintsay o celery ay isang kilalang gulay na masarap, meryenda man o sahog sa salad at ilang lutong pagkain. Ayon sa isang nutritionist, lahat ng bahagi ng celery ay mainam sa kalusugan na nagdudulot ng maraming bitamina at mineral. Ilan sa mga benepisyo sa kalusugang naibibigay ng celery ay kinabibilangan ng mga sumusunod: Mayaman sa Vitamin C. Ang bitamina C na makukuha sa naturang gulay ay napatunayang may kakayahang lumaban sa banta ng sipon at nakapagpapaiwas sa pinsala ng free radical maging ng arthritis at asthma. Nagtataboy ng cholesterol. Lumabas sa pag-aaral na ang celery ay nakapagpapababa sa cholesterol level ng maraming tao mula sa pagpapataas ng tinatawag na secretion ng bile acid sa katawan. Maging ng blood pressure kung saan nakapagpaparelaks ito ng arterial muscles na nagpapabuti ng daloy ng dugo sa buong katawan. Mayaman sa pottasium. Ang celery ay mayaman sa parehong potassium at sodium na nakatutulong sa katawan upang magproduce ng mas maraming ...

Mga Kaalaman Tungkol Sa Ovary Cancer at Corpus Uteri

Ang cancer sa ovary ay may mas mataas na kaso sa mga babaeng may edad 40 pataas at halos wala itong sintomas sa una kaya marami sa mga ganitong kaso ang huli nang nade-detect. Kung may senyales man, ito ay ang bukol na makakapa sa tiyan o kaya naman ay may nasasalat na bukol bandang balakang kapag ineksamin. Kung matutuklasan ng maaga ang kanser sa obaryo, mabisa ang operasyon, kung ito ay advance, operasyon at chemotherapy ang ginagawa. Ang kanser naman sa matris o corpus uteri ay tumataas ang insidente kapag ang babae ay lampas na sa edad 45 at karaniwang sintomas nito ay labis na pagdurugo kapag nagreregla o kaya naman ay nagdurugo sa pagitan ng magkasunod na menstruation (intermenstrual bleeding) o pagdurugo ng isang babaeng nag-menopause na, kung minsan ay may discharge sa puwerta na hindi karaniwan at paminsan-minsan  na paghilab o paninigas ng tiyan. Mas mataas ang risk na magkaroon nito ang mga babaeng hindi nagkaasawa o nagkaanak, mga babaeng matagal ng gumagamit n...

Pre-Menstrual Syndrome- Tips Sa Pananakit Ng Puson

Ayon sa pag-aaral ay kinakailangan na matanto sa gene ng bawat babae na nakararanas ng pre-menstrual syndrome ang dahilan ng pagsumpong nito. Ito ang ilang tips ng mga eksperto para lunasan ang PMS. Itaboy ang PMS mula sa pagkain kada dalawang oras. Ang pagpapanatiling steady ng blood sugar sa pamamagitan ng pagkonsumo ng kaunti at magagaang na pagkain kada dalawang oras, sa halip na pagkonsumo ng mabibigat na almusal, tanghalian at hapunan ay mahusay upang tuluyang maitaboy ang sintomas. Ayon sa eksperto, ang pagpapanatiling steady ng blood sugar ng isang babae ay mainam na sandata upang maging normal ang gene ng katawan. Kumonsumo ng Vitamin B6 para maitaboy ang iritasyon. Ang tinatawag na PMS gene ay nagbubunsod sa mood-elevating brain chemical serotonin. Gayunman, mainam ang pagkonsumo ng 100mg. Vitamin B6 sa araw araw, sapat na upang maiwasan ang tinatawag na genetic malfunction at makabuo ng produksyon ng seratonin na tinatayang nagpapabuti sa nararanasang iritasy...

