Skip to main content

Posts

Showing posts from March, 2012

Toothache: Natural Na Lunas Sa Sakit Ng Ngipin

Toothache - Ang sakit ng ngipin ay isang malaking abala. Hindi mo tiyak kung kailan ito susumpong. Maraming mga natural na lunas ang maaari mong subukan para rito. Ang pagmumumog ng maligamgam na tubig na may asin ay makatutulong pahupain ang sakit ng ngipin. Isa ito sa tinuturing na mabisang natural pain reliever. Ang sibuyas ay epektibo ring lunas sa sakit ng ngipin. Ang pagnguya ng sibuyas ay may dalang benepisyo upang mawala ang sakit ng ngipin. Maanghang ito ngunit garantisadong solusyon. Kung hindi manguya ang sibuyas ay pwede mo rin subukang gumawa ng langis yari rito. Pahiran ng langis ang sirang ngipin gamit ang malinis na cottonballs. Para sa pagpatay ng mikrobyo ay maaari mo ring subukang ang juice na yari sa sibuyas. Puting sibuyas ang mas epektibong gamitin. Kapaki-pakinabang din ang Asefitida. Durugin ito at ihalo sa lemon juice at ipahid sa sirang ngipin gamit ang cottonballs. Pinakamabisa pa rin ang pagsisipilyo ng ngipin dalawang beses sa isang araw. Ugaliin di...

Sore Eyes: Sintomas at Natural Na Lunas

Ang sore eyes na kilala rin sa tawag na conjunctivitis o pink eye ay karaniwang impeksyon sa mata na maaaring    maranasan ng lahat ng tao anumang kasarian o edad. Madaling makahawa ang sore eyes na pangunahing nasa conjunctiva at iba pang parte ng eyeballs. Sintomas ng Sore Eyes: Pamumula ng mata (maaaring reddish o pinkish) sa isa o sa parehong mata. Isa o pareho sa iyong mata ay makakaranas ng pangangati. Tipong may maliit na bato o buhangin sa loob ng mata. Magaspang na pakiramdam sa mata Pagmumuta ng mata  Natural Na Lunas Hugasan ang mata ng maligamgam na gatas o tubig Gumawa ng panapal sa mata yari sa ginadgad na mansanas Maglagay ng asin sa pinakuluang tubig, gumamit ng cotton balls na idadawdaw rito. Ipikit ang mata at itapal ang cotton balls. Gawin ito ng limang minuto. Pwede rin subukan ang juice na yari sa pipino Epektibo rin ang ginadgad na patatas na hinaluaan ng isang kutsaritang langis Marami pang natural na lunas ang maaari mong ...

Carinderia Business: Paano Magsimula at Kumita

Sa kabila ng malaking kompetisyon ng mga naglalakihang restaurant and food chain business sa Pilipinas ay hindi pa rin mawawala ang patok na negosyong Carinderia o Turo-Turo dito sa atin. Marami sa mga Pinoy ang pinipili pa ring kumain ng mga murang lutong bahay na inihahain sa ganito kesa magtungo at magbayad ng mahal sa mga fast food chain. Kaya't kung nais mong magsimula ng maliit na negosyo. Isa ang Carinderia Business sa maaari mong pasukin. Ito ang ilan sa mga dapat mong ikonsidera kung nais mong mamuhunan sa ganitong negosyo: Puhunan. Kailangan na pasimulang kapital sa negosyong ito ay hindi bababa sa 15,000 pesos. Ang puhunan ay paiikutin mo sa loob ng isa o dalawang linggo. Ang perang ito ay ilalaan mo sa pagbili ng mga lulutuin, gamit pang kusina,  renta sa espasyo, at bayad sa permits. Mas maliit pa rito ang kailangan mong puhunan kung sa sariling bakuran mo sisimulan ang iyong karinderia. Gamit. Isa o dalawang mesa para sa iyong mga parokyano, espasy...