Onychomycosis- Sanhi Sintomas Lunas

Isa ka bang Diabetic at nakikita mong umiitim at unti-unting namamatay ang kuko? Masasabing may fungal infection ang mga kuko mo at kung tawagin ito ay Onychomycosis . Ang sakit na ito ay dala ng iba't ibang fungus at made-detect lamang kung anong fungi kapag ineksamin sa laboratoryo ang sample ng iyong kuko. Medyo matagal ang proseso ng pagkasira ng kuko, una ay mawawala muna ang natural na kislap ng kuko at pagkatapos ay magiging malutong na ang mga ito. Magkakaroon ng parang mga bitak o kayod at kung minsan pa nga ay parang kinain ng uod ang hitsura ng kuko at nagiging impektado rin ng katabing mga tissue o cuticle. Madalas magkaroon ng onychomycosis ay mga taong ang trabaho ay nakababad ng matagal ang mga kamay  sa tubig, 'yung mga may ingrown toe nail, mga taong mababa ang resistensya laban sa impeksyon tulad ng mga diabetic o umiinom ng steriod drugs at 'yung madalas magkaroon ng "paronychia" o pamamaga ng balat sa paligid ng kuko. Sa mga...

Hepatoma - Sanhi Sintomas Lunas

Babala sa mga sumasakit ang tiyan at bumababa ang timbang!  Ang diagnosis na hepatoma ay tumutukoy sa kanser sa atay at sinasabing ang kanser na ito ay napakabagsik sapagkat sinuman ang dapuan nito ay namamatay sa loob ng 6 na buwan dahil kadalasan ay tumatagal lamang ang kanilang buhay ng 2-3 buwan. Ito ay isang kanser na nagmula mismo sa mga selula ng atay at mayroong mga kaso ng kanser sa atay na nadamay lamang ang atay at posibleng nangagaling ang kanser sa ibang organo ng katawan tulad ng kanser sa bituka, sikmura, suso, baga, lalagukan  at puwit. Kadalasan na biktima ng hepatoma ay 'yung may kasaysayan ng sakit na hepatitis B at cirrhosis ( ito 'yung pagtigas ng atay dahil sa sobrang pag-inom ng alak) at sa mga kalalakihang may edad 60 pataas at kung anuman ang talagang sanhi ng kanser sa atay ay 'di pa rin tiyak. Posibleng ito ay dahil sa radiation, virus tulad ng Hepatitis B, kemikal o hormona, tinatayang 50% ng may kanser sa atay ay may cirrhosis at kad...

Health Benefits Ng Cauliflower Brown Rice Cabbage Atbp

Para manatili pa ring healthy kung wala kang time mag-exercise ay kinakailangan na kumain ka ng mga masusustansyang pagkain gaya ng Brown Rice , Apple Juice , Cabbage at pati na rin Cauliflower . Heto ang ilan sa mga mabubuting dulot sa katawan ng mga pagkain na ito. Ang brown rice ay para sa mas malusog na puso. Mainam ang pag-e-enjoy sa tatlo o higit pang serving ng whole grains sa araw-araw na tinatayang nakapagpapababa ng banta ng sakit sa puso at stroke ng hanggang 36%.  Ayon sa eksperto, ang pagkonsumo ng grain sa halip na refined rice ay pagyakap sa mas mataas na fiber at anti-oxidants na kapwa mahusay sa pagpapababa ng presyon ng dugo at pagtaboy ng cholesterol mula sa cardiovascular system. Mainam ding halimbawa ang pagkonsumo ng oatmeal cookies at wheat crackers sa halip na chocolate chip/ Ang pagpakain ng gulay ay para sa maayos na kondisyon ng baga. Maraming tao ang nakararanas ng seryosong suliranin sa kanilang baga kung saan lumabas sa pag-aaral ...

Masakit Na Pag-ihi O Dysuria

Nakararamdam ka ba ng sakit sa tuwing ikaw ay umiihi?  Ayon kay Shane M. Ludovice M.D sa column niya sa Bulgar: Ang Sabi ni Doc-   Dysuria ang tawag sa masakit na pag-ihi at marami sa atin ang nakararanas nito at agad naikakapit sa masakit na pag-ihi ay ang UTI o impeksyon sa daluyan ng ihi subalit, hindi laging UTI ang dahilan. Puwede ring vaginitis o impeksyon sa puwerta ang posibleng sanhi. Madalas ay paulit-ulit ang atake ng UTI subalit, kahit UTI lamang ito ay hindi dapat ipagwalangbahala lalo pa kung ang masakit na pag-ihi ay may kasamang lagnat, dugo sa ihi, at pananakit ng likod malapit sa tagiliran. Mahigit sa 95% nang pabalik-balik na UTI ay "reinfection" lamang, na ibig sabihin ay 'yun pa rin ang organismong sanhi (E.Coli) at ito ay patuloy na namamalagi sa daanan ng ihi (urinary tract) o kaya ay muling na-infect ang daluyan ng ihi ng dumi mula sa labas, halimbawa ay dumi mula sa puwit.  At ang pinakakadalasang sanhi ng pananatili ng mikro...

Business Tips: Negosyong Uso P500 to P3k Capital

Nag-iisip ka ba ng negosyong pwedeng simulan sa maliit na kapital na 500 pesos hanggang 3k ? Kung nais mong mag-negosyo ngunit limitado lang ang iyong perang puhunan, huwag kang mag-alala sapagkat maraming business ang pwedeng simulan sa mababang puhunan ngunit may potensyal na kumita ng malaki. Ito ang ilan sa mga negosyong uso sa kahit anong panahon. Paggawa ng pabango at cologne . Sino ba naman ang ayaw na sila ay maging mabango? Madali at masaya ang paggawa nito. Ang profit margin para sa negosyong ito ay higit 300 poryento. Paunang Capital: 1,500 para sa 100 grams ng pabango. Ito ay maaari nang makagawa ng 12-13 roll-on bottles.  Tips: Ang production cost mo ay nasa 115.00 pesos. Pwede mong i-mark up ang produkto ng hanggang 300 porsyento. Paggawa ng Puto . Isa sa mga pinoy delicacy na madaling gawin at ibenta. Pwede ring mas mataas ang benta mo sa mga puto na may flavor ngunit tiyak na abot kaya pa rin ito ng masa.  Paunang Capital: 500 pe...

Honey - Mabisang Gamot Sa Acne

Ang pulot-pukyutan o honey ay kilala bilang isang inumin na pampataas ng stamina at nagpapaganda ng katawan. Hindi lang iyan sapagkat ito rin ay mayroong antibacterial property na maaaring makagamot ng acne o malalaking taghiyawat. Nagkakaroon ng acne o taghiyawat ang isang tao lalo't iyong mga nagbibinata at nagdadalaga pati na iyong malapit ng mag-menopause, dahil sa mga panahon na ito ang hormones ay nagiging sanhi ng labis na produksyon ng sebum, na kapag humalo sa mga bacteria ay magiging dahilan ng acne.  Ang proprionibacterium acnes bacteria o P. acnes ay puwersa ng mga bacteria na naninirahan sa balat ng tao     na nagiging sanhi ng pagkawasak nito. Kapag mataas ang produksyon ng sebum, ang bacteria ay magiging sanhi ng malalaking taghiyawat. Ang honey ay natuklasan nga na isang antibacterial para gamutin ang acne. Ito ay base sa pag-aaral na isinagawa sa University of Texas Health Science Center, natuklasan nilang ang honey ay mayaman sa sugar...

Fruits and Vegetables - Sanhi ng Pagtaba?