Insomnia: Sanhi at Mga Natural Na Lunas

Insomnia ang tawag kapag ang isang tao ay dumaranas ng kakulangan sa tulog o hirap sa pagtulog. Mahalaga sa atin ang sapat na pagtulog upang makakilos ang ating katawan ayon sa lakas nito at tamang sigla. Nakakaalis ng tensyon at pagkapagod ang sapat na tulog. Normal na sa isang tao ang makatulog 7 hangang 8 oras sa gabi. Ang sakit na Insomnia ay kadalasan ng sakit ng mga tao lalo na't iyung mga nakatira sa syudad. Karaniwan din ito sa mga matatanda. Ano ang mga sanhi ng Insomnia?  Kapag hindi makapag-relax ang iyong isip o mental tension Dahilan din ang mga serious chronic diseases Labis na pag-inom ng tsaa at kape Subukan ang mga natural na lunas sa Insomnia: Tamang pag kontrol sa paghinga Malaking tulong din ang Yoga Exercise Regular na ehersisyo sa umaga at mahinahong ehersisyo sa gabi ay makakatulong sa katawan na magkaroon ng sapat na pagtulog. Ang ehersisyo ay nakatutulong alisin ang mga lactic acid sa ating katawan. Rekomendado ang mga ehersisyo g...

Biz Tips: Patok Na Negosyong Pampalamig Ngayong Summer

Summer na! Tiyak na patok na naman ang mga negosyong pampalamig. Ito ang ilan sa mga pwede mong subukan. Banana Shake Mga Sangkap: 1/3 cup ng lemon juice, 1 saging (mashed), kalahating evap milk, 1 quart orange ice, 1 pint cold water, 1 hiwa ng orange.  Napakadali nito gawin: Pagsamahin lang ang lemon juice, banana at asukal. Palamigin. Ihalo sa evaporada. Idagdag ang orang ice at tubig. Haluin at ihanda na.  Halo Halo  Mga Sangkap: Puting asukal, gatas, leche plan, ube halaya, macapuno, pinipog, langka, gulaman, sago, saba, camote, kaong, giniling na yelo.  Ilagay lamang sa isang baso lahat ng sangkap, pagkatapos ay ang yelo. Isang masarap na gatas ang sikreto nang isang masarap na halo-halo.  Fruit Smoothie Mga Sangkap: dalawang tasa ng orange juice, 1/3 tasa ng yogurt, dalawang saging ( medium, cut up), 1/2 tasa ng blue berry Ilagay lang sa blender lahat ng sahog. Makakalikha na ng isang masarap na fruit smoothie...

Summer Dating: Tips Para Sa Mga Nais Makipag-Date Ngayong Tag-init

Summer Dating- isang masayang pagkakataon sa magkasintahan na i-enjoy ang tag-init. Magliwaliw ng magkasama. Magsaya ng magkapiling ngayong summer season. Tuwing tag-init, ang pinaka-maiging panahon upang makisalamuha o i-date ang iyong mahal na kasintahan o makipag-date sa iyong napupusuan.  ENJOY THE SUMMER TOGETHER Saan mo nga ba siya dadalhin ngayong tag-init? Ito ang ilan sa tips para sa mga nais makipag-date ngayong summer na sa Pinas.  Yayain na ang iyong minamahal sa beach. Ang lugar kung saan maraming bagay kayong pwedeng gawin na tiyak na magpapasaya sa inyo pareho. Para sa mga nanliligaw, isang romantikong lugar ang beach para ipahayag ang iyong damdamin. Pwede mo siyang yayain na maglakad lakad sa beach lalo na't sa gabi. Maaari ka ring magset-up ng isang romantic date. Candle light picnic, makinig ng mga romantikong kanta ng magkasama, star gazing atbp.  Para sa mga mahilig kumain, perfect idea ang backyard barbeque, pagkain ng fresh ...

Summer Diseases: Tips Para Makaiwas Sa Mga Karaniwang Sakit Sa Tag-init

Summer Diseases- asahan na ang paglaganap ng mga ito katoto. Ayon Kay Dr. Willie Ong, isang media consultant ng Department of Health, kung masyadong mainit ay nahihirapan ang ating katawan na abutin ang normal na temperatura na 24-25 degrees at dahil sa di pangkaraniwang pagtaas ng ating temperatura tuwing tag-init ay maaaring ang isang tao ay dumanas ng mga sakit. Karaniwan sa mga sakit sa tuwing tag-init ay ubo, sipon, lagnat, sore eyes, tigdas, dengue, malaria, sunburn at bungang-araw. Pati food and water borne diseases tulad ng typhoid, cholera, hepatitis A, food poisoning at diarrhea. PREVENTION TO SUMMER DISEASES Ito ang ilan sa Tips para makaiwas sa mga karaniwang sakit ngayong Summer. On Eating Habits Make sure that we cook our foods properly. Siguraduhin na tama ang pagkaluto ng ating mga kinakain.  Kung maaari ay kainin kaagad ang lutong pagkain habang mainit pa ito. For left over foods, ilagay sa ref ang mga ito at kung kakainin na ay siguraduhing in...