Maraming tao ang araw-araw binubusog ang ang kanilang sarili mula sa pagkonsumo ng maraming fruits and vegetables upang makapagbawas ng timbang kung saan epektibo ito sa nakakarami. Gayunman, isang dietician ang nagmalasakit na maglahad na hindi lahat ng prutas at gulay ay pantay-pantay na nakapagbibigay ng benepisyo kung saan ang labis na pagkonsumo nito ay maaaring sumabotahe sa hangaring makapagbawas ng timbang. Ang enerhiyang papasok ay diumano'y maaaring kumontra naman sa papalabas na enerhiya kung saan ang bilang ng calories na nakokonsumo ay naikukumpara sa bilang ng calories na nasusunog. Habang ang prutas ay mayaman sa nutrisyon at punumpuno ng fiber na kahit ang malusog na pagkain ay maaaring magbunsod sa pagdagdag ng timbang kapag lumalabis ang dami ng kinukonsumo na puno pa ng sugar kahit pa sa natural na tamis. Mas mainam na sa halip na masasarap at matatamis na prutas ang konsumuhin sa buong araw, mas piliin ang ang maaasim na prutas. source: ...

Hyperthyroidism- Sintomas At Gamutan

Nakararamdam ka ba ng malakas na pagkabog sa iyong dibdib na may kasamang panginginig ng kamay? Malakas kang kumain ngunit bumababa ang iyong timbang? Mainit ang katawan kahit hindi mainit ang panahon? At may parang nakausbong ba sa iyong leeg at mulagat ang iyong mata? Ang mga nabanggit ay ilang pangunahing sintomas ng Hyperthyroidism . Ayon kay Doctor Shane M. Ludovice, sa column niya sa Bulgar na Sabi ni Doc, Ang lahat ng binanggit ay sintomas ng tipikal na halimbawa ng hyperthyroidism. Ito ay dahil sa sobrang produksiyon ng thyroid hormone kaya  nagkakaroon ng metabolic imbalance sa katawan. Karaniwang nasa edad 30 hanggang 40 ang nagkakaroon nito, lalo na kung sa pamilya nyo ay may kasaysayan ng abnormalidad sa thyroid.  Ano ang posibleng sanhi ng hyperthyroidism? Ito ay maaaring dulot ng stress at posible rin genetic o nasa lahi. Maaaring kaakibat ng iba pang abnormalidad sa endocrine system tulad ng diabetes, hyroiditis at hyperparathyroidism. Maaari...

Health Benefits Ng Asparagus Apricot At Apple

Madalas nating talakayin ang tungkol sa iba't ibang halaga ng mga prutas at gulay sa ating kalusugan ng ating katawan. Para sa araw na ito, malalaman mo ang iba't ibang health benefits ng asparagus apricot at ng apple. Ang pagkain ng isang apple o mansanas sa isang araw ay magpapalayo sa iyo sa sakit sapagkata mahusay itong sandata sa kalusugan ng katawan. Mas mainam kung kukonsumuhin pati balat kung saan nagtataglay ito ng metabolism-boosting fiber na mahusay sa katawan. Ang kalahating tsaa na nilutong asparagus ay nakapagbibigay ng mataas na bilang ng Vitamin K at A at B vitamins tulad ng folic acid. Mainam ang asparagus sa pagmantina ng blood sugar ng isang tao at tuluyang maitaboy ang type 2 diabetes. Ang prutas na apricot naman ay mayaman sa beta carotene na may kakayahang lumaban sa banta ng cancer at sakit sa puso, maging na rin ang maprotektahan ang sarili laban sa panlalabo ng paningin.  Ang pagkonsumo ng tatlo o higit pang serving ng prutas na maya...

Benepisyo Sa Kalusugan Ng GUAVA

Napatunayan na ang guyabano o guava ay isang mahusay na prutas na mayroong mataas na concentration ng antioxidant na pumoprotekta laban sa cell damaga na nagdudulot ng pagtanda ng balat na maaaring magresulta sa cancer. Bukod sa guava ay mayroon ding Indian plum – tanim ng mga british na magsasaka sa bulubundukin ng Himalaya – mansanas at mangga. Natuklasan ng mga scientist sa National Institute of India sa Hyderabad na ang concentration ng antioxidant ng guyabano ay nasa 500 mg per 100 grams, 300 mg naman ang sa plum, at 135 naman sa pomegranates. Ang mansanas ay mayroong quarter ng antioxidant ng guava habang ang saging naman ay mayroon lamang 30 mg per 100 grams. Ang pakwan at pinya naman ay may kaunting proteksyon lamang na hatid laban sa mga free radical na sanhi ng skin damage. Kahit pa mataas ang fructose ng mangga ay mayroong 170 mg ng antioxidant, tatlong beses na higit sa papaya. Mas masustansya naman ang ubas kumpara sa orange. Pinapayuhan ng mg...

Pomegranate – Prutas Na Pampabata

Kung nais mong mabawas ang iyong stress at pagtanda ng maaga ay pinapayuhang kumonsumo ka ng pomegranate juice araw-araw. Ayon sa mga scientist, ang masustansyang prutas na ito ay kayang bawasan ang nararamdaman mong pagkabalisa at tulong din upang makaiwas ka sa mga sakit gaya ng cardiovascular diseases. Pumipigil din ito sa pagdami ng mga cancer cell. Kung kakain ka ng pomegranate araw araw ay babagal ang aging process ng cell sa ating DNA. Kaya naman ito ay magdudulot ng sigla,lakas at batang pakiramdam sa isang tao. Ang konklusyon na ito ay mula sa isang resaerch na tinugunan ng 60 na boluntaryo. Binigyan sila ng capsule na naglalaman ng extract mula sa pomegranate at pinainom iyon sa kanila ng isang buwan. Sinuri din ang chemical compound sa kanilang katawan at kinumpara sa mga taong hindi kumakain ng prutas na ito. Tinukoy ng mga researcher na mayroong pagbaba sa concentration ng marker 8-Ox0-DG, na may kinalaman sa cell damage na dahilan ng disruption sa aktibi...

Tulong Sa Kalusugan Ng CHERRY JUICE

Maliit man ang prutas na cherry ay marami naman itong tulong sa ating kalusugan. Isa na rito ang pagpapahimbing sa tulog tuwing gabi upang magampanan natin ng husto ang mga aktibidad natin sa umaga. Tinukoy ng mga scientist sa School of Biological Sciences sa Unibersidad ng Northumbria na ang cherry juice ay nakapagpapabuti ng kalidad nang ating tulog. Sabi pa ng mga tagapagsaliksik, ang prutas na cherry ay may mataas na concentration ng melatonin, isang hormone na nakapagpapa-regulate ng tulog. Kung mahimbing ang tulog sa gabi ay mas mainam mong magagawa ang iyong trabaho sa umaga, ikaw ay masiglang makakakilos sa buong araw. Para patunayan ito, naghanap ang mga researcher ng 20 boluntaryo. Sa isang linggo, ang mga ito ay kumonsumo ng 30 milli liters ng cherry juice at iba pang juice araw-araw. Para sa evaluation ng melatonin, kumolekta ang mga eksperto ng urine sample bago at pagkatapos ng experiment. Bukod pa riyan, pinasuot din ng wristwatch sensor ang mga boluntaryo...

Sintomas Ng Allergy Dulot Nang Strawberries

Maraming bitamina ang siyang mapapakinabangan ng katawan mula sa pagkain ng strawberries. Pero hindi lahat ng tao ay pwedeng kumain ng prutas na ito dahil may ilan ang nagkakaroon ng allergy matapos kumain ng prutas na ito. Isang maituturing na versatile fruit ang strawberries sapagkat mayaman ito sa nutrisyon gaya ng Vitamin C, iron,pottasium , folic acid, at iba pa. Ngunit ang pagkain ng strawberries ay may sanhi ring allergies sa tao. Mas pangkaraniwan itong nangyayari sa mga sanggol pa at mga batang nasa toddler stage. Nangyayari ang allergy kapag itinanggi ng katawan ang protein na hatid ng prutas na ito. Kapag tinukoy ng immune system na isang mapinsalang substance ang protein na makukuha sa strawberry, ito ay magdudulot ng allergic reaction. Ito ang ilan sa mga sintomas ng allergy mula sa pagkain ng strawberries: Pamamanhid at panginginig ng bibig May init na madarama sa labi Sakit sa tiyan Pamumugto ng bronchial tubes Diarrhea Dermatitis Nag...

Da Best Na Pagkain Laban Sa Osteoporosis

Ang ating mga buto o bones ay ang importanteng bahagi na sumusuporta sa ating katawan. Ang maagang treatment ang kailangan upang hindi mauwi ang ating buto sa pagkakaroon ng osteoporosis. Lalo’t sa ngayon, hindi lang matatanda ang nagkakaroon ng sakit na ito. Nangyayari ito kapag walang nutrisyon ang nakukuha ng ating buto. Ito ang mga pagkain para maiwasan ang ganitong uri ng sakit. Importante ang gatas sapagkat mayaman ito sa calcium at vitamin D na mga elementong dapat upang maging matibay ang buto. Pwede ring alternatibo ang pagkain ng iba pang dairy products gaya ng keso at ice cream. Pampatibay din ng buto ang nuts at grains. Maigi rin na kumain ng almonds, pistachios, at sunflower seeds na mayroon ding calcium. Ang potassium content na makikita sa almond ay nagbibigay din ng proteksyon sa katawan kapag nagkukulang sa calcium na importanteng nutrisyon para maging matibay ang buto. Kumain ng chicken feet, mayroon itong hydroxyapatite, calcium, at collagen ...

Dark Circles Around The Eye – Paano Mawala?

Nangingitim ang ilalim ng iyong mata lalo’t kung wala ka sa tulog o nakararanas ka ng fatigue. At sadyang napakapangit nito sapagkat magmumukha kang matanda. Heto ang ilang natural na paraan para mawala ang dark circles sa paligid ng iyong mga mata Magdampi ng bulak sa isang binalatang hilaw na patatas. Ipikit ang mga mata at ilagay roon ang bulak. Siguraduhing natatakpan ng bulak ang paligid ng mata kung saan ang pangingitim. Iwan roon ang bulak at pagkatapos ay maghilamos. Pwede mo ring gawin ang paggawa ng mixture mula sa isang kutsarang kamatis at lemon juice. Ilagay lamang ito sa pangingitim ng mata. Gawin ito dalawang beses isang araw. Isa pang alternatibo ang pag-inom ng isang basong tomato juice na may halong dahon ng mint, lime juice at asin. Inumin ito ng dalawang beses isang araw. Bukod sa mawawala ang dark circles sa paligid ng mata ay magiging maaliwas din ang iyong mukha. Kung pagod ang mata, mainam ang magtapal ng mint leaves, ito ay mag...

Speech Therapy – Lunas Sa Insomnia

Maraming tao sa buong mundo ang nakararanas ng hirap sa pagtulog. Para sa mga taong walang ganitong problema ay sa tingin nila madali lamang itong solusyonan. Pero hindi sa mga taong may insomnia. Isa sa pangkaraniwan ng gamutan sa mga taong may insomnia ay ang pag-inom ng sleeping pills at pagsasagawa ng cognitive behavorial therapy (CBT) o mas kilala sa tawag na speech therapy. Mas rekomendado naman ng mga specialist ang speech therapy kaysa sa pag-inom ng sleeping pills sapagkat wala itong hatid na panganib sa kalusugan ng pasyente. Sa pamamagitan ng therapy na ito ay matututunan ng isang pasyente na may insomnia ang makagawa ng mahimbing na pagtulog at matuturuan din ang pasyente kung paano malalabanan ang pagkabalisa na siyang dahilan kung bakit ang isang tao ay hindi makatulog ng mahimbing. Higit pa sa sleeping pills ang benepisyong hatid ng speech therapy sapagkat matagal ang magandang epekto nito sa taong may insomnia kumpara sa sleeping pills na panandalian la...